Schon's POVPagkarating ko sa Cydnasia ay agad kong ipinark ang sasakyan ko. Nagsuot ako ng cap at shades dahil panigurado pagkakaguluhan ako dito. Lumabas na ako ng sasakyan at dumiretso kung saan kami palagi tumatambay ng mga kaibigan ko. I'm sure tapos na yun kumain.
'Si Schon ba yon?' rinig kong tanong nong nakasalubong kong babae doon sa kasama niya. Nalintikan na bakit ba kasi dito pa ako dumaan eh.
'Hindi naman ata. Wala siyang kasama eh' sagot naman nong isa.
'Lapitan kaya natin?'
'Tara tara' pagkasabi palang nong babae ay agad kong binilisan ang lakad ko kaya lang...
'Si Schon oh!' sumigaw ang bruha.
Kaya tumingin sa gawi namin ang mga tao, wala na akong nagawa kung hindi ang ngumiti ng mapakla.Nagsilapitan naman kaagad sila at nagpapicture. Kaya ayaw ko pumunta dito kapag walang pasok e.
Smile dito, Click. Smile diyan, Click. Click. Click. Nako nakakatamad, wala din naman akong choice kasi makakasira sa akin kung di ako magpapakabait. Buti nalang napansin nang mga guards na napagkaguluhan ako kay mabilis silang lumapit at hinarangan ang ibang tao, binigyan ko lang sila ng ngiting panalo at nag wave sa kanila pagkatapos.
Mabilis kong narating ang tambayan namin na pinangalanan namin na 'Skwad', pinagawa talaga ito ni Dea dito sa loob ng mall nila para sa amin. Para itong isang bahay na nasa loob ng mall pero kami nga lang ang pwede makapunta rito. Nasa pinakataas ito na bahagi ng mall, ang bilis ko nakarating no? Magic. Hahaha
"Oh paano ka nakapunta rito? Akala ko ba wala kang sasakyan?" salubong na tanong sa akin ni Dea habang nakababad sa swimming pool.
"Pinahatid ni kuya kay manong kasi daw hindi niya ako makukuha ngayon, buti na nga lang maaga niya napahatid. Hindi kasi ako nagpaalam na pupunta rito." kadalasan basta wala kaming pasok ay dito kami agad pumupunta para makapagrelax. Umupo na muna ako sa gilid ng pool kasi napagod ako sa mga nagpapapicture kanina.
"Oh Schon, kumusta paglilinis ng library? Ayos ba?" tatawa-tawang tanong ni Aze sa akin na nasa pool din. Actually silang tatlo ang nandoon.
"Hmm ayos naman. Pumunta lang ako doon tapos umuwi kaagad kasi daw may gumawa na ng trabaho ko." sagot ko sa kanila.
"Iba talaga ang Xia Schonheit! May tagasalo ng problema." pumapalakpak pang sabi ni Raine habang tawang tawa."So sino naman ang gagong tao na yan ang sumalo ng parusa mo?" tanong kaagad niya na nakataas pa ang kilay. Eh? Moodswing.
"Hindi kilala ng librarian e. Pero sabi niya naka salamin daw tapos naka retainer." nagkibit balikat lang ako, baka kasi sabihin pa nilang assuming ako kapag sinabi kong si Mr. Nerd.
"Baka naman si James? Kyaaaaah sabi na nga ba e may gusto yon sayo." sabi ni Aze na hatalang kilig na kilig.
"Asan ang may gusto don? E siya nga nagpahamak sa akin kaya responsibilidad niya akong tulungan." sabi ko sa kanila.
"Badmood ka ata Xia?" tanong ni Dea, pinagkadiinan pa ang huling salita. Napapakalma kasi ako kapag naririnig ko ang una kong pangalan, at ewan kung bakit.
"Kasi naman napagkaguluhan lang naman ako sa baba. Nasaan ba mga guwardiya niyo? Walang silbi."
"Baka naman hindi ka nagpakilala sa kanila, kaya hindi ka kaagad nila napansin. Bakit ba kasi doon ka pa dumaan e pwede namang mag elevator ka nalang papunta kaagad dito?" sabi naman ni Dea, habang yong dalawa busy sa pagpipicture.
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)
Romance"Love will come when you least expect it."