Chapter 18

60 5 0
                                    


"Okay class. Open your book on page 342. Kasama 'yang lesson na 'yan para sa exam niyo sa Monday."

"Ma'am ang dami na naming pointers! Wala naman kayong awa eh!!!"

"I hate my liiiiife!!!! Ugh!"

"K whatever"

Tuloy tuloy ang pagcocomplain ng mga kaklase ko habang may isinusulat sa board si Ma'am Santos. Ang Calculus teacher namin.

Naninibago ako ngayong araw. Isang linggo na kasi ang nakalipas simula nuong back to normal ulit. May klase na ulit. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Parang naiinitan ako na nahihilo na nahihirapan huminga. Ayaw ko lang ipahalata kasi kailangan kong maghabol ng lessons.

Wala akong maintindihan sa dinidiscuss kasi masama talaga ang pakiramdam ko. Ayaw ko naman pumunta ng infirmary kasi hindi naman ako maasikaso duon.

"Ms. Rivera, are you okay?"

Inangat ko ang ulo ko at nakita kong nakatingin lahat ng mata sa pwesto ko.

"Y-yes ma'am." matamlay kong sagot

"Okay. So going back....."

Ano ba yan Andrea. Focus!!! Baka gutom lang 'to, ikakain ko na lang mamayang recess.

Kaso naisip ko okay naman ang pagkain ko. Kumain pa nga ako kanina eh. Pero kasi kanina pa masakit ang ulo ko tapos kumikirot ang buong katawan ko. Pinilit ko lang sina Mama na pumasok ako.

Recess na kasi nakikita kong nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Kainis wala akong naintindihan sa Calculus huhu.

Naglakad na lang ako papuntang cafeteria para bumili ng food. Bread at juice lang ang binili ko tapos dumiretso ako sa garden. Kaunti lang kasi napupunta dito. Alam niyo naman mostly ng teenagers hindi mo makikita sa mga ganitong places.

Pinilit kong ubusin ang pagkain ko at uminom ng gamot. Nilagay ko sa lap ko ang bag ko. Dinala ko na kasi PE na ang next class namin. At ang PE namin two hours. Buti na lang nakikisama ngayon ang mundo at boys muna ang magPE ngayon so kaming girls, wala ng klase.

Naboboring ako sa bahay kaya nagstay muna ako dito sa school. Wala. Parang gusto ko lang magstay dito sa garden. Ang tahimik kasi.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko parang gusto kong matulog. Kaya naisipan kong pumunta sa isang malaking puno at nilagay ko ang bag ko sa baba ng puno para maging unan ko. Humiga ako at nanuod sa mga taong dumadaan.

Nakita ko 'yong dalawang magbestfriend. Sina Monique at Angelo. Matagal na silang magbestfriends eh. Ang cute nilang tignan. Namiss ko tuloy bigla si Patrick. Kamusta na kaya 'yon? Hindi na kasi napapatawag si Tita eh.

Biglang sumakit ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit pa ng puso ko parang hinihigit ang hininga ko. Napaiyak ako sa sakit. Tinakpan ko ang mukha ko para hindi ako makita ng tao. Pinipigilan ko ang sarili ko na magbreak out dito.

"Okay ka lang andrea?"

"H-ha?"

"Ang sabi namin okay ka lang ba?"

Nagulat naman kasi ako sa mga tao. Wow for the first time may kumausap sa akin ng maayos dito sa school.

"Ah. Ano. Ahm. O-oo"

"Sure ka?"

Tumango na lang ako at pinanuod na umalis ung grupo. 3 babae tapos 4 na lalake.

Nagulat naman ako nang may tumunog galing sa bag ko. Nagriring lang pala phone ko. Umupo muna ako at kinuha ang phone ko. May napatawag.

Ako: "H-hello? Sino po sila?"

Tita: "Ah andrea? Busy ka ba? Nako sorry ah. Ito kasing si Patrick nagpumilit na tawagan kita"

Ako: "Ah ganon po ba? Okay lang po. Tapos naman na po klase ko"

Tita: "Sige bigay ko na ha."

Ako: "Hi patrick. Kumusta ka na?"

Napangiti ako habang inaantay siyang magsalita.

Ako: "Huy! Hello? Patrick?"

Pat: "...."

Ako: "Uy ano baa. Wag mokong pinagtritripan"

Pat: "...."

Ako: "Bahala ka diyan. Bye."

Ibababa ko na sana ang call kaso sumagot siya.

Pat: "Wag."

Ako: "Ikaw kasi hindi ka nagsasalita."

Pat: "Ang cute kasi ng boses mo. Namiss ko"

Ako: "Ewan ko sayo"

Pat: "Miss na kita Cal."

Ako: "Ako rin hello kitty! Hehe"

Pat: "Hahahaha bastos ka talaga"

Ouch. Ang sakit. Nahihirapan akong himinga. Ano ba 'to.

Pat: "Kumusta na?"

Ako: "A-ayos hehe. I-kaw?"

Pat: "Ayos din. Okay ka lang bat nagstutter ka?"

Ako: "H-ha? Wala wala."

Kaya mo yan Andrea. Hinga lang ng malalim

Pat: "Asa. Ung totoo"

"......"

Ang sakit na talaga. Uminom ako ng water at pinakalma ko ang sarili ko

Pat: "Uy"

"...."

Ang sakit sakit na talaga

Pat: "Cal?"

"....."

Pat: "Wag ka naman ganyan. Ano trip mo hindi na ako natatawa!"

"......"

Pat: "Cal naman please."

Ouch. Ang sakit. Pahina na ng pahina ung katawan ko. Nandidilim na ang paningin ko.

Pat: "Oy Cal isa!!!!!"

Ako: "P-pat. A-ang sa - kit. T- *sobs* tulu- ngan moko"

Pat: "Cal!!!!! Wait. Wait!!!! Wag ka magaalala papatulong ako kay Mommy. Asan ka?"

Ako: "*sobs* school"

Pat: "Okay wait tatawagan ko Mommy mo. Shh tahan na okay. Andito ako"

Hindi ko na talaga kaya

Ngumiti nalang ako

and everything went black.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon