Schon's POV
Maaga ako nagising ngayon kasi may pasok ako. Kahit mugtong mugto pa mga mata ko dahil sa kaiiyak ko kagabi ay kailangan ko pa din pumasok. Bahala na si darna sa akin. Chos
Pumasok na ako sa banyo. While nasa banyo ako kumakanta ako kasi sa paraang ganyan di ako giniginaw.
'I like me better when , I like me better when I'm with you🎵🎤'
Ay wrong! ekis, ekis, mali. I like me better without him ang tamang lyrics ng kanta.
Pero kahit anong kontra ng brain ko di talaga sumasang-ayon ang heart ko. I really miss him.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Pagkababa ko, si yaya nalang ang nandoon at---
"Kuyaaaaaa?! Waaaah I miss you so much!" sigaw ko at patakbong lumapit at yumakap kay kuya.
"Oh my Princess. I miss you too. Ang ganda mo na ah--- What happened to you?" takang tanong ni kuya. Kasi naman ay umiiyak ako. Hindi ko talaga mapigilan. Namimiss ko na talaga siya. 1 year na kaming hindi nagkikita simula no'ng grumaduate siya. He's a Laywer now.
Sa lahat kasi ng mapagsasabihan ko ng secret ay si kuya lang talaga. He knows everything about me including my relationship with Kins-- oh wait! hindi niya pwede malaman na naghiwalay na kami ni Kinsley dahil sigurado hindi palalagpasin ni kuya yun at tiyak magagalit siya kay Kinsley.
"At bakit namumugto ang mga mata mo?" tanong na naman ni kuya.
"Kasi nga umiyak ako kasi andito ka na kuya. Tears of Joy to kaya namugto agad." pagrarason ko.
"Anong tears of joy pinagsasabi mo diyan? May problema ba?" tanong ni kuya sakin. Kilalang kilala ni kuya ugali ko kaya naman mahihirapan akong itago to. Pero hangga't makakaya kong itago ay hindi ko sasabihin sa kanya.
"Ano ka ba kuya! Namugto talaga yan kasi nga naiyak ako nang dumating ka. Ganon kita namiss kaya namugto agad. At malelate nako kaya sa school nalang ako kakain. Bye kuya! See you later. Love you." sabi ko kay kuya sabay kiss at lakad na papuntang garahe.
Hindi ako pwedeng magtagal doon kasi panigurado, maiiyak ako at hindi na ako makakapasok talaga.
Pumasok na ako sa kotse ko at nagmaneho na ako papuntang school.
Oo kahit 17 pa ako ay nakakapag drive na ako dahil gusto ko. Bakit ba! Chos.Pagdating ko sa parking lot ay kaunti palang ang mga tao. Hmm ang aga pa kasi. Nagsinungaling lang ako kay kuya na male late na ako. Bumaba na ako sa kotse ko at dumiretso na sa canteen.
Pumunta na ako sa table na para talaga sa amin ng mga kaibigan ko. Wala pa sila kaya naman mag-isa lang akong kumakain. Omorder na lang ako.
Habang kumakain ako ay nakita ko si Kinsley at si Ash. Sila na talaga. Binilisan kong kumain para makapunta na kaagad ako sa room namin. Ayaw kong makita silang dalawa dahil ang sakit sakit. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya sa akin to.
'Did you hear the news? Hiwalay na daw sila Kinsley at Schon!'
'Oh talaga? Kaya pala kasama ni Kinsley si Ash.'
'Ano ba nangyari? Sayang naman sila.'
'Ewan ko din. Narinig ko lang na hiniwalayan ni Schon si Kinsley.'
'At siya pa talaga ang humiwalay? Kapal naman yata ng mukha niya.'
Aba! At di talaga pinalampas ng mga tsismosa ang paghihiwalay namin ah. Kung makachismis kala naman nila tama mga pinag uusapan nila.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."