CHAPTER 3

373 35 1
                                    

Schon's POV

Andito kami ngayon ni Kinsley sa Starbucks. Umorder na muna kami at umupo.

"Schon,"

Tinignan ko lang siya na parang sinasabi na, 'Ano?'

"I'm sorry. Hindi ko talaga intensyon na saktan ka, pero kailangan at wala na akong magagawa doon. Noong mismong araw ng anniversary natin ay may hinanda akong sorpresa para sayo at maniwala ka man o hindi, hindi ko rin inaasahan ang nangyari. May problema kami sa kompanya namin at tanging pamilya lang nila Ash ang maaring tumulong sa amin. Bilang kapalit ng pagtulong nila ay kailangang matupad ang nag-iisang hiling ng anak nila at 'yon ang makasama ako sa nalalabi nitong araw. Schon may sakit si Ash, hindi ko alam kung ano, pero sigurado malalang malala na ito. May taning na ang buhay niya at nais lang ng magulang niya na sumaya siya bago lumisan dito sa mundo. Ipinaliwag ko sa magulang niya na hindi maaari dahil may girlfriend na ako at hindi kita kayang saktan pero dahil sa awa ko sa bestfriend ko ay ay hindi ko sila nagawang tanggihan. Sana maintindihan mo." mahabang paliwanag ni Kinsley.

Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig lang sa paliwanag habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Kaya pala ganon na ang kulay ng balat ni Ash nong nakita ko siya.
Naawa ako sa kanya pero hindi ko parin maintindihan kung bakit pa kailangang si Kinsley pa talaga. Si Kinsley pa talaga na bestfriend niya at boyfriend ko. Isa si Ash sa mga dahilan kung bakit naging kami ni Kinsley.

"Matagal na akong gusto ni Ash. Sinabi ko na sa kanya noon na kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya at hindi maaring maging kami dahil ikaw ang mahal ko. Pero may isa sana akong pakiusap sayo Schon." halata sa mga mata ni Kinsley ang lungkot at pagkalito kung ano ang dapat na gawin niya.

Umiyak na talaga ako at tumayo na ako at lumapit sa kanya at niyakap siya. Gahd! I miss him so much.

"Kung kailangan kong maghintay ay gagawin ko love. Gawin mo muna ang tama at iintindihin kita."

Umiiyak ako sa balikat niya habang sinasabi ko iyon. Kung kailangan kong magparaya para kay Ash at para bumalik sa akin si Kinsley ay gagawin ko. Naging mabuti ring kaibigan si Ash sa akin kaya ganon nalang ang galit ko sa kanila noong malaman ko ang nagawa nilang pagtataksil sa akin. Lahat ng galit na nasa puso ko ay nawala lahat at napalitan ng awa.

"Thank you love. Sana hindi makarating sa iba ang tungkol kay Ash dahil ayaw niyang kaawaan siya. Ayaw din niyang ipasabi sayo ang dahilan dahil ayaw niyang mag-alala ka sa kaniya. Hintayin mo ko love. Babalik ako." sabi ni Kinsley sa akin at saka humalik sa noo ko.

"Naiintidihan ko. At kaya kong intindihin lahat bumalik ka lang sa akin."

"I love you love."

"I love you too love."

Pagkatapos namin mag usap ni Kinsley ay umuwi na kaagad ako.

Pagkarating ko sa bahay ay nasa dining area silang lahat kaya dumiretso na ako doon at kumain. Halatang galing iyak ako kaya wala ni isa sa kanila ang nagtanong kung anong nangyari sa akin. Dahil kapag ganito ako galing uwi ay hahayaan na muna nila akong magpahinga. Ngunit bukas na bukas din niyan ay tatadtarin na nila ako ng tanong. Maliban nalang kay kuya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanilang aakyat na ako.

"Mom, kuya, magpapahinga na po muna ako."

"Okay baby. Take care of yourself please." sabi ni mom

"I'll go to your room later. May dapat tayong pag-usapan." sabi ni kuya. Kita niyo na di talaga pinagpabukas.

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon