Schon's POV"Princess!" tawag ni kuya sa akin.
Aalis na kasi si Kuya. May hahawakan daw kasi siya na kaso somewhere na malayo. I don't know where basta ang alam ko maimpluwensya daw ang tao na pagsisilbihin niya at kailangan ng magaling na lawyer. Hindi nalang ako nagtanong kasi baka hindi pwede.
Ngayon pa talaga siya aalis kung kailan wala akong kasama. Sila mommy at daddy kasi nasa States na nag aasikaso ng business namin.
Kung kailan malapit na debut ko saka naman sila busy. Baka walang kaarawan na magaganap. Ang layo nila at I'm sure hindi nila maasikaso ang debut ko.
Bumaba na ako at nakita ko si kuya nag iintay sa akin.
"Kuya, balik ka kaagad please." then I pouted.
"Of course." then he kissed my forehead. "Take good care yourself okay? Wag ka masyado magpagod at magpakabait ka. Yaya is here, sabihin mo sa kanya lahat ng kailangan mo. And call me whenever you need someone to talk to, sasagutin ko yan kahit na busy ako."
"Sweet..Basta Kuya kailangan pagbalik mo may girlfriend kana ha?" sabi ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng batok. Harsh
"No I don't need any, you're my girlfriend and wala dapat magpapasakit sayo dahil ako makakalaban nila, is that clear?"
"Ew Kuya! Anong girlfriend pinagsasabi mo diyan. Umalis ka na nga. Pero thanks and I promise walang sino man ang makakaapi sa isang Reichtum, okay?"
"Hindi mo ba talaga ako ihahatid?" tanong na naman ni kuya.
"Sorry kuya but I can't. May shooting kami ngayon at kailangan andoon ako."
Hindi talaga ako pwede pumunta kasi mas lalo ko lang mamiss si kuya.
"Ok then, wag mo kakalimutan mga sinabi ko ha. Call me if something bad happen to you."
"Kuya! Walang mangyayaring masama sa akin okay? You're overreacting."
Tinawanan niya lang ako at saka humalik sa noo ko.
Hinatid ko siya sa kotse niya kasama si manong.
Nang makasakay na siya at makaalis na ay agad akong pumunta sa kwarto ko para magbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay agad akong nagpaalam kay yaya.
"Ya? Aalis na muna po ako. Didiretso po pala ako sa school pagkatapos ng taping, may pasok pa po kasi ako." sabi ko kay yaya.
Mabuti nalang pumayag ang mga subject teachers ko sa umaga na hindi na muna kami papasok ng mga kaibigan ko kasi nga may shooting kami.
"Ok ija, mag-iingat ka." sabi ni yaya. Nagmano na muna ako sa kanya bago umalis.
Dumiretso ako sa mall nila Dea kung saan gaganapin ang shooting.
Pagkarating ko doon ay nandoon na sila lahat at ako nalang ang hinihintay nila. Mabilis lang natapos ang shooting kaya agad kami pumunta sa school.
Pinark na namin ang mga sasakyan namin at sabay kami pumasok na apat.
"Kyaaah they're complete omg!"
"They're so damn gorgeous"
"Skwad! Always slayin'
Sigawan ng mga studyante pag pasok palang namin sa gate. Bihira lang kasi kami pumasok na magkakasama tapos break pa so bale walang klase ang mga students ngayon.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."