(May nag request sa akin na kay Kinsley na POV naman daw. So ito hihi.)
Kinsley's POV
Nasa school gym ako ngayon at naka upo ako dahil kakatapos lang ng practice namin. Naghahanda kasi kami para sa paparating na Intramurals.
"Bro, una na ako ha." sabi ng ka teammate ko sa basketball na si Aivan.
"Sige bro, hihintayin ko pa kasi Ash." tumango lang siya at nagpatuloy ng lumabas kasama ng iba pa naming ka team.
Kinuha ko ang phone ko para itext si Ash.
To: Ash
'Where are you? Tapos na practice ko.'
11:30 A.M.
Ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin ako nirereplyan ni Ash kaya naisipan kong pumunta sa library dahil doon siya tumatambay palagi kapag walang pasok. At dahil walang pasok ngayon kasi nga may meeting ang mga teachers ay sigurado akong nasa library iyon.
Isang linggo na ang dumaan simula ng maging kami 'daw' ni Ash pero ewan ko ba di ko talaga maatim na kasama siya. Para kasing sa araw-araw na kasama ko siya ay wala namang pinagka iba sa nagdaang araw na kasama ko siya bilang bestfriend ko.
Bestfriend ko simula noong bata pa kami. Para na kaming magkatapid sa sobrang close at sa palagi niyang pagpupunta sa amin.
Noon ay nangako kami sa isa't-isa na pagdating namin sa tamang edad ay kailangan kami ang magkatuluyan. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana at hindi ko na feel sa kanya kung ano na feel ko para kay Schon.
Noong nagsimula akong mag-aral dito sa Bheurn University ay kumuha ako ng HUMSS, pero nong nakita ko si Schon ay agad na nagbago isip. Ang korni ba? Ewan ko kung love at first sight ba tawag don, pero kung ganon nga, love ko na siya agad. Di na ako nagdalawang isip na lumipat sa section kung nasaan si Schon.
Ang sungit nga non sa akin nong una, pero dahil naman sa tulong ni Ash ay nagkamabutihan kami. Hindi ko alam kung ano ginawa ni Ash upang pansinin na ako ni Schon noon.
Nang nasa labas na ako ng library ay sumilip muna ako kung mag tao ba sa loob at nakita ko si Schon na may kausap na lalaki.
"Ikaw na naman!?" galit na sigaw ni Schon doon sa lalaking kausap niya.
"Hindi mo ba ko narinig!? Bakit ayaw mo kong sagutin?" sigaw na naman ni Schon nong hindi umimik yong lalaki, at nakatingin lang ito sa kanya at saka ngumisi. Anak ng...
"Bakit? Nanligaw ka ba?" nakangising tanong nong lalaki.
"Anak ng! Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi ni Schon at tuluyan na itong pumasok sa library.
Nakita kong palabas na yong lalaki sa library kaya naman nagtago ako sa gilid para hindi niya ako makita.
Nang tuluyan nang makalayo ang lalaki ay sumilip ulit ako at nakita ko si Schon na kausap ang librarian.
Napansin ko din na walang ibang tao kaya hindi na ako nagpakita kay Schon.
Bumalik ako sa room namin at kinuha ko ang bag ko. Tinawagan ko muna si Ash pero hindi niya ito sinasagot, kaya tinawagan ko ang kaibigan niya na si Yryzh.
Ilang ring pa lang ay agad sinagot na ng kaibigan niya.
"Hello? hik* Sino to? hik*" tanong ni Yryzh sa kabilang linya.
"Are you with Ash? At bakit ganyan ka magsalita? Are you drunk?" tanong ko naman dito. Imposible yatang kasama niya si Ash kasi hindi naman yon pwede uminom at base sa naririnig ko, mukhang nasa bar sila dahil sa malakas na tugtog na naririnig ko.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."