CHAPTER 4

348 31 7
                                    


James POV

"Andito ako sa field. Hintayin kita dito ha dahil may kailangan pa akong gawin. Faster." sabi ng ate ko on the phone

"Alright. I'm coming." sagot ko dito sabay end call.

Papunta na ako ngayon sa field kung saan magkikita kami ni ate. At mula rito ay may nakikita akong familiar na tao.

Malapit na ako sa field at natatanaw ko na si ate kaya agad akong pumunta sa gawi niya.

"Ano ba naman yang suot mo James? Weird." nakangiwing sabi ni ate. Ganda naman ng salubong niya sakin. Kakauwi lang pala ni ate from Cebu. She's a Med student from our school in Cebu. Ay hindi pala kakauwi kasi hindi naman siya taga rito.

Minsan lang siya pumunta dito dahil busy siya sa pag-aaral niya doon dahil malapit na siya makahawak ng diploma niya. Kaya naman kapag umuuwi siya rito ay ako agad ang pinupuntahan niya. Ang gwapo ko kasi. Hahaha

"Ano na naman problema mo sa mukha ko?"

"Bakit naman gumagamit ka ng salamin? At teka nga-- ano yan? Bakit naka retainer ka? Nako kapag nalaman ito ni mommy lagot ka talaga sa kanya. Ayaw na ayaw niya yung pumapanget ka." sermon na naman ni ate. Basta babae ba talaga mabunganga? Sana pala di nalang niya ako pinuntahan eh.

Ako lang kasi mag-isa pumunta dito sa Manila. Sila mommy at daddy ay nasa ibang bansa nagtatrabaho. Malimit lang namin sila makasama kaya naman lumaki kaming kasama ang yaya namin. At dahil doon nagagawa ko ang mga gusto ko ng ako lang ang nakakaalam.

"Ayaw ko lang pagkaguluhan ako. Mas mabuti ng ganito para naman matahimik buhay ko. So ano pinunta mo dito?" hindi kami masyadong close ni ate pero hindi din naman malayo loob ko sa kanya. Nasa mood lang yan.

"Dito na muna ako titira sayo." sabi niya na siya namang ikinagulat ko.

"What? No." sagot ko. No hindi pwede. Hindi niya pwedeng malaman kung bakit at ano ang mga pinanggagawa ko sa buhay ko.

"And why?" mataray na tanong niya. "Bakit tinatanggihan mo na ako ngayon? Sumbong kita kay mommy." pang ba black-mail niya sa akin. As if naman matatakot ako.

"Edi magsumbong ka, kala mo naman takot ako. At bakit mo naman naisipang dito tumira sa akin?" alam ko namang busy siya, kaya nagtataka akong dito siya titira. Pero di naman niya ito gagawin kung wala siyang tinatakasan na problema.

"Sige naman oh please. Bakit ba ayaw mo akong patirahin sa bahay mo? Baka naman may ginagawa ka na namang masama?" tanong na naman niya.

"Ok fine. But I have rules in my house. If ayaw mo sumunod, wag ka tumira. Maliwanang?"

"Madilim." sabi niya.Pinaningkitan ko siya kaagad ng mata. "Joke lang. Eto naman masyadong seryoso. Oh sige sige."

"Ok then see you later.Hintayin mo ko sabay tayo uuwi." sabi ko sabay lakad pabalik sa room.

"Wait! Saan ako maghihintay? Nakakabored dito ah." sigaw na tanong niya.

"Go wherever you want. Just go back here before dismissal. Kapag di kita nakita dito, iiwan kita." sagot ko na naman sa kanya habang nakatalikod. Hindi ko na narinig sinasabi niya dahil nagpatuloy na akong maglakad papuntang room namin.

Habang naglalakad ako ay napansin ko si Ms. Late. Ewan ano pangalan non basta yung nalate kanina na pinahamak ko. Ang sama ko ba?

Ang sarap kasi niyang asarin. Noong una ko palang siya nakita, parang gustong gusto ko talaga siyang asarin. May nakikita kasi ako sa kanya na di ko ma explain. Parang may nagsasabi sakin na asarin ko siya kahit naman nakakainis pagmumukha niya. Kamukha kasi niya yung bestfriend kong taga Dumaguete. Pero imposible naman na siya yun kasi Manila eto.

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon