Chapter 6: Day 1

94 9 7
                                    

"Naaak! Tara na ibaba mo na yang mga gamit mo at aalis na tayo" Natigil ako sa pagbabasa nang bigla akong tawagin ni Mama.

"opo"

Chineck ko ang orasan. 2 am. Ahhhh. Oras na nga pala ng alis namin. Nilagay ko na ang libro sa bag ko at kinuha na ang mga gamit ko.

Pinabuhat ko na kay manong ang mga gamit ko para malagay na sa likod ng van. Pagkatapos ay dumiretso ako kay papa.

"Oh anak, ready ka na ba?"

"Ready na po ako! Mediyo kinakabahan po pero excited."

Tumawa naman sila habang ako eh sumakay na ng van. Bale si manong ung driver tapos nasa shotgun seat naman si Papa. Tapos si Mama at manang magkatabi sa likod tapos ako naman nasa pinakalikod. Ganito kasi kami kapag bumabyahe. Gusto ko nasa pinakalikod na upuan ako. Ewan ko. Mas maganda kasi ang view.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Sana. Sana kahit sa sandaling panahon ma-enjoy ko duon. Nakakaexcite na nakakakaba..... Minulat ko ulit ang mga mata ko.

"Oh, lets go?"

Tumango naman kaming lahat kay Papa kaya pinaandar na ni manong ang sasakyan.

Batangas, here I coooooome ~

------

Nagising ako dahil sa lakas ng tugtog na narinig ko. Nakita ko si Mama na kumakanta kanta pa at si papa naman eh nakikisabay din. Hay nako. Mga hyper ko pong magulang.

Tinignan ko ang daan. Mediyo maliwanag na rin dahil sumisikat na ang araw. Anong oras na ba? 5am.

"Nak magprepare kana. Andito na tayo. Papunta na tayo sa tutuluyan natin."

Oo nga. Nabanggit ni Papa sa akin na mediyo mediyo. Mediyo lang naman na malapit ang batangas sa amin. Hay ewan. Wala akong alam sa mga daan daan at oras sa mga biyahe basta nakarating ako, okay na.

Sa wakas andito na rin kami!!!!!

"Good morning, batangas!!!"

Sobrang lapad ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang ganda. Haaay

"Nak, mamaya ka na diyan. Pumunta muna tayo sa tutuluyan natin para mailagay na ang gamit duon"

Sinundan ko na lang sila sa pupuntahan nila. Sa pagkakaalam ko mayroon kaming rest house dito na binili ni Papa nuon. Gustong gusto kasi ni Papa dito sa batangas.

Nang makarating na kami sa rest house ay napangiti ako. Wow. Ang ganda. Ang simple lang pero maganda. May 2nd floor din. At tapat lang nito ang beach dito sa batangas kaya maganda. Galing talaga ni Papa mamili eh.

Pumasok nako sa luob. Ang linis.... Parang may nakatira dito na caretaker. Sa right side pagpasok ng pintuan makikita ang kitchen at dining table. Parang vintage ang dating. Tapos sa left side naman ay ang living room. May tatlong couch na made of wood. Mas malaki 'yong asa center na couch. And then may table na circle sa gitna, katamtaman ang laki at made of wood din na vinarnished. Lahat ng mga gamit dito ay parang alagang-alaga at parang vintage ang dating. May kwarto rin pala dito sa ibaba at isang cr.

Pag-akyat naman sa taas ay may tatlong rooms. Ung isang room ay painted ng simpleng white and brown lang. Ah baka kwarto yun nila Mama. Sa sumunod na kwarto naman ay white and green. Nakasulat sa pinto ay guest room. Ohh. Binuksan ko ang last na kwarto. Wooooow. Yellow and pink siya. Kaaya aya naman siyang tignan kasi layered na parang stripes siya. Kwarto ko nga 'to.

"You like it?"

"O-opo. Sobra"

Sinara nila ang pinto. Ung cr nasa right side ng kwarto. Pure na white lang siya pero ung tiles naman is blue. Tapos ung kama ko naman vintage style din talaga. May mini table sa both sides and sa left part may curtain na white. Mediyo binuksan ko at nakitang may glass door papunta sa isang veranda. Woooow.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon