Kabanata II

1.7K 70 18
                                    




Kabanata II

I stretched my body at mas hinila pa ang kumot ko dahil medyo malamig iyong hangin galing sa electric fan. Sabi na nga ba bad dreams lang iyon. Dahil sa kwento ni Mamita about Ilusorio's ay napaginipan ko pa tuloy iyong lumang Casa Rojo. Grabe! Mas nakakatakot yung nahiwalay na daw ako ng tuluyan sa katawan ko.

Ang sarap naman ng hangin dito sa may probinsya. Fresh na fresh! Dahan-dahan ko pang iminulat ang mga mata ko at nasilaw sa liwanag mula sa bukas na bintana. Wait? Hindi ko naman binuksan yung bintana kagabi ah? Paglingon ko sa aking kanan ay may nakaupong babae sa tabi ko at pinagmamasdan ako.

"B-buhay ka." agad akong napabangon at tinignan siya. Sino 'to? Wala naman ibang bisita si Mamita kagabi ah? Mas naguluhan pa ako dahil mangiyak-ngiyak pa siya at hindi niya malaman kung hahawakan niya ba ako o hindi.

"Sino po kayo? Bisita po ba kayo ni Mamita?" takang-takang tanong ko sa babae na parang kaedad lang ni Mommy. Pinsan niya kaya ito?

"Nasaan po sila Mommy and Daddy?" biglang natigil sa pag-iyak ang babaeng nasa harap ko at tinignan ako simula ulo hanggang paa. Sino ba 'to? Parang ako pa yung outsider sa bahay na 'to ah. Nang hindi siya magsalita ay nawalan na ako ng pasensya at tuluyan ng bumaba sa may kama.

"Mommy! Daddy! Mamita!" sigaw ko at nilingon ko iyong weird na babae na ngayon ay parang na-estatwa lang sa kinatatayuan niya.

"S-sino ka? P-paano?" Ano bang pinagsasabi niya? Dahil ayoko namang maging bastos ay sinagot ko na lang ang mga tanong niya. Pinasadaan ko lang siya ng tingi at mas lalong naweirdu-han siya kanya. Buwan na ba ng Wika ngayon? Di ba November na? Bakit naka-baro't saya siya. Hindi iyong makaluma pero ganoong style. Baka naman maka-Imelda Marcos lang 'tong si Ale.

"My name is Adielle Arevalo, apo po ako ng may ari ng bahay na ito. Si Helga Andrada-Pasco." tinignan ko pa siyang muli at may mga suot siyang alahas na sa tingin ko ay mamahalin. So hindi lang basta-bastang weirdo si Ale. Baka naman kamag-anak namin siya?! Hindi kaya siya nabastusan sa akin? I use "po" and "opo" naman ah!

"Si Helga? Subalit limang taon pa lamang si Helga." nasa Bulacan nga ako! Mygash! Ang lalim mag tagalog! Complete sentence!

"Nasaan si Alma? Hindi ikaw ang anak ko. Saan mo dinala ang anak ko?" lalabas na sana ako sa kwarto para hanapin na lang sina Mommy at para makapagsumbong na may baliw na nanghaharass sa akin. Mabilis na isinira noong babae iyong kwarto.

Saka ko lang napansin na parang may nagbago sa loob ng tinutuluyan kong kwarto dito sa Casa Rojo. Parang nabago lahat overnight? Well, may mga nadagdag na mga gamit at ang ilan ay parang mga bago pa. Iginala ko pa ang mga mata ko sa buong kwarto. Iyong lumang aparador na namumuti na sa kalumaan ay ngayon ay bagong-bago. Amoy uhmm pintura yata ito. Basta iyong pampakintab sa wood furnitures.

Lumapit ako sa may narra na vanity table at napasinghap ako nang makita na iba ang suot kong damit. Puti itong silk na night dress. Ako pa naman 'to ah pero hindi ko maalala na nagpalit ako ng damit kagabi? Napalingon ulit ako sa babaeng nasa likod ko na ngayon ay nag breakdown. Hala! Ano bang nagawa ko sa kanya?! Nilapitan ko na lang siya at kahit hindi ko pa rin siya kilala ay pinakalma ko na lang siya. Actually parang nakita ko na siya somewhere, eh. She looks familiar! Baka kamag-anak namin siya or something basta nakita ko na siya.

"Kasalanan ko 'to! Ang anak ko. Dios mio! Que voy a hacer?!" napabitaw ako kay Ale at inilayo ang sarili ko sa kanya. Iyakan lang pero walang Spanish aba! Next sem ko pa yun ittake!

"Hindi ko po alam kung nasaan ang anak niyo eh. Gusto niyo po ba bumaba muna tayo at itatanong ko po kay Mamita?" magalang at worried kong tanong sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon