A:N: This is my first HisFic/Paranormal story. Sobrang na-inspire kasi ako sa ILYS1892. Huwag mag-expect masyado.
Simula
"Adi? Hindi ka pa ba tapos diyan? Traffic na sa EDSA mamaya. Rush hour na!" sigaw ni Mommy mula sa may sala habang naglalagay naman ako ng lip tint sa aking pisngi at labi. Nagmamadali siyang umalis pero 9 AM pa lang naman at saka hindi naman kalayuan yung Bulacan.
"My! Tignan mo cheeks ko! Ahuh! Drunk blush tawag diyan." pagyayabang ko kay Mommy na ngayon ay iritang-irita na yata sa akin. Nag mini-heart sign na lang ako at kinuha na ang bag ko.
"Anong oras na oh!" irap niya sa akin at hindi pinansin ang pagpapa-cute ko sa kanya.
"Ano ka ba My, okay lang 'yan mayroon namang shortcut pagkatapos ng NLEX kaya mabilis din tayong makakarating sa San Ildefonso." napangiti na lang ako ng kindatan ako ni Daddy at binitbit na ang bags namin papunta sa may kotse. Iba talaga kapag paborito kang anak, kahit na solo lang naman talaga ako. Haha.
Mamaya pa namang 1 p.m. ang family reunion pero madaling-madali na siya. Well kung sabagay ay masyadong busy si Mommy sa hospital kaya hindi naman siya taun-taon nakakapunta sa annual family reunion ng mga Reyes. Kahit na sabihing ilang oras lang ang biyahe from Manila to Bulacan ay hindi rin ako madalas nakakadalaw kay Mamita. Nakakatakot naman kasi iyong bahay nila Mamita.
Nakilala ang pamilya namin dahil sa mala-haunted house na ancestral mansion nila Mamita. Pamana pa daw iyon sa kanya at kahit na medyo inaanay na ito ay hindi pa rin pinapa-renovate. Imagine ilang journalist na din ang gustong mag feature sa ancestral mansion nila Mamita pang Halloween special pero hindi siya pumapayag. Sa harap lang naman siya nakakatakot saka kung anu-anong kumakalat na tsismis na may nagmumulto daw doon.
"My, wala ba talagang multo sa Casa Rojo?" tanong ko kay Mommy habang naka-stuck kami sa toll gate sa NLEX at nilalantakan itong french fries na binili namin kanina sa drive thru.
"Kung may multo doon sana matagal ng umalis ang Mamita mo doon. Ikaw talaga Adi." nag-iisang anak lang din si Mommy at kahit pinipilit niyang isama si Mamita sa Manila ay di naman 'to pumapayag. Ayaw daw niyang iwan ang Casa Rojo kahit na katiwala lang naman ang kasama niya sa bahay at kung minsan dinadalaw naman siya ng mga pamangkin niya.
Napatingin ako sa daan at nakita ko na iyong mahahabang bukirin pati na rin yung probinsya feels. 7 years na din pala noong huli akong nakabalik dito sa Bulacan at naalala ko pa na ayokong umuuwi sa probinsya kasi wala man lang ni isang SM Mall sa Bulacan! Buti na nga lang at may SM Baliuag na ngayon! Dalawang bayan lang ang pagitan mula sa San Ildefonso.
Dalawa o tatlong oras lang ang naging buong biyahe namin at sa malayo pa lang ay natanaw ko na ang Casa Rojo. Marami daw ang natatakot na mga pauwing probinsya kapag nadadaan sa ancestral mansion nila Mommy. Hindi ko naman talaga sila masisisi! Kulang na lang may white lady na tumayo mula doon sa second floor! Kahit tanghaling tapat ay tinayuan ako ng balahibo. Casa Rojo ang original na pangalan ng ancestral mansion pero mas kilala 'to sa Bahay Na Pula. Kapag gabi daw ay may mga naririnig na na-iiyakan sa loob ng mansyon.
Malayo ang Bahay Na Pula mula sa gate nito at yung bakuran ay nababalutan naman ng mga baging. Pang horror movie naman talaga ang peg niya! At iyong pagkapula niya ay parang dugo na ibinuhos rito. Hindi ko alam kung natural ba na pula iyong bahay or dahil sa materials niya. Matataas na din ang mga damo at sa tabi ng two-storey mansion ay ang matandang puno ng Chico na si Lolo pa daw mismo ang nagtanim.
"My, bakit parang wala namang mga bisita? Di pa naman tayo late di ba?" tanong ko kay Mommy habang pababa kami sa sasakyan. Tiningala ko yung buong mansyon at ang taas-taas nito. Nakakatakot talaga siya sa malapitan! Buti na lang talaga at medyo modern na iyong loob ng bahay pero naroon pa rin iyong ilang vintage na mga gamit like yung grand piano na sa bunsong kapatid pa daw ng lolo sa tuhod ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Falta de Alma
Historical FictionKamamatay pa lamang ng katawan ni Alma at dahil sa matinding hinagpis ni Conchita ay napilitan siyang gawin ang isang bagay na matagal na niyang tinalikuran. Ang pagtawag sa kaluluwa ng namayapa. Nang manumbalik ang buhay ni Alma ay gayon na lang a...