Chapter 14: Day 9

72 4 0
                                    


"*knock knock* Anak!!! Gising!! Dali!!!"

Bigla bigla akong napaupo sa kama dahil sa gulat. Lintek naman 'tong si Mama eh.

"Bakit po?" sabi ko habang kinukusot ang mata ko.

"Maligo ka na, bumaba ka na, kumain ka na at may paguusapan tayo."

"Ano pong paguusapan natin?"

"Aba anak gawin mo muna 'yang mga pinapagawa ko dali na! Ikaw na lang hindi nakaligo oh. 8am na."

Bumaba na si Mama at ako naiwan dito sa kwarto. Gulo gulo ang buhok. Kainis oh. Ganda ganda na ng panaginip ko.

Pinrepare ko na ung susuotin ko. Isang short na yellow at tank top na black lang tapos magsee through na pang taas. Wala naman occasion eh. Normal. Pumunta muna ako saglit sa veranda at pinagmasdan ang paligid.

"Good morning batangas! Last day ko na dito bukas. Mamimiss ko dito."

Ayy ano ba yan kinakausap ko nanaman ang wala. Pumasok na ako sa banyo at nagsimula ng maligo. After nuon ay nagbihis na ako agad at nag ayos. Nagsuklay ganon lang. Siyempre alangan sabog buhok na bababa diba. Nagmadali na akong bumaba pagkatapos ko magayos kasi for sure magagalit na si Mama. Gusto kasi niya mabilis kumilos.

"Morning po Ma, Pa" sabay kiss sa pisngi nila

Nagsimula na kaming kumain habang may kausap si Papa sa phone. Busy. Alam niyo naman kapag sa kompanya. Kailangan walang parelax relax.

"Nak, last day na natin dito bukas hindi ko pa namimeet family ni loverboy."

"Ma, anong loverboy ka diyan!"

"Hahahaha. Eto naman nahiya pa! Oh ano na! Nak imbitahan mo kaya sila ngayon?"

"Ngayon ma? As in now na po??"

"Hindi! I mean, imbitahan mo ngayon sa dinner mamayang gabi!"

"Oo nga naman anak. I want to meet his family para naman makita rin namin sila bago tayo umalis."

"Oo nga nak. At siguro enjoy yun! Sige na ha? Later 8pm magkita kita tayo dito sa bahay."

"M-ma naman."

"Go. Dalian mo ng kumain tapos uminom ka na ng gamot and umalis ka na. Dali!"

"Ma ah! Atat? Excited?"

"Abaaa"

"He he. Joke lang yun Ma. Eto na nga po tapos na akong kumain. Ayaaan. Tapos na rin po akong uminom ng gamot."

"So, hehe. Bye po, pa! Bye ma!"

Tumakbo na ako at narinig silang nagtatawanan. Mama kasi. Kainis. Tsk. Paano ko ba sasabihin yun kay Patrick? Parang nakakahiya naman kasi.

Teka

"Oy, Andrea. May problema ba?"

"H-ha? W-wala wala. Hehe"

"Cal."

"Hmm?"

"'Lika dito."

Lumapit naman ako kung nasaan sila. Tapos inalalayan ko si Patrick papunta duon sa place kung saan kami nagkikita habang si Sam naiwan sa cottage.

"Hi"

"Hello? Haha"

"Pshh. Oh ano na?"

"Ahm. P-pat punta tayo sa bahay niyo. Pwede? Gusto ko kasi makausap mama mo ganon bago kami bumalik sa Manila bukas"

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon