Chapter 7: Day 2

98 5 3
                                    


Nandito ako ngayon sa veranda, nakaupo habang umiinom ng hot choco at pinagmamasdan ang magandang view.

Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit ako kinausap ng patrick na 'yon. Hindi na kasi ako nakabalik kahapon sa beach kasi umulan. Sayang... Ang dami ko pa naman gustong tanungin sakaniya kaso baka hindi na kami ulit magkita.

Bumaba na ako para kumain kasama sila mama.

"Oh nak, after natin kumain aalis lang kami saglit ng papa mo ha? May aasikasuhin biglaan. Enjoy ka dito." Tumango nalang ako at pagkatapos kumain ay uminom nako ng gamot at naligo.

"Manang labas po muna ako ha?"

Lumabas na ako at pumunta ulit sa pwesto kung saan kami nagkita. Ewan ko ba. Parang may part sa akin na umaasang makikita ko siya ngayon. Parang ang gaan gaan ng luob ko sakaniya kahit kahapon lang kami nagkita. Siguro kasi siya lang ang unang kumausap sa akin ng ganon except sa bahay...

"A-andrea?"

"Uy sam. Kumusta?"

"Ayos naman. Teka diyan ka lang ha? Babalik ako" Tumango na lang ako at kumuha ng stick. Kung ano anong sinusulat ko... Kung ano anong dinadrawing ko..

"Hi!!" masiglang bati ng nasa likod ko.

"Uy patrick ikaw pala."

Umalis na si Sam. Bakit ganon ang saya ko?

"Kumusta?"

"Okay naman. Ikaw ba?"

"Ayos lang din. Dito ka ba nakatira? Parang ngayon lang kasi kita napansin dito sa beach"

"Ah ano, vacation lang kami dito. Taga Manila talaga ako. Ayun may rest house naman kami dito malapit lang. Siguro mga 10-20 steps lang. Hehe"

"Hahahaha. Ang cute mo naman. Siguro kung nakakakita lang ako ngayon crush na kita."

Bigla akong nagulat at napatingin sakanya. Haaay. Nakakahiya naman!!!! Kung alam lang niya.... na panget ako.

"Oh bakit natahimik ka?"

"A-ah w-ala wala. Eh ikaw saan ka dito nakatira?"

"Ay dito na talaga kami nakatira sa batangas. Malapit dito sa beach. Kaya lagi ako dito simula nung bata pa lang ako."

"Ah. Kaya pala"

"Alam mo ba. Nung unang dinala ako dito ng papa ko siguro mga 6 years old ako nuon. Kahit na hindi ko nakikita, pakiramdam ko ang ganda ganda dito. Kaya simula nuon lagi na akong pumupunta dito." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ahh. Oo. Sobrang ganda dito. Ibang iba 'to sa manila eh. Tapos kahit pumikit ka ang ganda pa rin. Sa mga tunog pa lang ng alon."

Madami na rin kaming napagusapan. Ang dami ko ng nalaman sakaniya. Kapatid pala niya si Sam. Tapos talagang mabait ang pamilya nila. Kaya pala nung unang pagkakita palang ni Sam sa akin, kahit na ganito itsura ko nakangiti lang siya. Buti pa sila. Sana pala dito nalang ako nag-aral.

"Nalibot mo na ba dito?"

"Ah hindi pa. Wala naman kasi akong kasamang maglibot eh."

"Gusto mo samahan kita?"

"H-ha? Nako wag na lang nakakahiya tsaka paano pag nawala tayo. Hindi mo pa naman nakikita ang daan"

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon