Chapter 20

66 5 1
                                    

Minulat ko ang mga mata ko at nakitang mediyo maliwanag na sa may bintana. Hindi ko na inabalang gisingin ang tao sa kwarto. Alam kong pagod silang alagaan ako.

6am pa lang pero marami ng mga batang naglalaro sa labas. Sinubukan kong umupo para marelax ako.

"Oh anak, gising ka na pala. May kailangan ka ba?" nagaalalang tanong ni mama sa akin.

"Wa-wala p-po"

"Kakayanin mo 'to anak okay? Nandito lang kami ng Papa mo."

"Ano po bang meron ma?"

"Haaay. Anak siguro ito na ang tamang time para sabihin ko sayo. Nak kasi." Hindi natuloy ni mama ang sasabihin niya kasi may tumawag sa phone niya kaya lumabas muna siya.

"Manang, si papa po ba asaan?"

"Ay anduon neng. Asa labas kasama ang mama mo"

Tumango naman ako at kumuha ng isang libro. Matagal tagal na rin kasi simula nung huling nagbasa ako.

"Hi Andrea." sabi ni ate nurse kaya tumango naman ako at siya naman ginawa ang dapat gawin.

"Neng kain ka muna"

"Ha? Mamaya na lang po manang. Sabay na lang po kami nila Mama."

"Ay nako neng. Hindi ba nila nasabi sa iyo? Kakaalis lang nila. Pupunta na yata sa work. Baka mamaya na ang balik nila."

"Ah ganon po ba? Sige po. Tara sabayan niyo na po akong kumain"

Sa totoo lang parang ang lanta lanta ko ngayong araw. Wala akong ganang kumain, nanghihina ako, ni hindi ko kayang tumayo o gumalaw masiyado pero pinipilit ko lang sarili ko kasi ayokong maging mahina.

Pinilit kong kumain ng handa ni Manang pero hindi ko nakayanan kaya inalalayan akong pumunta ng cr at duon ako nagsuka ng nagsuka.

Kahit gusto kong kumain hindi ko magawa dahil pakiramdam ko kahit anong kain ko eh isusuka ko rin. Wala na lang akong nagawa kundi humiga na lang dahil sa hina ko. Napaiyak ako sa sakit.

Bakit ba nangyayare sa akin itong mga 'to? Pakiramdam ko wala akong kwenta.

Biglang pumasok ang doctor ko kaya hinayaan ko lang kung anong dapat nilang gawin sa akin. Basta ang alam ko lang tuloy tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Puro malalabo na ang nakikita ko at unti unting humihina ang mga boses na naririnig ko. Ahh. Pampatulog. Napangiti na lang ako. At pinikit ang mata.

------

Nagising ako nang nakikitang nagsasagutan sina Mama at Papa at mediyo naiiyak na si Mama. Ano bang nangyayare?

"Ma? Pa? Bakit po?"

"Shhh. Anak. Okay ka lang ba? Magpahinga ka lang. Okay lang kami ng Papa mo."

"Okay lang po ako"

"Sige nak. Dito lang muna kami ng Papa mo kasi gusto namin lagi kang makasama"

"Ma ano po ba talagang meron?"

"Wala anak. Anong gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?"

"Ma!! Pa!! Seryoso ano po ba talagang meron? Naguguluhan na po ako."

Biglang tumahimik sa buong kwarto nang sabihin ko iyon. Sumakit ang katawan ko sa sinabi ko. Mas lalo akong nastress ano ba ito.

"Nak. I think its time para malaman mo."

"Carlito, please!" pagmamakaawa ni Mama. Ha?

"No. Kailangan na niyang malaman"

"Ang ano po?"

"Anak. Nagusap kami ng doctor mo nung isang araw remember?"

"Opo. Ano raw po sabi?"

"Carlito!!"

"Nak. Lumalala na ang sakit mo."

Thats it.

Alam ko naman eh. Ramdam ko.

"Alam ko po yun Pa."

"Pero anak. Sa-sabi ng doctor"

"Sabi ni Doc may tan... May taning na ang buhay mo nak"

May taning na ang buhay mo nak

May taning na ang buhay mo nak

May taning na ang buhay mo nak

Paulit ulit ang mga sinabi sa akin ni Papa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact. Hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin.

Alam ko naman, una palang na mamatay rin lang ako sa sakit kong 'to dahil hindi ito nagagamot at hindi gagaling. Alam ko na. Hinanda ko na ang sarili ko rito. Duon at duon din ang hantong ko.

Pero bakit ganon?

Kahit anong gawin kong paghahanda at pagpapaniwala sa sarili kong handa na ako sa mga posibilidad na pwedeng mangyare sa akin. Na mamamatay rin lang talaga ako.

Pero pag andito na pala ako sa puntong ganito, hindi pa rin pala.

"Shhh anak. Kakayanin mo naman diba?"

"Ang sakit ma. Ang sa-kit sakit" at tuluyan ng umagos ang luha ko.

"Shhh. Sorry anak sorry"

"Wala kayong kasalanan ma"

"Pero kakayanin mo ito hanggang sa huli para sa amin ng Papa mo diba?"

"Ma"

"Please anak. Please." umiiyak si Mama habang yakap yakap ako

"Opo"

Bakit ganon ang buhay? Kung kailan masaya ka na. Duon ka itetest. Duon darating ang mga pagsubok?

Napakasakit isipin na binibilangan ka na lang ng mga natitirang araw mo.

"Ma, andami ko pang gustong gawin...."

Ang dami dami dami ko pang gustong gawin. Pero wala eh. Sadiyang ganito ang buhay. Mukha ngang hindi ko na matutupad ang mga pangarap kong gawin sa buhay.

Ilang araw na nga lang ba? 10? 5? 1? Napatawa ako ng mapait. Mukhang wala na talaga.

Lord please naman andami dami ko pang gustong gawin.

"Marami pa akong kailangan gawin. Diba ma? Kailangan ko pang matapos sa pagaaral tapos diba ma? Aalagaan ko pa kayo ni papa tapos magpapagawa din ako ng bahay para sa ating tatlo?" tumatawa ako at umiiyak habang nagsasalita.

"Shhh anak please. Nasasaktan kaming nakikita kang umiiyak"

"Hindi 'yon ma eh. Tapos diba marami pa tayong lugar na pupuntahan magkasama? Magluluto pa tayong dalawa nung favorite ko?"

"Pero ma, wala na. Walang wala na. Ang sakit. Pagod na pagod na ako."

Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko pati na rin sina Mama at Papa. Ang hirap ng ganito. Mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko.

Wala na nga talaga akong magagawa. Lalo ngayon na ganito ang sitwasyon ko. Paano na?

Eto na nga. Nakikita ko nanaman na maraming nakapaligid sa akin at nagpapanic ang lahat.

Nararamdaman ko na talaga.

Hindi na nga talaga ako magtatagal.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon