CHAPTER 17

216 20 3
                                    

Schon's POV

"Class dismiss!" sabi ni Miss Aranaiz.

At lumabas na siya ng classroom. Naghiyawan naman ang mga kaklase kong tamad mag-aral.

Tumingin ako sa likuran ko at napansing nakatulala lang sa labas si Ethan.

Tatayo na sana ako upang lapitan siya. Pero hindi pa man din ako nakakadalawang hakbang ay agad siyang tumayo at kinuha ang kanyang bag.

Dali-dali ko namam siyang nilapitan at hinawakan ang kamay niya.

"Ethan--"

"James. My name is James." cold na putol niya sa sinasabi ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng walang kaemo-emosyon.

"Kailan ba kita pinansin?" diretsong tanong niya.

O_O

"What are you talking about? If ito ang way mo para---" ang hilig niya mangputol ng salita ha.

"May sasabihin ka ba o wala? Sinasayang mo lang ang oras ko." sabi niya at nagkalad na palabas.

Naiwan akong tulalang nakatingin sa kanya habang naglalakad.

Lumapit naman ang mga kaibigan ko sa akin.

"Ok ka lang Schon?" tanong ni Aze.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Dea.

"Bakit hindi ka niya pinapansin?" tanong naman ni Raine.

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko din alam ang nangyayari. Noong pinuntahan ko siya sa field no'ng nakaraang araw ay ganito din ang nangyari. Hindi niya din ako pinansin at parang hindi niya ako kilala kung tignan niya ako.

"Let's just don't mind him anymore." sabi ko at lumabas na din ng room.

Naramdaman kong hindi sumunod sa akin ang mga kaibigan ko kaya tinignan ko sila.

"Ano! Tutunganga lang ba kayo diyan?" tanong ko sa kanila.

Nagsipaggalawan naman silang lahat.

Narinig ko pang nagsalita si Aze.

"Meron ba siya ngayon? Galit ata eh." sabi niya.

Hindi ko nalang sila pinansin. Dumiretso ako sa tambayan namin. Hindi sa Skwad dahil may pasok pa kami. Andito kami ngayon sa garden.

At gaya ng lagi kong ginagawa, kinuha ko ang sketch pad ko at nagdrawing dahil dito ko lang nailalabas ang aking mga nararamdam, sila naman ay nagpa alam at may pupuntahan daw.

Dea's POV

Simula no'ng birthday ni Schon ay palagi nalang siyang wala sa mood.

Kaya nang malaman namin ng mga kaibigan ko na niloko lang pala ni Ash si Kinsley ay pumayag kaming makipag-usap sa amin si Kinsley.

Plano lahat ang pagiging partner nila sa Intramurals.

Ayaw na naming makitang nasasaktan si Schon dahil minsan na siyang naging ganyan no'ng iwan siya ng bestfriend niyang si Ethan.

Akala namin magiging okay na si Schon ngayon sa gayong nakabalik na si Ethan pero hindi pala.

So andito kami ngayon sa library. Kasama ko si Raine kasi may inasikaso si Aze. Naiwan naman sa garden si Schon.

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon