CHAPTER 19

223 10 2
                                    

Schon's POV

"Thank you." Sabi ko kay Kinsley pagkahatid niya sa akin.

Ngumiti naman siya, "Anything for you, Love." sabi niya.

Tinignan ko lang siya ng nagtatakang tingin. Why is he doing this?

"I'm fulfilling my promise, Schon." sabi niya at nagbuntong hininga "Alam ko wala na akong pag-asa sa'yo ngayon dahil bumalik na ang lalaking mahal mo noon pa man, pero gagawin ko ang lahat upang maibaling ang pagmamahal na 'yon sa akin." pagpapatuloy niya.

"Hindi mo kailangang gawin to, Kinsley." Sabi ko na siyang dahilan upang tignan niya ako ng pagtataka.

"What do you mean?" Takang tanong niya.

"Simula nang maghiwalay tayo at ang pagbabalik ni Ethan ay kailanma'y hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo," at hinawakan ko ang mga pisngi niya "Pero sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa. Marami pa ang bagay na gumugulo sa aking isipan." Sabi ko.

Nag-iba naman kaagad ang expression ng mukha niya matapos marinig ang mga sinabi ko. "Dadamayan kita sa mga problema mo, Schon. Just let me be with you, again. Please?" Pakiusap niya.

Sa tingin ko'y wala namang problema kung bibigyan ko ulit ng pagkakataon si Kinsley at ang sarili ko na maging masaya. "Okay," tipid na sagot ko "but manliligaw ka ulit sa akin." Dagdag ko pa at natawa kaming dalawa. 

Mas mabuti ng andito si Kinsley sa tabi ko sa ngayon kaysa ni Ethan na matagal na pala akong kinalimutan.

Nagpatuloy na kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa room namin. Nauna na kasi sila Dea para daw makapag-usap kami ni Kinsley. Kalokohan. Parang plano talaga nila ito. Psh.

"See you later," sabi ni Kinsley sa akin "magsisimula na akong manligaw." Dagdag niya pa.

Pumasok na ako sa loob ng classroom at nakita ko ang mga kaklase kong busy sa pagbabasa ng kanilang mga libro. Weird.

Lumapit naman ako kina Dea,

"What are you doing? Himala ata at nag-aaral ka."Natatawa kong sabi sa kanya.

"Himala talaga, dahil magbibigay daw ng exam si Sir ngayon. Walangya di man lang niya sinabi kahapon nang makapag-aral pa sana akong mabuti." Paliwanag niya ng may mukhang parang pinagsakluban ng mundo.

"Sos, di ka din naman mag-aaral eh." Biro kong sabi sa kanya pero di niya ako pinansin, kaya pumunta nalang ako aking upuan para mag-aral na din. Pero syempre joke lang yun, di ako marunong mag-aral eh.

Umupo na ako at kinuha ang aking sketch pad at ang nagsimulang mag guhit. Dahil masaya ako, iguguhit ko ang mga nangyari.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagsusulat ng biglang pumasok si Sir kaya dali dali kong itinago ang sketch pad ko.

"Orayt get 1 whole sheet of paper! Number 1!" Sigaw niya.

Wow nagmamadali ata to si Sir ngayon, pero keri lang masaya naman ako kaya hindi ko na siya papatulan. Ewan ko ba bakit ang saya ko ngayon, hindi ko lang talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko sa loob loob ko.

"What is Science?" Tanong ni Sir na siyang ikinagulat ng lahat.

"Sir, akala ko ba identification ang type ng exam niyo?" Tanong ng kaklase ko na ikinataas ng kilay ni Sir.

"Sinabi ko bang hindi ko pwede palitan ang instruction ko? Just answer the question Mr. Jeon, this is your punishment for not arranging your chairs properly. Number 2!" Sagot naman ni Sir at nagpatuloy siyang magbigay ng exam niya.

At habang sila busy sa pag-iisip ng sagot, ako naman busy ako sa paghahanap din ng sagot. Paghahanap ng sagot sa katabi ko.

"What are you looking at?" Tanong ng katabi kong si Ethan.

