Schon's POV
Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Dean's Office, kasama si Rhyd pati na yong babae at mga kaibigan niya na bumato ng cake kay Rhyd kanina.
"Why did you do that Ms. Lizardo?" tanong ni Dean sa babaeng naghagis ng cake.
"Because he's courting our Queen! And we are not allowing this stupid guy here to be Schon's suitor. Duh!" maarteng wika ni Affy.
"And who are you para hindi pumayag na may manligaw kay Ms. Reichtum?" tanong ni Dean Cordovez.
Si Affy ang president kumbaga ng fans club ko dito sa school. Tawag sa kanila ay Schonheitechs, no'ng ligawan ako ni Kinsley ay sila din ang unang tumutol sa pag ligaw ni Kinsley sa akin kaya hindi na ako magugulat kung gagawin niya ulit 'yon ngayon.
"Hindi naman po big deal 'yon dean. Ang sa amin lang po ay, ughh look at him! He's so baduy!" pandidiring wika ni Affy.
"I want to hear your side Mr. Cullins." sabi ni Dean na kay Rhyd ang tingin.
"I was just kidding dean. I just wanted to be Schon's friend." sabi ni Rhyd na siyang kinagulat naman nila Affy.
"Whaaat?! Hell no! Schon don't let---" pinutol ko ang sinasabi ni Affy.
"He's actually my friend," sabi ko "My bestfriend to be specific." at nginitian ko si Rhyd.
Kita kong nagliwanag naman ang mukha ni Rhyd while sila Affy at nagulat sa sinabi ko.
Tinignan ko naman ang bagong dating na lalaki na siyang nagsabi kay Rhyd kung saan ang table namin.
"Magkakilala ba kayo?" tanong ko kay Kinsley.
"No. Pero sinabi niya kasi na may importante daw siyang sasabihin sa'yo kaya sinabi ko nalang. Sorry." paliwanag ni Kinsley.
"It's okay." at ngumiti ako at tinignan silang dalawa "May klase pa kasi kami kaya mauna na kami ha? Nice meeting you, again." sabi ko kay Rhyd.
"Hatid ko na kayo." papepresenta ni Kinsley, kaya tumango ako.
Wala din namang problema kung maging magka-ibigan kami ulit.
Rhyd's POV
Napakaganda sa pakiramdam na tinuturing kang kaibigan ng iyong kaaway.
Sabi nga nila keep your friends close and your enemies closer.
"Thank you ulit." pagpapasalamat ko kay Schon.
Ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis.
"You're welcome. Sabi ko naman sa'yo na ipapakilala kita bilang kaibigan ko diba?" sabi niya ng nakangiti.
"Let's go Schon." tawag ng kaibigan niya sa kanya.
Nasa labas na kami ngayon ng Dean's Office dahil sa nangyari at pinalagpas na din naman kami kaagad kasi misunderstanding lang ang nangyari.
Sasabihin pa nga sana ni Schon na may nangbully sa akin no'ng isang araw kaso pinigilan ko kasi hindi naman 'yon totoo. Gawa ko lang lahat 'yon para magawa ko ang aking plano.
"Mauna na kami ha?" paalam ni Schon.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Take care." sabi ko.
"Ikaw ang mag-ingat bro." birong sagot ni Kinsley. Tumawa naman ako ng mahina.
Magaling kang umarte aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."