Kabanata XI

1.3K 51 14
                                    







Kabanata XI

    "Aba't hindi ka ba talaga nag-iisip bata ka? Sirang-sira na ang reputasyon ng anak ko nang dahil sa iyo.Si Alma ay kilala na isang pino at mayuming dalaga samantalang ikaw naman ay... por Dios." sapo pa ni Donya Conchita sa kanyang batok na parang mahahighblood na yata sa akin. Hindi pa man nakakapag-react sina Ate Feliza, Susana at Linda sa 'kundiman' ko ay kinaladkad na ako paakyat sa kwarto ni Donya Conchita.

"Pinakanta po kasi nila ako. E wala naman po akong alam na latest na kanta dito." muntik na akong pukpukin ng pamaypay na hawak ni Donya Conchita dahil sa pangangatwiran ko. Nag make-face pa ako nang hindi niya ako tinamaan sa may braso.

"Kung ganoon naman pala edi sana'y nanahimik ka na lamang. Ang wika ko naman sayo ay mas mabuting manahimik ka na lamang kung hindi mo alam ang sasabihin mo." Kung ganoon lang sana kadali 'yon why not?! Ang kaso hindi naman ako pamilyar sa lugar at panahong ito at ang hirap kayang magpanggap na ibang tao ka. Hindi ko alam kung paano kikilos kasama ang pamilyang hindi ko naman kilala.

"Nakikiusap ako sa iyo Adielle na lagi kang mag-iingat sa iyong pananalita at kilos. Reputasyon at pangalan ni Alma ang nakasalalay dito. Gusto mo bang makilala ng henerasyon mo si Alma bilang magaslaw na babae?" hindi naman magaslaw 'yon. Cool po kasi ang tawag doon.

Pagkatapos akong sermunan ni Donya Conchita ay dali-dali namang pumunta si Linda sa aking kwarto para makasagap ng chismis. Grabe huh! Mas mabilis pa 'tong si Linda sa internet connection ng PLDT sa pagsagap ng chismis. Kung sabagay ay wala namang ibang aatupagin ang mga babae rito kundi ay mag-chismisan lang din naman. Buong mag-hapon ay nasa bahay lang sila. Iyon na lang siguro ang past time nila.

"Ano na naman po ba Senyorita ang ginawa ninyo at mukhang napagalitan na naman kayo nang inyong Mama?" humilata na lang ako sa aking kama at nagbuntong-hininga. Ang dami namang bawal dito. Ang daming standards para sa mga babae. Kailangan maalam ka sa ganito-ganyan, hindi ganyan ang pananalita ng isang mayumi at dalagang Pilipina. Kahit anong effort ko ay hindi ako magiging kasing level ni Alma sa kahinhinan. Lalong-lalo na ni Ate Feliza. In the first place ay hindi naman talaga ako si Alma. Si Adielle lang naman ako na isang millenial. Na dapat ay nag ffangirl ngayon sa Kpop at wala dito na nagbuburda ng punda. Nakaka-frustrate!

"Hindi po yata nagustuhan ni Senyora ang iyong awitin. Sa katunayan po ay ngayon ko lang narinig ang kundimang iyon. Masyado po yatang mabilis ang indak para sa isang kundiman. Ano nga pong dialekto iyon?" titirik na yata ang mga mata ko sa kadaldalan ni Linda, mukhang wala siyang balak patahimikin ang buhay ko hangga't hindi ko sinasagot ang mga tanong niya kaya naman umupo na ako at hinarap siya.

"Korean 'yon. Wika iyon ng mga taga Korea, isang bansa dito sa Asya. Okay na ba Linda? Pwede na ba akong mag-siesta?" saad ko at humiga na. Itutulog ko na lang 'tong boredom ko. Hindi ko tuloy naabutan iyong Gulong ng Palad sa radyo dahil sa pagsesermon sa akin ni Donya Conchita. Iniisip ko pa naman kung ano na ang nangyari kay Luisa at Carding?

"Ah. Nako hindi ko po alam 'yon. Hindi pa nga po ako nakakaalis dito sa Bulacan. Kahit sa Maynila nga po ay hindi pa ako nakakatuntong. Oh siya matulog na po kayo." kinumutan pa ako ni Linda at pagkatapos ay binuksan niya ang ventanilla upang hindi ako mainitan.

"Siya nga po pala Senyorita, wala po bang problema sa inyo kung si Susan na muna ang mag-gayak sa inyong pampaligo at damit mamayang gabi?" kumunot ang noo ko at binalingan si Linda.

"Bakit? Day off mo ba ngayon Linda? I mean... saan ka pupunta?" tanong ko kay Linda na ngayon ay napangisi at mukhang excited. Nako! 'Wag mong sabihing may date mamaya si Linda?!

"Pista po kasi ngayon sa may Barangay Salacot at inanyayahan po ako ni Tomas dahil may sayawan po mamayang gabi sa may Plaza." naningkit ang mga mata ko nang mapansin na kinikilig si Linda. Wow. Buti pa siya may lovelife. Kahit na medyo conservative dito ay may lovelife sila. Samantalang ako nakapa sign up na sa Tinder at Omegle ay wala pa din.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon