Kabanata V

1.4K 66 11
                                    


Kabanata V

Buong magdamag akong umiyak hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung paano pa ako nakatulog sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Para 'tong pinipiga sa sobra sakit. Hindi ko maisip kung gaano nagluluksa ang mga magulang ko sa pagkamatay ko. Someday, magkikita pa rin kami nila Mommy and Daddy. Matanda na ako panigurado kapag nakita ko sila. Okay na sa akin iyon. Ngayon, hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko bilang si Alma Ilusorio.

Kasabay ng pagtilaok ng manok ay ang katok naman sa labas ng pinto ko. Medyo madilim pa sa labas, malamig din ang hangin dahil ber months na. Kahit masakit ang ulo at ang mga mata ko ay pinilit ko pa ring bumangon. Sumilip pa muna si Ate Feliza sa aking pinto bago tuluyang pumasok. Wala akong kapatid, nakaka-inggit si Alma dahil may Ate at mga Kuya siya. Sa panahong ito ay sila ang pamilya ko. Matamlay lang akong ngumiti kay Ate Feliza, lumapit siya sa akin at hinawakan naman ang pisngi at noo.

"Ang sabi ni Mama ay masama daw ang pakiramdam mo buhat pa daw kagabi. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna, saka mo na lamang kami tulungan sa pagluluto. Gusto mo ay hindi na kita gisingin para sa almusal? Maaari ka namang dalhan na lamang ni Linda ng pagkain dito sa iyong silid." mahinhin na sabi ni Ate Feliza habang sinusuklay ang buhok ko. Ang sensitive ko masyado ngayon na naiiyak na naman ako. Ang swerte ko pa din talaga dahil mabait ang pamilyang napuntahan ko.

Pangako, Ate Feliza. Hindi masisira ang pagiging magkapatid natin dahil sa isang lalaki. Hindi ko hahayaan na isang lalaki lamang ang lahat dahil sa kanya. Hindi ko gagawin ang pagkakamali ni Alma. Ito ang pangalawang buhay ko kaya itatama ko ang lahat. Ito ang after life ko. (Kahit pabalik pa ang nangyari.)

"Huwag na Ate! Sasama ako." nginitian lang ako ni Ate Feliza at kinurot ang pisngi ko.

"Kung ganoon ay maligo ka na at magbihis. Bumaba ka na lamang sa kusina kapag handa ka na. Ah! Huwag mong kakalimutang mag-balabal dahil malamig na ang simoy ng hangin. Paalam, kapatid." hinalikan pa ni Ate Feliza ang noo ko bago siya umalis. Grabe! Ang bait-bait niya! Ang sarap pala na may Ate! Ang ganda na niya, mahinhin, maraming alam sa gawaing bahay at nasisigurado ko na matalino si Ate Feliza. Ang swerte ng mapapangasawa niya.

Teka! Ang sabi niya ba ay maligo na ako?! Maliligo ako pero 5 AM pa lang ng umaga?! Pagpasok ko sa bathroom ay nanginig ako dahil sa lamig ng hangin. Wala pa nga pa lang heater dito. Kailangan ko pa yatang magpa-init ng tubig para makaligo ako. Buti na lang ay paglabas ko sa banyo ay siya namang pagpasok ni Linda na may dalang isang basin at umuusok ito. Sa tingin ko ito na yung hot water para sa pampaligo.

"Senyorita, ito na po ang inyong tubig pampaligo. Inihanda ko na rin po sa inyong kama ang inyong damit." tumango-tango lang ako habang sinusundan si Linda na papasok sa kwarto. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko talaga ay kailangan kong maligo sa nagyeyelong tubig habang malamig din ang hangin. Torture 'yon!

"Tawagin niyo lamang po ako kung may kailangan pa kayo." nagpasalamat lang ako kay Linda at agad na ini-lock na yung pinto ng banyo. So ngayon ang problema ko naman ay kailangan kong maupo sa may parang kahoy na upuan. Mababa lang ito at nakaharap ito sa basin. May bathtub rin naman pero mas preferred yata ni Alma ang maligo with basin and tabo. Nakakangawit siya ah.

"Uy mukhang imported 'to ah!" Prell shampoo. Ang yaman naman talaga ng mga Ilusorio! Imported ang shampoo! May kamag-anak kaya sila sa US?

Pagkatapos kong maligo ay nakahanda na nga ang damit ko sa may kama. Ganito pala ang feeling kapag may "yaya" ka. Mukhang kasing edad ko lang naman si Linda. Imbes na dress ang damit na nakahanda sa akin ay baro't saya ito. Nakakapagsuot lang ako ng ganito kapag buwan ng wika ah.

Pagkababa ko sa may kusina ay naabutan ko na sina Donya Conchita, Ate Feliza at ibang mga tagaluto sa mansyon. Busy sila pagluluto at hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtulong. Nakakapunta lang naman ako sa kusina namin kapag kukuha ako ng makakain sa may ref pero hindi ako nagluluto or naghuhugas man lang ng mga plato at baso.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon