Chapter 11: Day 6

71 5 0
                                    

Nandito ako sa kwarto ko ngayon. Nagmumuni muni. Kakagising ko lang kasi kani kanina.

"Andreya! Andito na ung hot choco mo!"

"Thanks, nang"

Sinara ko na ang pinto at nilapag sa lamesa ang hot choco ko. Nagsimula na akong maghilamos sa cr tapos after nuon ay dinala ko ang table ko sa veranda pati ang wooden chair ko. Wala lang feel ko lang tumambay rito.

Kinuha ko ang isang libro na dala ko. Hindi ko pa kasi natatapos since nung last na pagkabasa ko. Nagbabasa lang ako habang umiinom ng hot choco. Nakakagaan sa feeling kasi mediyo malamig dito sa veranda.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang mediyo sumasakit ang ulo ko tapos nahihirapan akong huminga.... Pinapakalma ko ang sarili ko para tumigil na.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa cr. Napangiti ako ng mapait. Lumalala na ang sakit ko. Ramdam ko. Mediyo dumadami na ang nakikita ko sa balat ko compared nuon na mediyo kaunti lang.

Naramdaman ko na may pumatak na luha sa mata ko. Napatawa ako at pinunasan yun.

"Ano kaba naman Andrea! Hahahaha. Kaya mo yan! Hindi ka pa mamamatay okay????"

Pinakalma ko muna ang sarili ko tapos bumaba na ako para kumain. Nakita ko sila Mama at Papa sa sala. Nanunuod lang.

"Good morning po!!!!"

Napatingin naman sila sa akin at nginitian ako. Nagsimula naman na kaming kumain. Napapansin ko naman kila Mama eh. Alam nila na lumalala na ang sakit ko. Pero hindi lang nila sinasabi sa akin. Alam ko yun.

"Hehe. Sige po inom nako ng gamot"

"Anak hindi pa kami tapos kumain" sabi ni papa

Natahimik na lang ako at hinintay sila. Wow first time ko ginawa yun! Ano ba nangyayare sa akin. Nung tapos na silang kumain tumakbo na ako sa kitchen tapos ininom ang gamot ko. Pagkatapos nuon ay umakyat kaagad ako ng kwarto at nilock ang pinto ko.

Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti. Naligo na ako at nagbihis ng summer dress tapos slippers.

Ewan ko ba sa sarili ko, eto nanaman ako ang aga aga ko nanaman pupunta ng beach. 10am pa lang kaya.

"Alis po muna ako"

"Anak dapat before 7 nandito ka na okay?"

Tumango nalang ako at lumabas na ng bahay papuntang beach. Hindi na ako huminto duon sa pinagkikitaan namin ni Patrick. 1 pa naman yun eh. Matagal pa. Gusto ko muna mapagisa kahit kaunting oras lang.

Naglalakad lang ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga alon sa dagat, 'yong mga batang naglalaro, 'yong mga pamilyang kumakain sa gilid, 'yong mga nagbebenta ng kung ano ano, 'yong mga magkakaibigan na nagpipicture picture sa dagat, at kung ano ano pa.

Sana ganyan din ako.

Sana ganyan din ako sa mga alon, malayang gawin lahat ng bagay

Sana ganyan din ako nung bata na naglalaro laro, ineenjoy kahit pa simpleng bagay at walang pinoproblema.

Sana marami rin akong kaibigan na kasama ko sa lahat ng bagay hindi lang si Patrick.

Haaaaay ano ba iniisip ko. Naiinis ako sa sarili ko ang drama ko ngayong araw. Bakit baaa.

Bumalik na lang ako sa lugar kung saan kami nagkikita ni Patrick. Malapit na rin kasi mag1. Umupo ako saglit at nagsulat sulat sa buhangin. Ang cute kasi white sand naman siya. Nagulat na lang ako nang may nagtakip ng mata ko.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon