CHAPTER 16

316 27 7
                                    


Schon's POV

Nasa gilid ako ngayon ng hall dahil hindi natuloy ang practice na sinasabi nila.

Umalis daw kasi ang kaklase kong makakapartner ko dapat kasi DAW ang tagal ko.

"Ok ka lang ba diyan Schon?" tanong sa akin Aze na kausap ngayon si Kuya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Ano wala bang pwedeng pumalit para makapagsimula na tayo?" tanong ng Adviser namin na si Mr. Corro, baklang adviser namin.

"Wala pong willing Sir kasi po yong mga nag audition ay may kanya-kanya na silang sports na sinalihan ngayon." sabi ni Cheska, yong leader ng dance troupe.

Umiling-iling naman si Sir ng marinig ang sagit ni Cheska.

"Hindi nalang tayo sasali!" sigaw ni Mr. Corro at nagsimulang lumabas ng hall pero bago pa siya makalabas ay may sumigaw dahilan upang matigilan siya sa paglalakad.

"Ako nalang po ang magiging partner niya." sabi ni

Kinsley.

"Are you sure about that Mr. Santos?" paniniguradong tanong ni Sir.

Tumango naman si Kinsley at tumingin siya kay Kuya bago sagutin si Sir.

"Yes Sir." sagot niya.

"Mabuti naman kung ganoon. Siguraduhin mo lang na hindi ka mag baback-out tulad ni Josh kanina."sabi ni Sir at inutusan si Kinsley na sumunod sa kanya.

Tinignan naman ako ni Kinsley bago niya sundan si Sir Corro.

Lumapit si Kuya sa akin kasama si Aze.

"Ok ka lang ba na si Kinsley partner mo?" tanong ni Aze.

Tumingin naman si Kuya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Ngumiti ako sa kanila. "Oo naman." tumayo ako at sumunod kina Kinsley.

Sumunod din sina Kuya.

Nagsimula ng magsalita si Sir kung ano ang dapat naming gagawin.

Hindi naman ako nahirapan sa paglalakad gamit ang heels dahil sanay naman na ako kaya naging madali ang part na yon.

Bukas pa daw ang practice namin ng buong contestants para sa production number.

Natapos na kaming magpractice para sa gagawin namin ni Kinsley at napag-usapan naming swimming ang sports namin.

Nagpaalam na kami kay Sir dahil may meeting pa daw siyang pupuntahan at late na sya dahil sa nangyari. Humingi naman kami ng pasensya dahil doon.

"Ikaw Aze, hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong ni Kuya kay Aze.

Hmm

"Ah mauna na kayo."at ngumiti siya. "Pupuntahan ko pa kasi sila Raine. Kailangan ko din e video ang rehearsal nila."

"Sige."ngumiti din si Kuya at tumingin sa akin. "Ikaw? Hindi ka ba sasama sa kanya? Okay lang, pwede kitang sunduin dito mamaya." sabi ni Kuya na kaagad nagpaliwanag ng aking mukha.

Pinagbawalan na kasi ako nila Mommy na umalis ng bahay or ng hindi sa school na walang kasama.

"Okay lang ba talaga Kuya?" pagpapacute kong tanong sa kanya. Tumingin naman ako kay Aze para pagsabihan siyang makisabay sa akin pero pinandilatan niya ako ng mata.

"Yes of course." at tumingin siya kay Aze. "Ikaw na bahala sa kapatid ko ha." bilin niya.

Tumango naman si Aze bilang sagot.

Behind the Nerdy Glasses (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon