Kabanata VI

1.5K 64 20
                                    


Kabanata VI

Hindi pa rin ako mapaniwala sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang mestizo niya para maging isang magsasaka. Nakatulala lang siya sa akin at ang mga mapupungay niyang mga mata ay nakatitig sa akin. Mabilog ang kanyang mga mata at kulay itim ito. Pinagdikit ko ang aking mga labi dahil actually ay nakakatawa ang hitsura niya. Nakaupo siya sa matabang sanga at huling-huli ko siya sa pag kain. May butil pa nga ng kanin sa kanyang bibig, sa gulat niya ay nakanganga pa nga siya.

"S-Senyorita?" nauutal niyang sabi at mabilis nailaglag sa lupa ang dahon ng saging. Taranta din niyang inalis yung dumi sa bibig niya. Napasigaw ako ng mawalan siya ng balanse at nahulog!

"Oh My God!" sigaw ko at sinilip siya sa ibaba. Baka napilayan siya! Buti na lang at damuhan ang kinabagsakan niya.

"Okay ka lang?! Ah...ayos ka lang ba?!" sigaw ko at madaling bumaba sa may puno. Napansin ko pa yung pagpikit niya habang pababa ako sa puno. Aba gentleman!

Dahan-dahan siyang bumangon at naupo, pinagpag din niya ang suot niyang pang magsasaka outfit. Mukhang hindi naman siya nasaktan. Hay! Ang cute naman niya. Kung aayusan lang siguro siya ay baka mas gwapo pa siya kay Juancho. Ayos naman pala ang taste ni Alma, kaya naman pala nainlove. Napakunot ang noo ko dahil nakayuko lang siya at hindi makatingin sa akin. Anong problema niya? Napansin kong minamasahe pa niya ang puwet niya. Haha. Omg! He is so cute! Magkasing-edad kaya sila ni Alma?

"Jose Luis! Ayos ka lang ba?!" napatayo ako nang patakbong nilapitan ni Ate Feliza itong si Jose Luis. Naalala ko na! Siya nga iyong hardinero guy na nasa kwento ni Mamita! Iyong lalaking ipinagpalit ni Alma kay Juancho, ang makakabuntis sa kanya. Kinilabutan ako dahil hindi ko maiwasang ma-imagine yung mga nangyari noon. Nasa harap ko na sila ngayon, isa ako sa kanila.

"Pasensya ka na, nagulat yata kita." sabi ko kay Jose Luis na hindi pa rin makatingin sa akin. Tumayo na siya at nag-bow pa sa amin.

"Wala po yun, Senyorita Alma. Mauna na po ako. Salamat po sa almusal." gusto pa sanang magsalita ni Ate Feliza pero nauna ng umali si Jose Luis. Mukhang gustong-gusto siya ni Ate Feliza. Ang gwapo naman kasi talaga niya!

"Anong nangyari? Sigurado ka bang ayos lang si Jose Luis?" tanong sa akin ni Ate Feliza at ini-abot niya sa akin ang basket ko.

"Namamasyal ako at nasa puno pala siya. Ayon, nagulat ko yata." kibit-balikat ko lang at sabay-sabay na kaming naglakad nina Ate Feliza at Linda pabalik sa mansyon na tanaw na tanaw mula dito sa gitna ng bukid.

"Sana naman ay hindi lubhang nasaktan si Jose Luis." nako nakaka-guilty naman! Ako rin naman nagulat pero hindi naman ako ganoon ka-clumsy!

Pero nahihiwagaan ako ah. Kung maka-first name basis 'tong si Ate Feliza ay parang kilalang-kilala na niya si Jose Luis. Close kaya sila? Kailangan makapagtanong ulit ako kay Donya Conchita, pero naisip ko rin na hindi magandang move kung sa kanya ko 'yon itatanong. Medyo nakasalalay nga pala sa status mo society ang pag-trato sayo dito sa panahong ito. Kung pantay-pantay ay sana walang Don at Donya 'di ba?

Napangiti ako nang makita ko sa tabi ko si Linda. Hmmm! Mamaya nga ay iinterviewhin ko itong si Linda! Magpapanggap na lang ako na nagiging makakalimutin na talaga ako. Mukhang may pagka chismosa naman 'tong si Linda eh.

Pagkabalik namin sa may mansyon ay sinalubong na naman ako sa fact na wala na naman akong gagawin! Mabobored na naman ako at hindi ko na naman alam kung paano magpapatay ng oras! Sobrang nakaka-torture! 9 AM pa lang pero mukhang abala pa rin yung mga tao sa paligid ko. Paano sila nakakagawa ng pagkaka-abalahan sa ganitong panahon? Kailan ba mauuso ang TV?!!

"Senyorita, tutulong lang po ako sa may kusina para sa pagluluto sa tanghalian. Inihanda ko na po ang inyong damit na pamalit sa inyong kama." tumango na lang ako. Ayoko sanang pakawalan si Linda dahil mas lalo akong mabobored kapag wala akong kausap. At least sa kanya ay makakasagap pa ako ng chismax.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon