BATMAN. Superman. Spiderman. Iron man. Suman. Palaman. Sago't gulaman. Ikaw at ako
magpakailanman. Peksman. Mamatay man.
Mag-aabang kahit hindi alam kung ano ang aabangan.
Maghahanap kahit 'di alam kung saan.
Maghihintay kahit 'di alam kung hanggang kailan.
Magsisimula kahit 'di alam kung may patutunguhan.
Magtatapos kahit 'di alam kung ano ang nasimulan.
Ganyan dapat. Steady lang. Chill chill. Hassle free.
'Hindi ko alam'. Ganyan lang.
Si Batman, may Cat Woman. Si Superman, tutumba sa Kryptonite. Si Peter Parker, kinagat lang ng gagamba, Spiderman na. Si Iron Man, nakatatlong series na.
Ang Suman, niyayakap ng dahon ng saging. Ang Palaman, iniipit ng dalawang tinapay. Ang Sago't Gulaman, tinitinda yan ni Aling Kaka sa kanto.
May Ikaw at Ako kaya sa Magpakailanman?
Peksman?
Mamatay ka man.
''She left. She never came back. I was here. I was with you. Anong parte ba 'don ang hindi mo maintindihan? Too bad, I was never that name.''