Chapter 17

62 4 1
                                    

Andrea Caleb Rivera's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Kakagising ko lang kasi ngayong hapon. Kakarating lang kasi namin kaninang madaling araw galing sa Tito ko sa Isabela.

"Nak alis muna kami ng Papa mo ha."

"Opo. Ingat"

Tumalikod ako paharap sa bintana ko dito sa kwarto habang nakahiga. Nagmumuni muni. 2 weeks na rin pala ang nakalipas simula nung nagvacation kami sa Batangas. Nakakamiss na talaga ang Patrick na 'yon kahit minsan inaasar ako. Haay. Napangiti na lang ako ng parang ewan.

Hindi ko alam kung bakit pero kinuha ko ang laptop sa side table ko at binuksan ko ang file sa desktop na ang title ay "Batangas Trip <3"

Binuksan ko 'yong picture na pinakauna. 'Yon 'yong pinicturan ko ang daan papuntang Batangas. Nakakatuwa. Tapos naalala ko tuloy ang unang araw namin duon. Nung nakilala ko siya. Si Patrick. Napangiti ako.

Naalala ko pa nuon, nahihiya at nagtataka ako nung tinanong niya ang pangalan ko at lumapit siya sa akin. Kinakabahan pa ako nuon kasi akala ko pagtritripan din niya ako tulad ng iba. Pero hindi.

Nilipat ko ulit sa ibang pictures at nakita ko naman ang tree house. Naalala ko nung pangalawang araw namin sa Batangas. Nilibre pa ako ng ice cream ni Patrick tapos napagkamalan pa kaming magsyota!! Kainis.

Naalala ko pa nung unang beses niya akong tinawag ng "Caleb" nuon. Siya lang ang taong tumawag sakin ng pangalan kong 'yon. Nakakakilig pero mas nangingibabaw ang saya.

Nilipat ko ulit ang picture tapos may naalala nanaman ako. Nung pangatlong araw namin. Napatawa ako dito sa kama ko nung naalala ko ang nangyare nuon. Nung time na nawala sa isip kong magkikita pala kami ni Patrick nuon dahil sa pbb teens nila Mama. Namalayan ko na lang late na ako.

Nakakamiss tuloy nung naalala ko na dinala niya ako sa mga places na hindi ko pa napupuntahan duon. Nung pinakain niya ako ng isaw na nung una nagaalangan ako. Pero masarap naman. Pati yung Hahahahahaha. Ung balut na hindi ako makagetover sa pangalan pero masarap din naman.

Pero mas lalo akong napangiti nung nilipat ko sa isang picture. Picture nung una akong nagpunta sa bahay nila nung araw din na yun. 'Yong araw na wala akong kaalam alam na birthday pala ni Patrick. Nakilala ko ang pamilya niya.

Nilipat lipat ko ang mga pictures at anduon 'yong picture ng family niya, kaming dalawa. Ang cute nga tignan eh. Nakakatuwa. Naalala ko pa nuon na nung ginreet ko siya tapos kiniss ko siya sa pisngi niya tapos tumakbo pauwi. Kitang kita ko pa ang mukha niya na namumula. Kinilig tuloy ako.

Tinakpan ko saglit ng unan ang mukha ko dahil sa kilig. Ano ba 'tong ginagawa mo Andrea.

Nang nakarecover na ako sa kilig eh kinuha ko ulit ang laptop at nilipat ulit sa ibang pictures. Naalala ko naman nung pang apat na araw namin. Nung nagkwento ako kay mama ng tungkol kay Patrick. Pumunta pa ako sa bahay nila kasi gusto mameet nila mama si Pat.

Napatawa pa ako nung naalala ko nuon nung nainis ako sakaniya ng pinakauna. Nung niloko niya ako na nag please pa ako sakaniya para lang pumayag siya para sa dinner kasama sila Mama. Nung gabing 'yon nameet niya sila Mama at Papa. Sa mga pictures namin sa restaurant na 'yon halata sa mga mukha namin na namumula kaming dalawa.

Namumula dahil inaasar kami ni Mama. Lalo ako. Haaay mama talaga. Pero mas natuwa ako nung naalala ko ung fact na, duon ko inamin sa sarili ko na crush ko siya. Napahiga tuloy ako sa kama at tumili ng walang dahilan.

"Andreya!! Anong nangyayare sayo? Okay ka lang ba diyan?????"

Napaupo ako ng maayos sa kama ko ng sumigaw si Manang.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon