Kabanata VIII"Saan po ba kasi kayo nanggaling Senyorita?" pangungulit pa din sa akin ni Linda habang naghahanda kami ng utensils sa lamesa. Umismid na lang ako at nagkunwaring busy. Buti na lang talaga at mas nauna akong nakabalik sa kanya sa may kusina kung hindi ay malalaman niyang nanggaling ako sa likod pinto. Madalas kasi ay doon dumadaan pauwi ang ilan naming mga tauhan, siguro ay mayroon pang ibang nakatira sa may gitnang bukid katulad ni Jose Luis.
"Humanap lang ako ng panggatong sa may stove este pugon pala." ngumuso na lamang si Linda na para bang hindi siya naniniwala sa palusot. Palihim na lang akong napangiti nang maalala ko iyong mukha ni Jose Luis. Anong kalandian ito Adi? Ehhh! Crush lang naman, eh. Hindi ko naman kasi akalain na madami pa lang gwapo sa panahong ito. Mapa-mayaman o mahirap ay magagandang lalaki. Idamay mo na 'yong mayroon silang magandang posture at pangangatawan dahil na din siguro sanay sila sa mga mabibigat na trabaho. Iyong muscles na hindi dahil sa pag-ggym. Naalala ko na naman tuloy si Jose Luis habang nagsisiga siya. Hindi ko akalain na nakaka-inlove pala makakita nang ganoon. Napaka manly sa paningin. May lalaki pa bang ganoon sa panahon ko?
"Senyorita? Ayos lang po ba kayo?" halos mapatalon ako nang kalabitin ako ni Linda kaya tumikhim na lang ako para hindi mapahiya. Jusko! Pinagnanasaan ko na pala si Jose Luis.
"Oo naman. Sige na, tulungan mo na silang ihain ang mga pagkain. Ako na ang tatawag kina Dony----Mama." tatalikod na sana ako pero pinigilan ako ni Linda na ngayon ay may nakakalokong ngiti. Iyong ngiti na parang nanunukso. Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay pero mas lalo pang lumawak ang ngisi niya.
"Mayroon po pala akong nasagap na balita habang naghahango ng mga sinampay." ay eto gusto ko kay Linda, eh! Madami siyang chismis. Mas lalo pa siyang napangisi nang mapagtantong nakuha na niya ang aking atensyon. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid bago ako hinila palapit sa kanya upang bumulong. Ako namang si chismosa ay humilig pa sa kanya para mas marinig ko ang ichichismis niya.
"Nabalitaan ko pong mang-haharana si Juancho mamayang gabi pagkatapos ng hapunan." nanlaki ang mga mata ko dahil sa chismis ni Linda. Totoo ba itey?! Haharanahin ako ni Juancho? I mean si Alma pala. Paano kaya nagkagustuhan sila Alma at Juancho? Mukhang sweet ngang lalaking ito si Juancho. Noong una ko siyang makilala ay halatang sincere talaga ang pag-aalala niya para kay Alma and knowing na kapatid siya ng Lola. Bigla yata akong kinilabutan. Parang ang incest naman yata? Boyfriend ko ngayon ang Lolo ko? Although hindi ko siya naabutan at nakilala ay ang creepy naman ng sitwasyon ko ngayon. Aware na aware akong kamag-anak ko si Juancho.
"Uy! Napatulala ka na naman Senyorita. Excited ka ha'no?" wow nag-english si Linda! Sabagay sabi nga ni Donya Conchita ay marunong naman daw talaga silang mag English, wala naman ako sa panahon ng Kastila at pagkakaalam ko ay matagal na noong nasakop ng mga Amerikano ang Pilipinas. Sana pala hindi ko tinulugan ang Philippine History noon, dati kasi naiisip ko na hindi ko naman 'yon magagamit in the future. Well, magagamit ko pala siya sa past kasi literal akong nag-time travel. Huhuhu.
Saka hindi naman masyadong masama ang panahong ito, ma-swerte pa nga ako at may kuryente na sa panahong ito at saka at least may radyo na kung hindi ay talagang mababaliw na ako dito. Sa ngayon kuntento na ako sa pag-aabang sa Gulong Ng Palad tuwing hapon. Kung nabuhay talaga ako sa taong 1950 baka isipin ko pa ngang pinaka-modern na ito kumpara sa ibang era.
"Kasama ba si Helga mamaya?" nagkibit-balikat si Linda at umiling.
"Hindi po siguro Senyorita. Masyado na po iyong gabi at paniguradong tulog na ang bata." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Linda. Paniguradong 8PM na naman iyon.
"Sige na po't maglinis na kayo sa batalan at inihanda ko na din po ang inyong susuotin. Huwag ninyo na lang pong ipahalata Senyorita na alam na ninyo ang surpresa ni Senyorito Juancho." sinudot-sundot pa ni Linda ang baywang ko at pabiro akong itinulak patungo sa may hagdan.
BINABASA MO ANG
Falta de Alma
Historical FictionKamamatay pa lamang ng katawan ni Alma at dahil sa matinding hinagpis ni Conchita ay napilitan siyang gawin ang isang bagay na matagal na niyang tinalikuran. Ang pagtawag sa kaluluwa ng namayapa. Nang manumbalik ang buhay ni Alma ay gayon na lang a...