CHAPTER 8

313 31 5
                                    

Schon's POV

Tatlong araw na din ang lumipas simula noong pumunta si Kinsley sa bahay. Nais niya daw ako makausap pero hindi natuloy dahil tumawag ang mama ni Ash na may nangyari daw na masama kay Ash. Ewan ko kung ano pero malamang dahil sa sakit niya.

Nagtataka parin ako sa sinabi ni Kinsley.

'I want you in my life, Again...'

Ano ba ibig niyang sabihin don? Bakit niya sinabi yon? Sila pa ni Ash at ayokong masaktan pa siya kung iiwan siya ni Kinsley. Dalawang problema dadalhin niya kapag nagkaganon. May sakit na nga, may sakit pa sa puso dahil sa pag-ibig.

Kahit masakit din sa parte ko, kaya kong tanggapin yon dahil may pinanghahawakan naman ako na pangako. Sana lang tutuparin ni Kinsley.

"Classmates! Wala daw ngayon si Sir Stepan kasi may training daw ang soccer team." sabi ng President namin. Nakalimutan ko pangalan niya eh pasensya.

"Wow himala naman ata na andoon si Sir Stepan sa training eh malayo pa naman ang intrams." sabi naman isa ko pang kaklase. Member ata ito ng dance troupe, kasi nakita ko itong nagpapractice ng sayaw.

Si Sir Stepan ay coach ng soccer team namin. Talaga namang nakakapagtaka talaga na nandoon si Sir Stepan ngayon sa training nila eh may isang linggo pa naman bago ang event. Kalimitan kasi a day before the game siya titingin sa practice.

"Balita ko kasi may bagong member kaya andoon si Sir. Magaling daw eh, kaya nga pupunta ako hihi." sabi naman ng isa ko pang kaklase.

Nakikinig lang kami ng mga kaibigan ko sa kanila. Wala kaming alam sa mga sports na yan.

"Balita ko nga rin na gwapo daw. Nako pumunta na talaga boyfriend ko beshy. Bilisan mo puntahin na natin, pakilala kita." sabi naman ng isa don sa isa.

Nang makalabas na ang mga kaklase namin ay agad akong tumayo para pumunta sana sa canteen. Pero pagkatayo ko pa lang ay pinigilan kaagad ako ni Aze.

"And where do you think you're going?" mataray na tanong nito sa akin.

"Sa banyo. Magbabawas, sama ka?" sabi ko sagad na agad nagpangiwi sa kanya.

"Ew, parang hindi model magsalita ah." sabi naman ni Raine.

"Hindi ba pwede magbawas ang model?" painosenteng tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Una na kami sa field ah." sabi naman ni Aze at kinuha ang bag niya. Mukhang dala ni camera niya.

"Sige." tipid na sagot ko.

Lumapit naman si Dea sa akin at may ibinulong.

"Wag kang maging bulag." sinabi niya yan sabay lakad palabas at sumunod sa mga kaibigan namin.

Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya. Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon? Pa mysterious din e.

Pumunta nalang ako kaagad sa canteen para bumili ng makakain. Bumili nalang ako ng isang mamon, fav ko hihi, at isang bottled water.

Dumiretso na ako sa field pagkatapos.

Napansin kong maraming estudyante ang nanonood ngayon, hmm mukhang iba ang dating ng bagong miyembro.

Nang makita ko na ang mga kaibigan ko ay agad ako pumunta sa direksyon nila. Napansin ko kaagad si Aze na may hawak na camera at nagsasalita dito. Vlogger kasi siya, kaya napansin siya kaagad at kinuha na din bilang isang model.

Agad ako umupo sa tabi nila at nanood na ng laro. Mukhang hindi ko din malalaman kung sino ang bagong member nito kasi di naman ako nanonood ng laro nila.

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon