Kabanata VII

1.4K 60 10
                                    


Kabanata VII

Kahit na abala ako sa paghahati ng sitaw ay hindi pa din maalis sa isip ko si Jose Luis. Akala ko naman ay simpleng magsasaka o hardinero lang siya, iyon naman pala ay galing sa mayamang angkan. Kung kinilala lang siguro siyang anak ng kanyang ama ay hindi siya maghihirap nang ganoon, hindi na din sana magiging ilegal ang pagmamahalan nila ni Alma. Ano ba naman yan destiny? Bakit mo naman masyado pinakait ang happy ending nilang dalawa. Ang gusto ko lang naman mapabuti si Alma sa second life niya, na buhay ko na din ngayon. Ang advantage ko ay alam ko na ang mangyayari sa hinaharap. Paano kung may way naman pala para magkatuluyan sina Jose Luis at Alma?

"Senyorita? Magsasaing na po tayo para sa hapunan." ani Linda. Hindi pa din talaga ako nasasanay sa oras dito sa past. Mantakin mong 4pm pa lang ay naghahanda na kami para sa dinner at 6pm sharp talaga sila mag-start mag-dinner pagkatapos niyon ay magkakape sa may sala, matapos mag-kwentuhan ay matutulog naman nang 8pm. Petmalu 'di ba?

"Alam mo Linda kung may laptop at wifi lang talaga ako ngayon sa panahon ninyo edi sana kanina ko pa nalaman lahat ng gusto kong malaman tungkol sa lalaking iyon. Alam mo bang sobrang easy na lang mag-stalk ngayon. Kung may Facebook at Instagram lang talaga dito edi hindi ko na sana kailangan mag-isip ngayon at chumismis. May advantage din talaga ang technology, eh." napatigil ako sa monologue ko dahil nakapanganga na lang sa harap ko si Linda at kumurap-kurap.

"Hindi ko po kayo naiintindihan, Senyorita. Ano pong Pesbuk?" napapikit na lamang ako nang mariin at naalala ang major katangahan ko. Nawala ako sa sarili! Hindi nga pala ako si Adielle at mas lalong wala ako sa taong 2017. Buti na lang ay wala si Donya Conchita dito dahil for sure panlalakihan ako ng mga mata n'on. Pero 'di nga, magaling talaga ako sa pag-stalk ng tao.

"W-wala. Tara na nga't magsaing." tumayo na ako at ibinigay sa kusinera iyong mga gulay na hiniwa namin. Ginataang kalabasa at sitaw daw ang ulam namin mamaya. Kailan din kaya ako masasanay na puro gulay ang kinakain nila? Tutal mayaman naman kami pero bakit wala man lang pa-fried chicken si Don Concordio. Nakakamiss naman ang Jolibee, Mcdo at KFC! Kailan ko pa kaya sila matitikman ulit?

Ini-abot na sa akin ni Linda iyong parang kaldero kung saan kami magsasaing ng apoy. Hala! marunong nga lang pala akong mag-saing gamit ang rice cooker. Hindi ako sanay mag-saing gamit ang apoy? At wala silang measuring cup! Nagpapanic na ako. Paano kung mahilaw 'tong sinaing ko or worst kulangin sa tubig? Mukhang malaki pa naman ang expectation nitong si Linda sa akin. Bakit naman kasi ako pa ang kailangang gumawa nito?

"Linda, masakit na kasi 'tong mga daliri ko. Ikaw na lang ang gumawa nito. Pagod na ako." siguro naman hindi makakatanggi si Linda sa akin. Siya ang personal kong tagasilbi kaya ako ang susundin niya. Bwahaha. Na-eenjoy ko 'tong pagiging mayaman ni Alma, ah.

"Hindi po maaari, Senyorita. Ani po ni Donya Conchita ay kailangan ninyo pong matutunan ang mga gawaing bahay lalo pa po't malapit na kayong ikasal kay Senyorito Juancho." napabuntong hininga na lang ako at nagsalok na ng bigas. So, pwede pala mag-measure gamit ang daliri? Natutunan ko lang kay Linda. Amazing!

"Ayos lang po ba Senyorita kung kayo po muna ang magbabantay nitong sinaing? Nakalimutan ko po pala hanguin sa sampayan ang inyong mga damit. Pasensya na po. Nawala po sa isip ko." tinanguan ko lang si Linda at pinaypayan ko na lang yung apoy para medyo lumakas. Ang hirap pala magluto at magsaing ng bigas. Kailangan matiyaga ka maghintay at may pamatay inip ka.

"Everyday ko na lang bang poproblemahin kung paano hindi maiinip sa isang araw? Paano sila nakaka-survive sa panahon na 'to?" frustrated kong sabi habang gigil na nagpaypay sa apoy. Kailan pa ba maluluto 'to?

Sinubukan ko na mag-burda, manahi, mag-pinta at kung anu-ano pa. Wala man lang nakaalis sa boredom ko. Abala ang mga tao sa kusina habang ako naman ay napasilip sa may likod pinto. Parang hindi pa yata ako napupunta dito sa may likod ng Casa Rojo. Tumingin muna ako sa paligid kung may nanonood ba sa aking tauhan bago napagpasyahan na lumabas na lang muna, tutal ay mukhang matagal-tagal pa naman bago maluto itong kanin. Mabilis lang naman ako, promise.

Paglabas ko sa may likod pinto ay tumambad sa akin ang daan patungo doon sa isang kubo na nasa gitna ng palayan. Uy! Hindi naman ito iyong pahingahan ng mga ubrero, 'di ba? May nakatira kaya doon? Napapaligiran din ito ng mga puno at nag-iisa lang ito sa may gitna ng palayan. Natatanaw ko ito pero mukhang hindi din siya ganoon kalapit mula sa likod-pinto ng mansyon. Parang wala namang nakatira, eh.

Isang makitid na palapil ang dadaanan mo bago marating iyong bahay kubo. Jusko! Wala naman sanang snakes, frogs or anything dito sa bukid. Sobrang scary pa naman kasi madaming damo at greeny masyado. Baka mamaya ay matuklaw ako ng ahas or may matapakan akong palaka. Kung may pagkaka-abalahan lang sana ako dito aside sa gawaing bahay ay hindi ako matututong gumala kung saan-saan.

Ilang minuto din yata akong naglakad bago narating 'tong bahay kubo. Maliit lang pala talaga ito at mukhang isa o dalawang tao lang ang pwedeng tumira. Mas presko ang hangin dito dahil nasa gitna ng bukid at wala pang katabing ibang bahay. Solo lang talaga siya at napapaligiran ng mga puno. May manok na palakad-lakad sa paligid, ibig sabihin ay may nakatira pala dito. Mukhang okay naman siyang tirhan pero walang privacy. May separate na maliit na pinto or parang cube na sa tingin ko ay banyo. Sino kaya ang nakatira dito? Isa sa mga tauhan ng mga Ilusorio?

"Senyorita?"

"Ay tae ka ng kalabaw!" sigaw ko at tarantang nilingon iyong boses mula sa likod ko. Jose Luis?! Kahit ilang beses kong makita 'tong si Jose Luis ay napapanganga pa din ako sa kagwapuhan niya. He's so cute talaga! Kung nabuhay siguro si Jose Luis sa panahon ay pwedeng-pwede siyang mag-artista, taob niya sina James Reid. Oha! Mestizo, matangos ang ilong, kissable lips at ang pungay ng mga mata niya. Kung sana nabuhay siya sa present time edi sana hindi ako namatay na NBSB. So, dito na lang ba talaga ako sa past matututong lumandi? Haha.

"Ano pong ginagawa mo dito sa bahay ko?" Huh? Bahay niya ito? Nako tadhana, ah! Pinagtatagpo mo talaga kami ni Jose Luis tapos paglalandiin mo kami, siyempre mahuhulog kami sa isa't-isa pero hindi naman pala kami magkakatuluyan. Ganyan ka, eh! Alam ko na mga mangyayari.

"Wala lang. Gusto ko lang maglakad-lakad. Dito ka pala nakatira?" kumunot ang noo ni Jose Luis at ngumiti. Jeske! Wag ganern! Mas cute siya kapag nakangiti, lumalabas yung dimples niya. Kahit maputik pa yung damit niya at mukhang pinaglumaan lang ito ay taob pa din niya si Juancho sa kagwapuhan. Parang ang bango-bango pa din niya. Kaya naman pala nainlove si Alma, okay di ko na siya sisisihin na ipinagpalit niya si Juancho. Iba din naman pala talaga kasi ang appeal. Pamatay!


"Opo." nakangiti pa din siya sa akin habang inilalabas yung mga sinibak na kahoy mula sa sako.

"'Wag mo na akong i-po. Magkasing-edad lang naman tayo." feel at home akong umupo doon sa isang bench na gawa sa kahoy at pinanood lang siyang inipon ang mga kahoy at uling. Mukhang mag-sisiga yata siya ng apoy.

"Naku, Senyorita baka po madumihan ang damit ninyo. Ikukuha ko po kayo ng sapin----" umiling lang ako at sinenyasan siya n ipagpatuloy na lang ang ginagawa niya. Palubog na ang araw at mas lalong nagiging malamig na ang hangin. Napapikit ako dahil nakakarelax ito.

"Ahmmm. Senyorita, madadapit-hapon na po." idinilat ko ang mga mata ko. Muntik na pala akong makatulog. Idinikit ko nang mariin ang mga labi ko upang mapigilang matawa. Bakit ba ganito si Jose Luis? Very charming. Imbes na magsalita ay tumayo na lang ako at lumapit sa kanya.

"Ang cute mo sana kaso ang clumsy mo." sabi ko at walang sabi-sabing pinahid iyong uling na nasa pisngi niya. Mas gwapo pala ang mukha niya kapag malapitan. Walang pores. Ganoon siguro talaga kapag walang polusyon ang hangin, maagang natutulog at gulay lang ang kinakain. Nginitian ko lang si Jose Luis na ngayon ay napatulala na lang sa akin.

"Huh? K-kyut?" hahawakan ko pa sana ulit ang mukha niya nang may naalala akong bagay. Naku! Patay!

"Oh my gosh. Yung sinaing ko!" sigaw ko at mabilis na tumakbo pabalik sa may mansyon. Narinig ko pa yung malakas na halakhak ni Jose Luis mula sa malayo at hindi ko na din mapigilan ang tuluyang mapangiti. Crush lang naman! 'Di naman maiinlove!

Alma, hindi ko hahayaang masaktan ang lalaking 'to. Masyado nang mapait ang buhay para sa kanya, kawawa naman siya kung mararanasan niya pa ang pagmalupitan ng mga Ilusorio at Andrada. Gagawin ko kung ano ang tama at pinapangako ko na walang dugong dadanak habang ako ang namamahay sa katawan mo.

Nasaan ka na ba Alma? Babalik ka pa ba?


itutuloy...


Nasa itaas yung bahay kubo ni Jose Luis.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon