Schon's POV
So binibihisan ako ngayon. Pagkapasok ko palang dito ay hindi na ako mapakali at gustong gusto ko na talagang lumabas at makita at Ethan.
"Matagal pa po ba?" tanong ko Ate Aisha, ang taga ayos din sa amin ng mga kaibigan ko tuwing may shoot kami.
"Almost done my dear." nakangiting wika niya.
Nang matapos ang pag reretouch ay agad pinasuot niya ako ng isang cocktail dress na kulay gold. Kung kanina ay itim ngayon gold naman. At kung kanina ay gown ngayon cocktail dress nalang.
(See multimedia) *I do not own the photo*
"Pwede po bang hindi nalang po ako magpapalit?" tanong ko kay Ate Aisha.
Hindi naman sa hindi ko nagugustuhan ang dress kaya lang ayokong magkapareha kami ni Ash na naka kulay gold at isa pa mas gusto ko yong suot ko kanina kasi magkapareha kami ng suot ni Ethan.
"Hindi pwede, yan kasi utos ng Mom mo. Sorry." sabi niya.
"Ah okay lang po." sabi ko rito at ngumiti.
Sinuot ko na ang dress at tumayo pagkatapos para bumalik sa stage.
Palabas na ako ng may marinig akong nag uusap sa labas.
Dahan-dahan akong pumunta sa gawi ng may nag-uusap na dalawang tao at sinilip sila.
"Magpakilala ka na bro. Para hindi mo na din kailangan magpanggap sa school." sabi ng pamilyar na boses ng lalaki na alam kong si Drake yon.
Mas lumapit pa ako para mas makita at marinig ang pag-uusap nila ng biglang may maapakan ako at gumawa ito ng tunog kaya naman napalingon sa akin ang dalawang lalaki.
Ang dalawa kong kaibigan.
"Xia." sabi ng lalaking nakakulay gold na din ng suot ngayon. Nakangiti siya sa akin at kitang kita ko ang napakaputi niyang mga ngipin.
"Ethan." nakangiti ko ding usal ng kanyang pangalan.
"Tama na nga yan. Kanina ka pa hinihintay nila Schon, bilisan mo." sabi ni Drake at nagpa unang maglakad.
In'offer ni Ethan ang kamay niya sa akin upang alalayan akong magalakad. Nakangiti ko rin itong tinanggap at nagsimula na kaming maglakad.
Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko, dapat ay magagalit ako kay Ethan dahil sa pag iwan niya sa akin ng walang paalam ngunit bakit wala akong maramdaman kahit katiting na galit man lang?
Bumalik na ba siya upang tuparin ang pinangako niya sa akin noon?
"Ang ganda mo." sabi ng katabi ko.
"Maliit na bagay." biro na sagot ko sa kanya, pero hindi ko siya narinig na tumawa man lang.
"May sasabihin ako sa iyo mamaya." sabi na naman niya ng seryosong seryoso.
Kinabahan naman ako dahil sa pagiging seryoso niya.
"Tanggalin mo na muna ang mask mo, na miss ko na mukha mo e. Matagal ko na din hindi nakikita iyan." biro ko na naman, pero he's still damn serious.
Hindi na niya ako sinagot at inalalayang makaupo sa stage. Bumalik naman siya sa upuan niya katabi si Drake.
Nagsimula namang magsalita si Steve at pinakilala isa-isa ang mga candles.
Binanggit niya ang pangalan ni Mommy na naging dahilan upang lingonin ko siya at nakita kong andoon sa tabi niya si Ethan at may kasamang isang babae na napakaganda. Mukha siyang reyna.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."