Schon's POVWala ako sa sariling umupo ako sa stage, habang iniisip pa rin ang magkahawak na kamay ni Kinsley at Ash.
Ano ba talaga ang totoo? Hiwalay na ba talaga sila o plano lang din yon lahat?
Ang gulo na talaga nito.
Nakita ko si Mommy na papalapit sa akin ng nakangiti kaya ngumiti na din ako sa kanya.
Busy lahat ng bisita since hindi pa officially nagsisimula ang party.
"Are you okay? Looks like you're sad, don't you like it?" tanong sa akin ni Mom. Sa tanong pa lang niya gusto ko sana siyang sagutin ng iba sa iniisip niya na sagot sa akin.
I like the surprise party pero yong ginagawa ni Kinsley hindi ko nagustuhan.
Mukhang kailangan ko na talaga sirain ang pangako ko sa kanya.
"Yes mom." nakangiting sabi ko. "Hindi pa din kasi nag sisink-in sa utak ko ang nangyari mom, Thank you so much mom."
"I love you baby, no need to say thank you okay? It's my duty." at tumawa siya. "Pinuntahan lang kita dito para batiin ka ng Happy Birthday. Our little princess is a woman now." sabi ni Mom.
Bumalik na si mom sa upuan niya kasama ang ibang bisita nang pormal na magsimula ang party.
Nagsalita ulit si Steve sa mic.
"Good evening once again. Busog na ba kayong lahat? Kasi sisimulan na natin ang show, ay show ba ito? Anyways, dahil may energy na kayo gusto kong marinig ang napakalas niyong bati para sa ating debutant."
"HAPPY BIRTHDAY SCHON!" sabay na bati ng mga bisita. Natawa naman ako dahil nilakasan talaga nila.
Kung titignan ang mga tao parang nasa 100+ lang sila lahat. Mukhang yong mga kakilala lang nila mom yong nandito at mga anak nito.
At I'm sure schoolmate ko lang din ang mga ito.
"So, to start the party let me first tell you the meaning of a debut. Well a debut was intended to introduce a young woman into society as a marriage prospect. So meaning, Schon!" tawag niya sa akin. "Maari ka ng magpakasal pagkatapos ng party." biro niya kaya nagtawanan naman ang mga bisita.
"We all know na sa mga debut mayroong 18 roses right? So ano nga ba ang ibig sabihin ng 18 roses? The 18 roses is a highlight of the debut program. It represents a girl’s readiness in the area of romance, as was the original purpose of the debut. At ang first rose ay ibibigay ng father na siyang dahilan ng pagkabuo niya and simbolizes beautiful and 'thorny' at susundan ng protector niya which is another male member of the family. The rest of the roses will be given by her relatives or friends. Whoever is the second to the last or her last rose means it's her special someone." sabi niya at inutusan akong pumunta sa gitna para sa sayaw.
Nagsimula ng tumugtog ang musika and there I saw dad with a rose in his hand.
"First rose, Mr. Jake Ford Reichtum, the father of the debutant." pagpapakilala ni Steve kay dad.
Nagpalakpakan naman ang mga bisita habang ako ay nagsimula na namang umiyak.
Nang tuluyan ng makalapit sa akin si Dad ay hinalikan niya ako sa noo at isinayaw.
Habang nagkukwento sa akin si Dad ay hindi ko maiwasang hindi maiyak.
Hindi ko inaasahang uuwi siya sa kaarawan ko.Minsan kasi ay hindi ko siya nakakasama tuwing may okasyon na nagaganap sa buhay ko kasi may inaasikaso daw siya.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."