Schon's POVNandito ako ngayon sa bahay at nagmumukmok sa aking kwarto.
Hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman kong si Ethan pala ay si James.
Bakit hindi siya nagpakilala sa akin?
Natigil ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay ng may narinig akong kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok." sabi ko.
Pumasok naman si Yaya Felli.
"Ija, may bisita ka kaibigan mo. Papaakyatin ko ba dito?" tanong ni Yaya Felli.
Taka ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi niya kasi usually hindi naman na nagpapaalam ang nga kaibigan ko na papasok sila or something, papasok lang kasi sila dito sa room ko ng walang katok katok.
"Sino po bang kaibigan ko ang sinasabi niyo ya?" taka paring tanong ko.
"Si Drake, may nais daw siyang sabihin sa iyo." sabi ni Yaya.
"Ok sige po ya." sabi ko.
Tumango naman siya at bumalik sa sala para tawagin si Drake.
Ilang segundo lang ay may kumatok ulit at ngayon alam kong si Drake na iyon.
"Bukas yan."
Pumasok naman kaagad siya.
"How are you?" agad na tanong niya.
"Ikaw ang kumusta, ikaw kaya itong sumabak sa isang gyera." sabi ko.
"Grabe ka naman sa gyera. Napasubo lang naman sa isang labanan." biro niya at umupo sa gilid ng kama ko.
"Whatever. So bakit ka nga pala naparito? Bakit hindi mo samahan yong kaibigan mo don na mapagpanggap?" galit galitan kunyari kong sabi pero ang totoo gusto lang ng paliwanag kung bakit sila nagpanggap.
"Kaya nga ako nandito dahil gusto kong malaman mo na ang lahat bago pa mahuli. Kahit alam kong magagalit sa akin si Ethan dahil pinapangunahan ko siya ay hindi naman ako makakapayag na hindi niya sasabihin sayo ang lahat." sabi niya na siyang lalong ikinalito ko.
"Alam mo, mas lalo mo lang pinapa komplikado ang sitwasyon, pwede bang sabihin mo nalang ng diretso?" sabi ko at nahiga ulit.
Narinig ko siyang magbuntong hininga at tumikhim.
Wow aawit ba siya?
"Hindi din alam ni Ethan na ikaw pala si Xia. Ang totoo ay ako lang ang nakaka alam pero hindi ko binalak na sabihin sayo at kay Ethan, I'm sorry." sabi niya na siyang naging dahilan upang bumangon ako sa pagkakahiga ko.
"At bakit mo naman ginawa yon?"
"Alam mo ba kung bakit kami nakipagbugbugan kagabi?" tanong niya at umiling ako. "Kasi may kaaway kami."
"Tanga ka ba o nagpapatawa? Alangan namang bubugbugin ninyo ang mga kaibigan niyo." sabi ko.
"Hindi mo kasi naiintindihan Schon---" pinutol ko ang sinasabi niya dahil naiinis na ako.
"Hindi ko talaga maiintindihan kasi pinapaikot mo lang ako! Sabihin mo kaya ng diretso para naman ma----" ngayon siya naman ang pumutol sa sinasabi ko.
"Dahil miyembro kami ng Mafia!" sigaw niya. "Iyan ang dahilan kung bakit bumalik si Ethan dito sa Pilipinas. Nais ka niyang protektahan sa paraang alam niya at yon ang maging miyembro siya sa mga mafia at hindi sa kapangyarihang meron siya. Hinanap ka niya Schon, pero hindi ka na niya matandaan dahil sa tagal niyong hindi nagkikita at nagkakausap kumpara sa akin. Kaya pinuntahan niya ako upang tulungan siyang mahanap ka." tinignan niya ako. "Sasabihin ko na sana sa kanya na makaklase lang kayo ngunit ng dahil sa banta ng mga kalaban namin ay napilitan akong itago sa kanya ang totoo."
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."