Schon's POVI try to feel myself kung nasaan ako ngayon. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang sarili ko na nasa isang hindi pamilyar na kwarto.
Bumangon ako sa hinihigaan kong kama at inilibot ko ang aking paningin. The room is very tidy and beautiful even though it's all color black. Makikita mo talagang napaka disciplinado ng may-ari.
"Hello?" Pero nag echo lang ang boses ko.
Pumunta ako sa table at may nakita akong isang frame, dalawang bata na magka-akbay at nakangiti.
"Ethaaan!" Rinig kong tawag ng isang babae sa labas habang kumakatok.
Ethan? Don't tell me...
O_______O
this is Ethan's room?
"Are you there? Papasok na ako ah..." sabi ulit ng babae at bumukas na nga ang pinto at bumulaga ang isang napakagandang nilalang.
"I have goo----who are you?" Mahinahong tanong ng babae at kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko na ito sa school. "You look familiar." Dagdag niya pa at kunyari'y nag-iisip.
Nagsmile muna ako, "We already met at Bheurn U incase you forgot. I'm Schon by the way." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Nanlaki naman ang mata niya, "You're a model right?" Excited na tanong niya.
"Yes." Sabi ko.
"Oh I see. I'm----"
"What are you doing in my room ate?" Inis na tanong ng lalaking kakalabas lang sa cr.
Napayuko agad ako ng marealize kong topless siya.
"Dress yourself, may babae dito ano ka ba!" Saway naman ng Ate niya sa kanya.
Nagkamot lang ng ulo si Ethan at pinalabas na ang kanyang ate.
"Umalis ka na nga muna." Sabi ni Ethan at tinulak pa ng mahina ang kanyang ate.
Pero bago pa ito makalabas ay tumingin muna ito sa akin at ngumiti, "You're very beautiful, I'm Ritz, her ate. See you later." At nag wink pa siya sa akin.
Ang cool ng ate niya hindi katulad ng isang 'to cold.
Ay tekaa--ano nga ba ginagawa ko dito?
Nakalabas na ng tuluyan si Ate Ritz kaya naman binalingan ko ng tingin ang lalaking busy sa paghahanap ng kanyang masusuot sa ngayon.
"Why am I here?" Tanong ko kay Ethan pero pilit ko paring inaalala ang nangyari sa akin.
Ang alam ko ay nakikinig ako sa usapan nila---
"Thank you lang ang gusto kong marinig galing sa'yo at makakaalis ka na." Sabi niya sa akin ng hindi nakatingin.
Pero hindi ko siya pinansin at iniisip ko parin ang nangyari.
Nakikinig ako sa usapan nila Kinsley at sa lalaking hindi ko kilala dahil nakatalikod ito nang biglang may humawak sa akin at nawalan na ako ng malay.
"Ikaw ba yung humawak sa akin kaya ako nawalan ng malay!?" Galit kunyari na sabi ko sa kanya. "Kung gumaganti ka man dahil iniisip mong nangopya ako sa'yo---"
"If you're not going to say sorry, you're free to leave my room." Sabi niya habang sinusuot ang kanyang shirt.
"Ang sungit mo wala naman akong ginagawang masama sa'yo," sabi ko at naglakad na papuntang pinto "ano man ang nangyari, thank you." Sabi ko at tuluyan ng lumabas.
At pagkalabas ko ng kwarto niya ay bumungad sa akin ang napakalaking sala nila I mean bahay nila pero wala ka man lang makikitang maid.
Sinong naglilinis dito? Grabe ha.
Pero hindi ko na muna iyon pinagtuunan ng pansin at baka lumabas na yung isang 'yon at magsungit naman.
Dali dali akong lumabas ng bahay nila at pagkalabas ko sa gate nila ay narealize kong wala akong dala na kahit ano. Kahit pera ay wala, paano ako makakauwi nito ngayon?
Binalingan ko ng tingin ang guard, oo may guard sila.
"Kuya, may pera kayo diyan?" Diretsong tanong ko kay kuya.
Sasagot na sana si kuya nang biglang may bumusina.
Kaya naman dali daling binuksan ni kuya ang gate at bumungad sa akin ang lalaking napakasungit.
"Get in." Sabi ni Ethan.
Pero hindi ko na siya pinansin at bumaling ulit kay kuya guard.
"So ano na kuya? Meron ho ba?" Pa-cute ko pang sabi sa kanya para lang pahiramin nya 'ko.
Tumingin naman siya sa akin. Akala ko, madadaan ko na sa charm si kuya guard pero..
"Sorry ma'am. Wala po talaga eh" umiling pa rin siya at humingi ng paumanhin sa akin.
"Ah ganun ho ba? Sige po. Maglalakad nalang ako."
Napabuntong hininga nalang ako sa kinatatayuan ko. Pagkatapos, nginitian ko nalang si kuya at nagsimula na akong maglakad.
Habang humahakbang ako palayo sa kinalalagyan nya, nagulat nalang ako nang maramdaman kong may humigit sa akin.
"Kuya, unlock the door!" dinig kong utos ni Ethan kay kuya guard. Nakaturo siya sa pintuan ng sasakyan.
Dali dali namang pumunta si kuya sa pinto ng passenger's seat.
"Ethan, ano ba!?" sigaw ko sa kanya pero di ako pinansin at nagpatuloy lang sa paghigit at pinapasok ako sa loob ng sasakyan.
"And what do you think you're doing?" taas kilay na tanong ko sa kanya pero ganoon pa din wala pa rin siyang kibo.
Binuhay niya ang makina at nagsimula na siyang mag maneho.
Tahimik lang ang byahe nang bigla siyang magtanong...
"Gaano mo na kakilala si Kinsley?" tanong niya habang nasa daan ang tingin.
"What?" taka kong balik tanong sa kanya.
Bakit niya naman tatanungin 'yon, paki niya ba?
"Don't come near him." utos na sabi niya.
"And why is that?" taka pa ring tanong ko.
"You'll die. We will die." Seryosong sabi niya.
Okay?
"BWHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHA" napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Mamatay daw? Tang ina pano ako mamatay, kung lalapit lang ako kay Kinsley. "Anong nakain mo?" tatawa tawa ko pa ring sabi.
Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ay bigla siyang huminto.
"Ow bakit ka huminto?" tanong ko na naman.
"Hindi ka ba uuwi sa inyo?" tanong niya din.
Kaya naman ay napatingin ako sa palibot at nakitang nasa harap na pala ako ng napakaganda naming bahay. Hay naku Schon, nakakahiya ka.
"Joke lang! Masyado kang seryoso! O sya sige salamat nalang sa pag pilit mo sa aking ihatid ako, pero sana naman no pinakain mo muna ako. Che bahala ka na sana magising ka na sa pagdaydream mo! Sinali mo pa si Kinsley." Sabi ko at sinarado ang pinto ng sasakyan niya.
"Wag mong isiping biro yong sinabi ko." Huling sabi niya at umalis na kaagad.
Naiwan naman akong tulala at iniisip ang sinabi niya. Ano ba nangyayari dun?
Nagpatuloy nalang akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ay dritso binagsak ko ang aking katawan sa kama.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking pag iisip tungkol sa sinabi ni Ethan nang biglang may tumawag sa telepono na nasa room ko.
"Hello?" sabi ko.
"Magsisimula na ang laro Ms. Reichtum!" Sabi ng pamilyar na boses na nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."