Copyright © UnderstanDhine, 2014
''GODDESS of Magic.''
''Huh?''
''Yan ibig sabihin ng pangalan ko. Sabi ni mommy, 'pure' din daw ibig sabihin nun. Ang galing diba?'' Sabay tawa niya ng mahina kasabay ng pagkumpas ng buhok niya sa hangin mula sa bus na sinasakyan namin.
Parang tumigil ang mundo ko sa nakikita ko. Napakaganda niya. Sana ay hindi na namin marating ang eskwelahan para matingnan ko pa siya nang mas matagal.
Nakatingin siya sa labas ng bintana ng bus habang masayang nakangiti. Nilabas ko ang phone ko para kunan siya ng picture. Bagay na bagay sa kanya ang pwesto niyang iyon.
Bigla siyang gumalaw dahilan para itago ko ang phone ko. Mula sa kanyang bag ay naglabas siya ng pentel pen.
''Bawal daw mag-vandalize sa public places sabi ng teacher natin. Mapapatawad naman siguro niya ako kung isang beses ko lang gagawin,'' sabi niya nang nakangiti pa rin. Napaka-inosente niya talaga.
Saka ko lang nakita na pangalan ko pala yung sinulat niya sa likod ng upuan na nasa harap namin: ''Darrell''
''Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng pangalan mo pero gustung-gusto kong binabanggit. Automatic na lang akong napapa-smile.''
Nilingon niya ako at binigkas ang pangalan ko nang paulit-ulit. Para siyang 2-years old na kakatuto pa lang magsalita.
''Da...rrell. Darrell!''
Bigla na lang akong napangiti at napatawa kasabay niya. Parang magic.
''Darrell!''
''DARRELL NIVOLA!!''
Bigla akong napaupo ng diretso sa sobrang gulat. Lintek! Buti na lang hindi ako napasigaw sa sobrang lapit ni Mr. Collisimo sa mukha ko. Nightmare 'to, pare.
''Another sweet wet dreams huh, Mr. Nivola?''
Nakatulog na naman pala ako sa klase ng panot na 'to. Hindi ko sigurado kung ano ang boring. Siya o ang Statistics.
''Mind to share it with us? Nakita kasi naming nakangiti ka pa. Malay mo malaking tulong pala yan sa discussion ko.''
Ugh. That sarcastic tone. Nakakaasar. Nakipaglaban ako ng titigan kay Mr. Collisimo.
Hindi rin nagtagal ay muli itong nagsalita,''Next time, huwag mo nang gawing sleeping time ang oras ko, Mr. Nivola!'' Sabay alis niya sa harapan ko.
Nakahinga ako dun ng maluwag. Buti na lang at naipapasa ko yung mga pinapagawa niya kaya malayo pa ko sa red mark. Siguro. Sana.
''Grabe, Dude. Kung alam mo lang kung ga'no kaingay yung alaga mong pusa kaninang umaga. Nakakahiya sa mga kapitbahay niyo,'' sabi ni Curriel na parang inaalala pa yung nangyare kaninang umaga.
Andito kami sa cafeteria. Pinili kong hindi na pumasok sa susunod kong klase at sumama sa dalawang 'to. Badtrip pa ko kay Mr. Collisimo.
''Hindi siguro napakain ng amo kaya nagwawala,'' walang emosyong sabi ni Ley na nakatuon ang mata sa librong binabasa.
Ganyan talaga yan. Studious. Pero pag wala sa eskwelahan ay napakawild.
''Tss. Ilang linggo ko na nga siyang iniiwasan. Ni anino niya, ayaw kong makita,'' sabi ko nang naiirita.
''Tsk. Ginusto mo yan. Ilublob mo sa tubig nang tumahimik,'' sagot ni Ley na natatawa.
''Ano bang ginawa mo sa bahay ko kanina, Curriel?''
''Makiki-almusal lang naman sana ako. Eh nadatnan kong halos gibain na ng alaga mo yung gate niyo,'' sagot niya na halatang nagpipigil tumawa ng malakas.
''Dapat na ata akong magrequest ng isang batalyon ng army para sa kaligtasan ko.''
''Buti hindi niya pinasabog yung bahay niyo. At nakauwi ka pa,'' komento ni Curriel na humahalakhak na.
''Haaayy. Malala na yan,'' umiiling na sabi ni Ley na tumatawa na rin.
''Tss. Halos isang oras din ako sa coffeeshop kanina. Hinintay ko pa siyang makaalis at tsaka...'' Sandali akong natigilan.
Naalala ko yung sa coffeeshop. The coffee. The name. But nobody came.
''Ayoko pa siyang makita.''