Bumalik naman ang tingin ko sa aking papel dahil sa hiya.

"Kapal ha, hindi naman ako nangopya ah." Sabi ko sa kanya at nakita ko ang pag smirk niya.

"Did I say you're cheating? As far as I can remember, hmm I only ask you what are you looking at. Defensive." Sabi niya pa at nagpatuloy magsulat. ''Kaya pala Science pa lang ang nasusulat mo." Sabi niya pa pero hindi ko na narinig.

"Warning Ms. Reichtum!" Tawag atensyon ni Sir sa akin.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa aking papel hanggang sa matapos ang exam. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sagot ko pero ang alam ko lang, WALANG SENSE ang mga sagot ko.

"Pass your papers according to the procedures, 1!" Sigaw ni Sir. Ang high blood ni Sir ngayon.

So binigay ko naman sa katabi ko ang paper ko pero pvta lang di niya tinanggap.

"Ethan." Agaw atensyon ko sa kanya.

Pero hindi pa din niya ako pinansin.

"Oy!"

Pero hindi pa din.

"James!"

At

Yown, kinuha na niya ang papel ko.

"Kukunin din naman pala eh dami pang arte." Bulong ko at tumingin sa bintana.

"Class dismiss, see you around." Pagpapaalam ni Sir.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko, habang ako ay patuloy na nakatingin sa labas ng bintana at tinitignan ang napaka pamilyar na tao.

"Anong ginagawa niya doon sa pocket forest?" Tanong ko sarili ko.

Nakita ko si Kinsley na kakalabas sa gubat likod ng bodega.

Tinawag na ako ng mga kaibigan ko kaya naman tumayo na din ako pero nakita ko si Ethan na palabas pa lang kaya nilapitan ko ulit.

"Ano ba ginawa ko sayo ha?" Tanong ko sa kanya.

"What?" Ma-ang ma-angan na tanong niya.

"What? Kung iniisip mong nangopya ako sayo, pwes hindi. Wag kang OA." Direstong sabi ko sa kanya.

"Don't you know that cheating is a bad thing? Well, hindi mo mauutusan ang taong wag magalit sa taong nang cheat dahil kusa itong nararamdaman. Excuse me." At nagpatuloy siyang lumabas ng room.

Bakit iba ang epekto sa akin ng pagkasabi niya sa cheat? Parang hindi yung pangongopya ang sinasabi, parang iba.

Hindi ko nalang pinansin 'yon at nagpaalam ako sa mga kaibigan kong pupunta muna sa CR.

Habang papunta ako sa CR ay nakita ko yung lalaking kasama kanina ni Kinsley kaya naisipan kong siya nalang ang tatanungin ko.

Papunta na ako sa gawi ng lalaki pero parang may kausap siya kaya nagtago muna ako sa gilid ng isa pang classroom.

"Boss, parang hindi tama ang binigay na impormasyon sa'yo. Nakita ko si Ethan na pumunta sa canteen pero mag-isa lang siya." Sabi ng lalaki.

Hindi ko nakikita ang kausap niya dahil kapag umusog pa ako sa pwesto ko makikita nila ako.

"Bantayan niyo pa siyang mabuti. Siguraduhin niyong hindi siya makakahalata dahil gagawa talaga 'yon ng paraan upang hindi maipakita sa iba ang totoong rason niya kung bakit siya narito." Sabi ni....Kinsley.

Natigilan ako sa narinig ko. Anong ibig sabihin 'non?

"Yes boss."

"Ginagawa ko na din ang lahat upang hindi niya matuloy ang binabalak niya kahit labag sa kalooban ko." Dagdag ni Kinsley.

Anong ibig sabihin niya?

'Wag naman sanang ang Ethan na bestfriend ko at Ethan na sinasabi nila ay iisa.

Pabalik na sana ako sa paroroonan ko nang maramdaman kong may humawak sa akin at tinakpan ang bibig ko.

Sisigaw pa sana ako pero huli na ang lahat, nawalan na ako ng malay.

"Ethan..."

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon