Kabanata X

1.4K 52 15
                                    

Kabanata X

Tahimik lamang kaming dalawa ni Juancho sa loob ng sasakyan niya habang binabaybay ang kalsada patungo sa bayan ng San Ildefonso. Halos bukirin pa ang paligid at kakaunti lamang ang mga bahay. Napansin kong ang Casa Rojo nga ang pinaka malaking bahay dito. Hindi na kailangan ng aircon dito sa loob ng kotse dahil napaka presko ng hangin. Ipinikit ko a ang mga mata ko para damhin ang pang Nobyembreng hangin.

"Nakapag-almusal ka na ba, sinta?" tanong sa akin ni Juancho habang nakatuon pa din ang atensyon niya sa may daan. Ugh. Bago pa man ako makapagsalita ay mas nauna nang sumagot ang tiyan ko kaysa akin. Agad kong hinawakan ang tiyan ko at pilit pinapatahimik ito.

"Hindi ako nakapag-almusal dahil nagtalo kami ni Papa." explain ko naman sa kanya.

"Tungkol pa din ba iyon sa nangyari kagabi?" nagbuntong hininga pa muna si Juancho at hindi ko alam kung may kasunod pa ba siyang sasabihin, iyong expression niya kai ay para bang naiinis siya. Sa akin ba? Nang lingunin naman niya ako ay biglang nagbago ang kanyang aura at parang naging isang anghel. Ang gwapo din talaga ni Juancho at sa nakikita ko ay mukha naman siyang mabait at gentleman katulad ni Jose Luis iyon nga lang ay sa panahong ito ay mas nangingibabaw ang patriarchy kung saan ang mga babae ay nasa bahay lamang at nag-aalaga ng mga anak at nangangasiwa sa bahay. Hindi ko kaya! Baka si Alma pa ang maging founder ng Gabriela Party List kapag nagkataon. Hahaha.

"Hayaan mo at susubukan kong kumbinsihin si Don Concordio sa iyong nais. Iyo namang nalalaman na handa kong ibigay ang lahat upang lumigaya ka lamang." Ang corny talaga ng mga linyahan nitong si Juancho pero nakakakilig pa din. Ang swerte din talaga ni Alma dito sa boyfriend niya. Mukhang ma-eenjoy ko naman itong 'date' namin ni Juancho.

Nang makarating sa may Bayan ay bumungad sa akin ang ibat-ibang boutique shops, bilihan ng mga tela at sa tingin ko ay salon. Wala pa yatang mall sa panahong 'to. Wow! Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar na ito. Nagmasid-masid lamang ako sa paligid habang naglalakad kami ni Juancho. Kahit 10 AM pa lang ay marami na ang mga tao lalo na iyong mga babaeng mga sosyal ding manamit. Mukhang ang mga namimili dito ay may mga kaya din katulad ni Alma.

Ang ganda talaga ng mga damit sa panahong ito. Ang classy at eleganteng tignan. Tama nga pala si Mamita na ang fashion trend ay nagpapa-ikot ikot lamang. Ngayon ay mauuso at maluluma din subalit darating ulit yung time na mauuso tong muli.

"Kapag kasal na tayong dalawa Alma ay mas madami pang boutique ang mayroon sa Maynila. Doon ay hindi ka maiinip hindi katulad dito sa San Ildefonso. Hindi ba't gusto mong makapunta sa Odeon Theater? Doon ay maaari mong makita ang mga paborit mong artista. Sino nga iyong paborito mong aktres at mang-aawit?" dahil concentrated ako sa pamimili ng mga damit ay nakalimutan ko nang i-filter ang mga sagot ko kay Juancho.

"Mas madami akong gustong artista sa South Korea lalo na sa mga Oppa k---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko at dahan-dahang nilingon ang reaksyon ni Juancho. Napangiwi ako nang makita kong nakakunot na ang noo ni Juancho na para bang alien ako.

"O? Op-pa?" juskolord! Let me explain. Sino bang sikat na artista sa 50s? Wala yata akong kilala. Si Nida Blanca? Nagpapanic na ako at nabblanko. Nakaka-pressure ka naman Juancho oh!

"Gloria Romero! Gloria Romero!" sabay turo ko doon sa picture ni Gloria Romero na may hawak na Coke. Thank you po Ms. Gloria Romero. Ang ganda-ganda mo  naman. Sinundan ni Juancho ng tingin iyong poster ni Gloria Romero na nakadikit sa may poste. May Coke na pala?

"Ah. Ang akala ko'y si Paraluman ang paborito mo. Hindi ba't gusto mong mapanood iyong bago niyang pelikula? Hayaan mo at ipagpapaalam kita sa iyong Papa upang maipasyal kita sa Maynila." para na naman akong natataeng ngumiti at inaya na lamang si Juancho na kumain na lamang dahil nagugutom na ako. Madami sana akong gustong bilhing damit pero wala naman akong dalang pera. Hindi pa ako natuturuan ni Donya Conchita kung paano gamitin ang pera sa panahong ito.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon