Kabanata IV

1.3K 54 7
                                    


Kabanata IV

Hindi ko alam kung paano maisusurvive ang isang araw ko dito! PM pa lang at nauubusan na ako ng pwede paglibangan. Ngayon ko talaga mas na-appreciate yung phone, TV, laptop and wifi connection! Kaninang hapon matapos ang siesta ay sinamahan ko lang si Ate Feliza na mag-gatsilyo at buti na lang ay medyo nakalusot ako kahit papano kasi alam ko naman yung basic na pag cross-stitch. Iyon na lang ang ginawa ko kaysa naman mabuking ako na hindi ako marunong mag gatsilyo. Bukas naman daw ay tulungan ko siya sa pagbuburo. What's that?!

Pagkatapos mag hapunan ay nagpunta kaming lahat sa may sala. Akala ko manonood kami ng teleserye sa Primetimebida pero narealize ko na wala nga pala na TV. Kailan pa ba mauuso ang TV dito? Kapag pala gabi ay nagtitipon ang lahat sa sala para ipagpatuloy yung tsismisan habang umiinom ng kape at kumakain ng dessert. Ang sosyal naman! Katabi ko sina Donya Conchita at Ate Feliza habang magkatabi naman sa tapat na upuan sina Kuya Prim at Kuya Perf. Paninidigan ko na talaga yung pagbibigay nicknames ko sa kanila cos ang bantot talaga ng names nila! I cannot!

Si Don Concordio naman ay nakaupo doon sa parang tumba-tumba na upuan. Teka! Parang ito din yung upuan na madalas na pinagtatambayan ni Mamita ah? Akalain mo 'yon! Mukhang bago pa 'to ah!

"Umayos ka ng upo" bulong sa akin ni Donya Conchita at mabilis ko naman pinagdikit yung mga hita ko. Daig pa ni Donya Conchita yung principal naming Madre noong highschool! Tinignan ko naman si Ate Feliza na sobrang prim and proper. Jusko! Di ko yata kayang maging ganon. Kapag may nakakatawa ay yumuyuko pa siya at tinatakpan ang bibig niya kapag tumatawa samantalang ako kitang-kita na yung tonsils ko. Kung maupo siya ay bahagyang nakaside ang magkadikit niyang mga binti.

"Opo." simangot ko na lang at uminom sa kape ko. Napangiwi ako kasi ang pait! Hindi Starbucks! Kahit 3 in 1 man lang sana. Purong kape lang yata ito.

"Papa, alam niyo po bang nagtatampo ako sa inyo." sabi ni Ate Feliza at ngumiti lang na napakayumi. Nakakaloka! Hihikain yata ako sa way niya ng pananalita. Napaka soft and feminine. Feeling ko tuloy ang palengkera kong magsalita.

"Bakit naman Feliza? Anong nagawa ko upang magtampo ka sa akin?" ibinaba ni Don Concordio ang kanyang kape sa lamesa at binalingan si Ate Feliza na ngayon ay tinignan naman ako bago ibalik ang tingin sa Papa niya.

"Ako po ang panganay na babae subalit mauuna pang magpakasal si Alma sa akin." nagtawanan naman sina Don Concordio at sina Kuya habang kami ni Donya Conchita ay poker face lang.

"May punto nga naman po si Feliza, Papa. Paano naman po kami ni Kuya Perfecto? Hindi ko po sukat akalain na ang bunsong kapatid pa namin na si Alma ang unang matatali." muli silang nagtawanan. Anong nakakatawa? This is a serious topic! Bakit ninyo naman kasi ipapakasal si Alma eh 18 years old pa lang siya! 

"Ang nais ko ay matuto muna kayo Perfecto at Primotivo sa pangangalakad ng hacienda bago ko kayo ipakasal. Ikaw naman Feliza ay huwag mag-alala sapagkat pagkatapos ikasal ni Alma ay hahanap ako ng lalaking kapwa galing din sa buena familia. Hindi ko hahayaan na mapunta kayo sa kung sino lang." hmm? bakit ganoon kaya yung reaksyon ng mukha ni Ate Feliza? Sa pagkakatanda ko sa kuwento ni Mmaita ay may gusto din siya doon sa hardinero. Bale love triangle sila ni Alma. Gaano ba kasi kagwapo yang si hardinero guy!

"At isa pa alam naman ninyo ang dahilan ng pagpapakasal ni Alma kay Juancho. Balak kong tumakbong Gobernador sa susunod na eleksyon. Hawak natin ang buong San Ildefonso, mas makikilala pa ang apelyido natin kung maipapakasal si Alma sa isang Andrada. Sakop nila ang halos kabuuan ng San Rafael." Nako huh! Medyo ambitious naman pala si Papa!

Imagine nagawa niyang ipakasal at i-sacrifice si Alma para lang sa kapangyarihan. I wonder kung mahal ba talaga ni Alma si Juancho or napilitan lang siya dahil sa Papa niya. Okay pa naman sana sa akin kung magkakatuluyan na lang sila ni Papa Juancho para wala na lang gulo. Ang dali lang naman ng sitwasyon nila eh! Ang kaso hindi naman ako si Alma, malay ko ba kung may iba talagang nilalaman ang puso niya. Ang pangit naman kung makabalik man siya sa katawan niya tapos magugulat na lang siya na kasal na siya kay Juancho, eh paano kung ayaw pala talaga niya? Ayoko naman na habambuhay siyang magsisi dahil sa kalandian ko.

Falta de AlmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon