Kabanata I

1.8K 66 7
                                    


Kabanata I


2 PM na nang makapag lunch kami nila Mommy at Daddy dahil nalibang sila sa pakikipag-kwentuhan kay Mamita na ngayon ay nagpapahinga na daw sa kanyang kwarto. Tuwing hapon daw ay nag-sisiesta ito kaya hindi na rin naman namin siya pinilit pang sabayan na kami sa pagkain.

Buti na lang at nawala rin iyong pananakit ng tiyan ko lalo na noong nagkalaman na ito. Grabe! Gutom lang naman pala eh.

"My, kamag-anak po ba natin ang mga Ilusorio?" tanong ko kay Mommy na napatigil sa pagsubo sa kanyang pagkain.

"Hindi natin sila kamag-anak. Sila ang may dating may-ari nitong Casa Rojo. Kilala sila ng Mamita mo pero siyempre hindi ko na sila naabutan." Akala ko naman ay kamag-anak namin sila! Eh bakit hindi pa inaalis iyong famil portrait nila dito kung hindi naman pala namin sila kaano-ano.

"Ang creepy kasi My nung isang babae doon sa portrait. Parang sinira gamit ng sharp tool yung mukha. Ugh!" hindi ko maiwasang panayuan ng balahibo at sa pagbaling ko ay naka eye-to-eye naman sa akin si St. Jude na parang jinajudge ako! Mabilis na lang tuloy akong napakain.

Sa dami ng mga Santo na figurines ang nakakalat sa bahay ay para tuloy may mga matang nakatingin sa akin isama mo pa iyong humahalimuyak na sampaguita buong bahay. Matapos makakain ng late lunch ay nagpasyang matulog din ang parents ko dahil napagod daw ang mga ito sa biyahe. May isang silid sa unang palapag malapit sa grand piano na dating silid ni Mommy noong dalaga pa siya. Lima naman ang mga silid sa ikalawang palapag kasama na ang master's bedroom.

Unti-unti na akong kinakain ng boredom. Gusto ko mang manood ng TV ay wala namang cable at mas gumuho ang mundo ko dahil wala pa lang wifi-connection sa bahay ni Mamita! Jusko ni wala ngang modern na intercom si Mamita. Ito pa iyong lumang telepono na parang gawa sa ginto.

"Totoo kaya 'to?" sinubukan ko pang kagatin pero pwee! Lasang kalawang! Nilagay ko pa ito sa aking tainga pero wala namang dial tone. Ano nga bang dapat kong i-expect eh 71 years old ang nakatira sa bahay na ito.

"Oh! Ikaw na ba iyan Adielle? Iyong apo ni Senyora Helga?" huwow! Ang lakas maka-maharlika feeling talaga ng tawag kay Mamita! Senyora! Sa pagkaka-alala ko ito yung kaisa-isang katiwala ni Mamita. Mayroon silang maliit na kubo sa likod ng Bahay Na Pula. Ipinagawa iyon ni Mamita para sa katulong niya at sa pamilya nito.

At dahil ayoko sa awkward na sitwasyon ay naisipan ko na lang na lumabas na lang ng bahay. Mabilis kong pinagsisihan ang paglabas ko sa bahay dahil nabibingi na ako sa katahimikan! Huni lang ng mga ibon ang naririnig ko pati na din iyong pag-ihip ng hangin. Nakikita ko iyong mga sasakyan mula sa highway pero malayo pa din ito mula sa Casa Rojo.

Iba talaga kapag hindi ka lumaki sa probinsya. Sanay ako sa Maynila na kaunting lakad lang ay tapos na ang isang araw. Ganoon kabilis ang buhay sa Maynila unlike dito sa probinsya na feeling ko nakahinto iyong oras.

"Am so bored! Wala pa yatang malapit na loadan dito!" reklamo ko pa habang nagpapadyak patungo doon sa puno ng chico. Dahil matanda na ito at may mga malalaking sanga ay may nakasabit dito na duyan. Nahiga na lang ako sa duyan at nangangarap na sana biglang magka-wifi dito.

"Nieta, bakit hindi ka mag siesta sa loob?" napabangon ako sa may duyan dahil papalapit pala si Mamita sa akin. Gising na siya agad?

"Akala ko po natutulog kayo Mamita?" tanong ko kay Mamita na ngayon ay nakalapit na sa akin. Tinanaw lang niya ang Bahay Na Pula at napailing. Bakit parang ang lungkot ni Mamita?

"Okay lang po kayo, Mamita?" dagdag tanong ko kay Mamita at inalalayan siyang makaupo sa tabi ko. Buti na lang at maluwag itong duyan iyon nga lang ay mahirap i-balance kapag dalawang tao na ang nakaupo.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon