Chapter 19

63 4 1
                                    


"Cal."

"Pat tulungan mo ako......"

"Pat...."

Bigla kong minulat ang mga mata ko

"Aw." napahawak ako bigla sa ulo ko.

"Anak. Nak" Nakikita kong lumalapit si Mama sa akin galing sa sala.

Naninibago ako. Nasaan ba ako ngayon? At bakit umiiyak si Mama?

"Ma."

"Shhh. Nak. Okay ka lang ba? Ano m-may masakit ba?"

Hinawakan ko ang kamay ni Mama at pinaupo siya. Pinilit kong ngumiti kahit na mahirap para hindi magworry si Mama. Pinunasan ko ang luha sa mukha ni Mama.

"Ano b-bang nangyare nak? Nabigla na lang ako ng tinawagan ako n-ni Cloude."

"Cloude?"

"Tumawag siya sa akin nak. Sabi niya kailangan daw kitang hanapin. Tapos nak, t-tapos nakita kita sa school niyo. Walang malay. N-nak ano ba talagang nararamdaman mo. Please naman nak oh"

"Shhh. Ma. Okay lang ako."

"Anak naman eh. Andito ka sa hospital, okay ka? Seryoso tayo ngayon nak. Walang joke."

"Kumalma lang kayo Ma please? Ano po bang sabi ng doctor?"

"Kinakausap ngayon ng doctor ang papa mo"

"Ma, sorry ah? S-sorry kung nagiging pabigat na ako sa inyo ni Papa. Tignan niyo dapat asa work kayo ngayon pero ano? Nandito kayo, binabantayan ako."

"Nak, obligasyon namin 'yon ng Papa mo bilang magulang mo. Hinding hindi kami magsasawang alagaan ka dahil mahal ka namin. Tandaan mo yan nak, ha?"

Tumango na lang ako at ngumiti. Akala ko talaga kanina mamamatay na ako. Hindi ko kasi maexplain ang nararamdaman ko. Buti na lang nadala ako sa ospital.

Mediyo okay naman na ako. Wala na 'yong sakit ng ulo ko at mediyo nakakahinga naman na akong mabuti. 'Yon nga lang may nakakabit nanaman na dextrose sa akin. Haaay.

"Nak maiwan muna kita ha? Dadating ang tita Claire mo kasama si Ruth"

Tumango na lang ako at tumunganga. Haaay. Ang hirap naman ng ganitong buhay. Ang hirap ng ganitong sakit.

"Ahm. Hi Andrea! Ako pala ang nurse mo. Ate marie nalang tawag mo sa akin."

Nginitian ko naman siya at sinimulan na niyang gawin ang dapat niyang gawin sakin habang ineentertain ako. Minsan ang weird ng mga nurse. Pinipilit nilang gawing okay ang lahat pero ang totoo, impossible. Pero siyempre thankful pa rin ako sa mga nurses. Kung hindi dahil sa kanila baka ngayon tigok na ako. Hahaha.

"Alam mo ba, maganda ka"

"Hehe. Joker pala kayo ate nurse."

"Nako hindi a. O inumin mo muna 'tong gamot mo."

Sinunod ko naman ang ginawa niya habang umupo ako sa bed para magrelax habang si ate nurse may ginagawa na kung ano sa dextrose and everything.

"Ate nurse, pwede niyo po ba akong samahan?"

"Hmmm?"

"Gusto ko pong pumunta sa garden. Ang ganda po kasi"

"Nako ading. Hindi pwede. Makakasama sayo kapag nagtagal ka sa mga places na matao. Makakasama sa balat mo"

"Sige na po please? Saglit lang po talaga, promise!"

"Sige pero saglit lang talaga ha? Baka pagalitan ako ni Doc eh."

Ngumiti ako ng abot tenga tapos inalalayan ako ni Ate makaupo ng wheelchair tapos pinagulong na niya papuntang garden.

"Sige ading. Duon lang ako sa tabi. Tawagin mo na lang ako kapag babalik na tayo sa room mo ah?"

"Opo. Thank you po talaga"

Humarap na ulit ako sa mga batang naglalaro sa garden. Ang peaceful kasi rito sa garden. Ang linis, ang sarap ng simoy ng hangin habang dumadaloy sa mukha ko. Tumingin ako sa ulap. Sobrang liwanag. Ang simple, ang linis.

Lord, please. Ayoko na rito sa hospital. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na sa sakit na 'to. Pagod na pagod na ako, Lord. Pagalingin niyo na ako please. Gusto ko pa mabuhay ng matagal.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Relax andrea. Relax. Huminga ako ng malalim at tinignan muli ang paligid. Pagkatapos nuon ay tinawag ko na si ate nurse para bumalik sa room ko.

Buti na lang pagbalik ko sa room ko saktong dumating si Tita Claire at si Ruth kaya may kasama ako.

"Ate andweya bakit po may nakalagay sa kamay niyo?"

"Anak, kailangan 'yan ni Ate."

"Hello po tita."

"Oh andrea, kumusta naman pakiramdam mo? Fruits nga pala oh?"

"Mediyo okay naman na po. Salamat po. Nag-abala pa kayo. Pakilagay na lang po diyan sa table."

"Ruth 'lika rito"

Pumunta naman siya sa akin tapos pinatabi ko siya sa bed ko. Namiss ko 'tong batang ito dyusmeeeyo.

Nilaro laro ko lang naman si Ruth hanggang sa ayun, nakatulog sa pagod.

"Andrea"

"Po?"

"Be strong okay? Kaya mo 'yan"

Bigla naman dumating si Mama. Mediyo iba ang itsura. Pero hindi ko pinansin 'yon.

"Oh ma. Kailan po pala ang uwi ko? Makakauwi na po ba ako ngayon? May pasok pa po kasi bukas."

"Nak."

"Oh bakit ma?"

"Nak kailangan mong magstay ng mas matagal dito sa hospital. Mas mababantayan ka ng mga doctor dito."

Mas matagal???????

"Po?"

"Nak kaya natin 'to okay? Kakayanin mo 'to."

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon