Kabanata IX

1.5K 47 10
                                    




Kabanata IX

"Senyorita?" abala ako sa pagsasalin ng kape para kay Juancho nang pabulong akong tinawag ni Linda. Pagkatapos kasing mangharana ni Juancho ay agad siyang pinapasok ni Don Concordio sa aming bahay upang makapag-kape silang dalawa. Naroon silang lahat sa salas at nagkkwentuhan. Inutusan ako ni Don Concordio na ipaggayak ko daw ng kape ang aking mapapangasawa.

"Ano 'yon?" tanong ko kay Linda na mukhang may chismis na naman yatang bago. Tumikhim pa siya at luminga s apaligid kung may nakikinig ba sa aming ibang tao.

"Nakita ninyo po ba ang mga titig ni Senyorita Feliza para kay Jose Luis? Nako! Mukhang umiibig po yata ang Senyorita." matagal ko naman nang napapansin na may crush nga si Ate Feliza kay Jose Luis, hanggang crush lang naman siguro dahil alam naman ni Ate na iba ang estado ng buhay ni Luis. Kumbaga langit si Ate Feliza at lupa si Jose Luis. Hay ewan ko ba kung bakit sagabal sa lovelife 'yang status na 'yan.

"Ano naman? Paghanga lang 'yon, lilipas din." putol ko ka Linda.

Hindi ko na hinayaang maging juicy pa ang chismis ni Linda at baka may makarinig pa sa amin. Ayoko namang mapahamak si Ate Feliza. Mabait si Don Concordio pero based sa kwento ni Mamita ay mukhang matapobre ito. 'Di ba? Hinayaan ni Don Concordio na mamatay si Alma para lang hindi siya mapahiya sa buong San Ildefonso dahil isang disgrasyada ang kanyang anak. Kapag kasama ko naman si Don Concordio ay napakabait niyang ama hindi ko lang lubos maisip na magagawa niya iyon kay Alma. Ugh! Siyempre hindi ko hahayaang mangyari 'yon! Hindi 'yon mangyayari habang ako ang nabubuhay sa katawan ni Alma. Magiging maayos ang lahat. Walang mamamatay.

Si Linda ang nagbitbit ng tray kung saan naroon ang mga kape at bilao ng suman na dala naman ni Juancho. Naabutan namin silang nagtatatawanan at magkatabi pa nga si Don Concordio at Juancho. Uupo na sana ako sa tabi ni Ate Feliza ngunit pinandilatan ako ng mga mata ni Donya Conchita, doon ko lang narealize na may naka-reserve pa lang bakanteng pwesto sa tabi ni Juancho. Kaya kahit naiilang ako ay tumabi na din ako sa kanya. Jusko! Hindi ko naman siya totoong nobyo at ang totoo ay apo ako ni Juancho dahil kapatid siya ni Mamita. Kinikilabutan yata ako sa ginagawa kong 'to. Huhuhu.

"Tama 'yan Alma, kailangan ay masanay ka ng pagsilbihan itong si Juancho. May napag-usapan na ba kayong petsa para sa inyong kasal?" tumawa lamang si Juancho at niligon ako. Para naman akong najejebs na ngumiti din. Anong kasal? Hindi pwede!

"Hindi pa po namin napag-uusapan ni Alma buhat nang magkasakit siya Don Concordio. Ang akin naman po ay kahit bukas ay handa akong pakasalan si Alma, kahit saan pong simbahan basta't ang mahalaga'y si Alma ang aking magiging kabiyak." muntik ko nang maibuga yung iniinom kong kape dahil sa banat nitong si Juancho. Wala bang bago? Luma na 'yan e. Humalakhak naman si Don Concordio, Kuya Prim at Kuya Perf. Tahimik namang tumawa sina Donya Conchita at Ate Feliza.

Ang napansin ko lang dito sa panahong 'to ay hindi gaanong nakikisama sa kwentuhan ang mga babae sa mga lalaki, kung may nakakatawa man ay tahimik o pasimple lang silang tatawa. Ang yumi masyado. Sorry na lang sila at hindi ako ganoon. Galing ako sa 2017, sa panahon ko ay may kalayaan akong sabihin ang gusto ko. Hindi ko kayang sumunod sa patriarchy na mayroon dito. Pantay na lang ngayon ang mga lalaki at babae. Walang maaaring magdikta sa akin kung ano ang mga plano ko sa future. Hindi si Don Concordio at hindi din si Juancho.

"Ayoko pa pong magpakasal. Masyado pa po akong bata para magpakasal, Papa." diretso akong tumingin sa mga mata ni Don Concordio na ngayon ay nawala na ang mga ngiti. Natigilan silang lahat at napabaling sa akin, kung makatingin silang lahat ay parang may krimen akong ginawa. Krimen na ba ang magdesisyon ako para sa aking sarili? Ang magsabing "ayoko" kung hindi naman talaga ako sumasang-ayon?

"Ano ang ika mo, Alma?" natatawang tanong ni Kuya Perf at tinignan ako na para bang tinatantiya ako.

"Ang sabi ko Kuya Perfecto ay hindi pa ako handang magpakasal, masyado pa akong bata." ulit ko at mas lalong naging-firm ang aking boses.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon