CHAPTER 5

285 30 3
                                    

James POV

*Kriiiiinggggggg........

Nagising ako sa malakas na ring. Mukhang tapos na rin ang klase at di ko namalayan dahil nakatulog ako dahil napagod ako.

Nandito ako ngayon sa may sulok ng library kung saan hindi makikita ng ibang tao.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo. Nakita ko ang librarian na busy sa pagbibilang ng mga libro sa harapan niya. Kaya dumiretso na ako palabas nang---

"Sorry" sabay naming sabi ni......Ms. Late. Bwhahaha iba talaga destiny oh.

"Ikaw na naman!?" galit na sigaw niya sa mukha ko. Nginisian ko lang siya at nagpatuloy nakong maglakad palabas ng library.

"Hindi mo ba ko narinig!? Bakit ayaw mo kong sagutin?" sigaw na naman ni Ms. Late kaya hinarap ko siya.

"Bakit? Nanligaw ka ba?" nakangising tanong ko rito. Umusok naman siya sa galit. Hahaha

"Anak ng! Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi niya tapos pumasok na siya sa library.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na ako sa canteen. Nagutom ako kakalinis don ah.

Tinawagan ko mga barkada ko para naman may makasama akong kumain.

"Bro, nasa canteen ako." sabi ko kay Drake sa phone. Bestfriend ko siya at karamay ko sa lahat ng bagay. Hindi ko nga lang siya kaklase kaya hindi kami palagi magkasama pero kung sa labas ng paaralan ay magkasama kami palagi.

"Sige bro. Papunta na ko." sabi ni Drake.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Drake.

Papasok pa lang siya sa gate ay nagsigawan na ang mga kababaihan.

'Omg! Drakeeeeee!'

'Andiyan na boyfriend ko guys.'

'Anong boyfriend mo? Ilusyonada! He's my boyfriend!'

Yan lang naman ang mga pinagsisigawan ng mga babae sa canteen. Nako naman ang ingay.

Nginitian, kinindatan, at kinawayan lang sila lahat ni Drake. Iba talaga pag MVP.

"Oy bro!" bati sa akin ni Drake sabay fist bump sa akin.

"Kumusta?"

"Eto, pinoproblema pa rin pagiging gwapo." sabi niya kunwari malungkot dahil sa problema niya. Pvta ang panget. "Ano nangyari diyan sa mukha mo bro? Bwhahaha ganyan na pala fashion sa yo?" at humagalpak siya ng tawa dahil sa suot kong salamin at retainer.

"Uso yan wag mo pakialaman. Tinilian ka lang yabang mo na ah. Alam mo naman sigurong ako mas gwapo sayo diba?" biro ko rito. Tumawa naman siya ng mahina at tumango.

"Miss mo na ko bro?" tanong niya kaya naman pinaningkitan ko siya ng mata. "Joke lang. Bakit mo pala ako tinawagan?"

"Samahan mo ko sa tambayan. Wala ako magawa sa bahay andoon si ate." sabi ko rito.

"Naks andito si Ritz? Punta ako sa inyo ha." tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. Etong chxboi na to di pinapalagpas kahit sinong babae. "Joke lang eto naman ang seryoso porket may salamin lang.  Sige bro punta na tayo total wala din naman ako magawa."

Nabalitaan ko nalang na wala palang pasok. Kaya mas matagal ang gala ngayon.

Pinauna ko nalang pumunta si Drake doon dahil ihahatid ko pa pala si ate sa bahay.

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon