Chapter 8: Day 3

88 5 2
                                    


Andito kami ngayon nila Mama at Papa sa living room. Nanunuod ng movie. Nagtataka nga ako kung bakit ayaw nila lumabas dito sa bahay.

Kung nagpunta pala kami dito para lang manuod ng movie edi sana umuwi na lang kami sa Manila noh? Mga magulang ko talaga. Ako lang nageenjoy ng beach ehh.

Naboboring na ako. Paano ba naman kasi, panglimang beses na naming napanuod yang movie pero sila mama at papa enjoy na enjoy pa rin. Kinikilig talaga silang dalawa at hindi niyo aakalaing magulang ko sila...

"Ma naman eh. Forever pbb teens na lang kayo diyan ni papa? Ay nako. Hahahaha. Akyat po muna ako ha."

Umakyat na lang ako sa kwarto at naligo tapos nagbihis. Humiga agad ako sa kama kasi naboboring talaga ako. Gusto ko din naman kahit papaanong kasama sila mama at papa na lumibot dito sa beach.

Kinuha ko na lang ang remote at nanuod ng tv. Palipat lipat lang ako ng channel kasi walang magandang mapanuod.. Pinatay ko na lang kasi wala talagang magawa. At sa mga oras na ganito. Masarap matulog.. Papikit na sana ako nang biglang.

"Anaaaaaaaak!!!" Bigla tuloy akong napaupo sa kama at tumakbo sa door at binuksan.

"Maaaaa!!!! Bakit po?"

"Wala lang. Hehe. May date kami ng papa mo mamayang 3pm ha? Hehe. Excited nako nak. Gosh. Saan kaya kami dito sa batangas"

"Hahahahahahahaha!! Mama naman akala ko kung ano na! Nako. Kung kiligin ka naman po ma para kang teenager. Osige na ma. Prepare na kayo. Anong oras naba?"

"2:15 na nak, ano bang pwede kong suotin?"

2:15?!?!?!?! Bakit parang may nakalimutan ako?!?!?!

"Ay oo nga pala!!!!"

"Anong oo nga pala ka diyan?"

Nakakainis ka andrea hay ano kaba. Bakit nakalimutan mo na 2pm yung pagkikita niyo. Hay. Nakakahiya tuloy.

"Hoooy!!"

"Ay ma! Kasi po magkikita ulit kami ni Patrick ng 2pm. Nakalimutan ko po." Tinignan ko si mama. Nakakainis. Nangaasar ung ngiti niya..

"Nako anak haaaaa. Hahaha. Haynako. Ewan ko sayo. Maiwan na kita. Maga-ayos pa ako. Enjoy ka anak!" Ano ba naman si mama hindi man lang ako tulungan. Huhu.

Nagbihis na lang ako ng summer dress ulit tapos slippers. Nagpusod lang ako ng buhok. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napatawa ako. Bakit ba ako nagaayos pa ng kung ano ano eh hindi naman ako makikita nun. Ano ba nangyayare sa akin.

Umalis na ako ng bahay pero this time dala ko na ang phone, wallet at slr ko. Diba nga ako maglilibre ngayon. Tumakbo na ako duon sa pinagkitaan namin. Grabe talaga nakakahiya!! 2:30 na kasi. Mabuti na lang andito pa sila ni Sam.

"Hi! Sorry nalate ako. Hehe. Hindi ko kasi napansin yung oras."

"Sige alis muna ako. Patrick, 6 dapat andito na sa cottage ha?"

"Oo. Sige na"

"Upo ka" Umupo na lang ako sa tabi niya tapos nagpicture picture ulit ng paligid.

"Libre ko ngayon ha. So saan na tayo?"

"Ah oo nga noh. Teka itayo mo 'ko." Tinayo ko naman siya tapos sinundan maglakad.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta" at ngumiti ng nakakaloko.

Ha. Pinicturan ko siya. Habang naglalakad kami nagselfie selfie din ako para may remembrance naman ako. Nagulat naman ako ng tumigil na siya.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon