CHAPTER 12 (SCHONderella) Part 1

340 24 6
                                    

(See multimedia, Schon's gown 🙃 "* I don't own the photo.")

Schon's POV

Natulog lang ako buong araw dahil wala akong magawa. Ito na yata ang pinakaboring na araw sa buong buhay ko.

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng may marinig akong kumatok.

"Pasok po." sabi ko at iniluwa naman nito si Yaya.

"May bisita ka ija. Hihintayin ka daw niya sa baba." sabi ni yaya at bumalik na sa baba. Tinanguan ko lang siya at bumangon na ako.

Tinignana ko muna ang oras at alas 4 na pala ng hapon.

Inayos ko muna ang aking sarili at bumaba na.

Pababa pa lang ako ay naamoy ko na naman ang nakakaadik na amoy ng isang tao.

"Kinsley..What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"I and Ash broke up. Wala palang sakit si Ash at nagsinungaling lang siya para masira tayo. Pero hindi ko na hahayaang mangyari yon, kaya andito ako para sana ligawan ka ulit." sabi niya at ako naman ay gulat na napatingin sa kanya.

Alam ko ng may inililihim si Ash kay Kinsley dahil doon sa video pero hindi ko akalaing totoo pala ang sinabi sa akin ni Aze.

"Gusto ko malaman lahat. Paano niya nagawa iyon? Wala naman akong ginawang masama sa kanya." tanong ko sa kanya.

"Come with me, may ipapakita ako sayo." sabi niya at hinatak na ako palabas.

Wala din naman akong choice kaya nagpahatak nalang din ako.

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa mall nila Dea. At pumasok kami sa isang salon.

Nakita ko si Kinsley na pumunta sa parlorista at may ibinulong, agad naman itong tumango at lumapit sa akin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na akong ayosan ng mga bakla.

Pagkatapos ay hinatak na naman ako ni Kinsley habang tumitingin sa relos niya.

"Wait! Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Kung may ipapakita lang siya sa akin bakit kailangan ayosan pa ako?

"Basta. Promise hindi ka mabobored doon." sabi niya at agad kaming pumunta sa kotse.

Hindi nalang ako nagsalita ng makasakay kami sa kotse niya. Wala din naman akong magawa.

Habang papunta kami sa lugar na sinasabi niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag isip ng kung ano ano nang titignan ko pasimple si Kinsley.

Parang may nagbago.

Nagmamaneho si Kinsley at kanina pa kami nakasakay dito sa sasakyan niya. Bakit parang naliligaw kami?

"Kinsley." tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong nilingon.

"Hmm?" ayan na naman siya sa malambing niyang sagot.

"Are we lost? Kanina ko pa kasi napapansin na pinagpapawisan ka at hindi mo alam kung saan ka hihinto." tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya lingon ng lingon sa labas na animoy may hinahanap pero wala siyang makita.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"No of course not. Gusto lang kita masolo kaya hindi ko hinihinto ang kotse. Wala akong pakialam kahit na maubusan pa ako ng gas." sabi niya sa akin pero halatang hindi nagsasabi ng totoo.

"Stop the car." utos ko sa kanya. Gulat naman siyang napalingon sa akin. "

"Why!?" tanong niya. "Joke lang yon. Pupunta na tayo doon sa sinasabi ko."

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon