Kabanata III

1.4K 62 11
                                    




Kabanata III

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lalaking nasa harap ko ngayon. Iyong ganitong kagwapong lalaki ipinagpalit lang ni Alma sa iba?! Nako huh! Siguraduhin lang niya na kasing gwapo ni James Reid yung lalaking ipinalit niya dito sa Juancho! Kung hindi, mababago ang history at pakakasalan ko talaga 'tong si Juancho! Ngiti pa lang nakakalaglag panty na!

Mas kinilig pa ako dahil ini-abot niya sa akin yung isang basket ng mga prutas. Assorted pa! Oh diba sobrang gwapo na nga ay sweet pa.

"Alma? Masama pa rin ba ang iyong pakiramdam?" saka lang ako natauhan nang hila-hilahin noong bata yung dulo ng bestida ko habang kinakausap naman ako ni Juancho. Masyado pala akong na-carried away sa kagwapuhan niya. Ngayon lang talaga ako naka-encounter ng ganitong level ng kagwapuhan!

"Ate, makakapaglaro na po ba tayo ulit?" tanong sa akin noong bata sa akin.

"Helga, hindi ba't sinabi ko na sa iyo na may karamdaman ang iyong Ate Alma. Ipagpaumanhin mo na ang kakulitan ng kapatid ko." Hindi naalis ang tingin ko sa batang tinawag na Helga ni Juancho. Weh?!!! Kapalangan lang naman niya siguro si Mamita. There's no way na makikilala ko ang Lola ko dito! Sobrang weird naman sa feeling non. But mygad! Kung Andrada nga ang surname ni Juancho ay sa malamang nga ay si Mamita itong batang babae na kaharap ko ngayon.

"Alma, huwag mo naman mapakatitigan si Helga at baka mausog mo siya. Alam kong nais mo na ring makalaro ang nakababata kong kapatid subalit hindi kita mapahihintulutan. Kaya ako pumarito ay upang matiyak na maayos na ang iyong kalagayan. Noong huli tayong nagkasama ay bigla na lamang sumakit ng matindi ang iyong tiyan. Labis akong nag-alala." eh baka naman natatae lang si Alma non!

"Paumanhin po sa abala. Senyorito Juancho, inaanyayahan po kayo ni Don Concordio na sumalo sa kanilang almusal." napangisi na lang ako at tinignan si Juancho. Nakalimutan ko nga pala yung utos ni Don Concordio! Na-starstruck kasi ako sa kagwapuhan!

Kahit nahihiya si Juancho ay nagpapilit naman siya at nakikain na din ng almusal sa amin. Malapit lang kaya ang bahay nila dito? Katakot-takot na pang-aasar ng pamilya Ilusorio sa akin kasi nga dinalaw ako ni Juancho! Matapos kumain ay inaya ko muna si Helga na mag-stay sa kwarto ko.

"Mamita? Kaw ba talaga yan?" tanong ko sa batang kaharap ko ngayon na nagtatalon-talon lamang sa kama. Mas matanda pala si Alma kay Mamita!

"Bakit po Ate?" umiling lang ako at ngumisi sa tanong ni Mam---Helga. My gosh! Ikkwento ko 'to kay Mamita! Sasabihin kong nasubaybayan ko ang paglaki niya at nagkalaro na kami. Umupo ako sa may kama at pinanood lang si Helga na naglalaro.

"So ito po pala ang buhay mo dati Mamita. Walang internet! Walang aircon! Hindi pa uso TV! Paano ako mabubuhay dito Mamita?" napabuntong hininga na lang ako ng tinitigan lang ako ni Helga na para bang nababaliw lang ako. Humiga lang ako sa kama at inilagay ang braso ko sa aking noo.

Kung sana ay isang araw lang ang lahat ng ito. Kung sana ay panaginip na lang ito. Anong explanation kung paano at bakit ako napunta sa panahong ito?

"Helga? Alam mo ba kung ilang taon na ako?" pumikit-pikit lang si Helga at nag-isip.

"Di ko po alam." napaka nice talking mo pala Mamita. Kung 21 years old ako ay baka ganon din ang edad ni Alma? Ilan taon kaya namatay si Alma? Sa tingin ko ay maayos pa ang relasyon ngayon ni Alma at Juancho, kailan magkakalamat ang relasyon nila? Kailangan ko bang baguhin ang kapalaran nila? Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong katok sa pinto, bago pa ako makatayo ay sumilip na si Ate Feliza.

"Kapatid, magpapaalam na si Juancho sa iyo. Dadalhin na lamang niya sa ibang araw si Helga." tumango na lamang ako at binuhat pababa ng kama si Helga. Nakakalungkot naman. Kahit na 5 years old pa lang si Mamita sa panahon na 'to ay masaya naman ako kasi kahit papaano may kilala naman kahit isa. Malungkot na lang akong nagpaalam kay Helga at Juancho.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon