Copyright © UnderstanDhine, 2014
''OH, Darrell sa'yo.'' Sabay pasa sakin ng bola ng teammate ko. Kasalukuyan kaming nagppractice para sa championship game.
Patuloy lang ako sa pagddribble at naghahanap ng tiyempo. ''Pare, shoot mo na!''
Ishshoot ko na ang bola sa ring nang bigla itong dumulas sa kamay ko. Damn!
''Tss. Open na nga 'di mo pa nashoot. Tama na muna 'to. Tomorrow. 7 am. Sharp!'' Sabi ng team captain.
''Darrell, ayusin mo 'yan ha.'' Sabi niya sakin pointing his finger. Napairap na lamang ako sa inis.
''Anong problema, pare? Two weeks na lang game na.'' Tinatahak ko ang daan papunta sa mga upuan sa bleachers. Sinundan lang ako ni Curriel.
''You don't need to tell me. May kalendaryo ako!''
Tinawanan niya lang ako at sinamahang magpahinga dito. ''It's all about her. Right?''
Napatitig ako nang matalim kay Curriel sa sinabi niya. Bago pa man ako makapagsalita ay may umagaw na ng atensyon ng lahat ng tao dito sa gym.
''BABY?? WHERE'S DARRELL?''
Lalong napahagalpak ng tawa si Curriel habang ako ay napapikit na lamang sa irita. ''Andyan na pala ang sundo mo, baby.''
''Whatever, dude. Shower room muna ko. You entertain her.'' Naglakad na ko papunta sa shower room bago pa siya magreklamo. Nakipag-high five ako sa mga nakakasalubong ko.
I took off my clothes and headed to one of the cubicles. Binuksan ko ang shower and it was cold. So damn cold. Ah!
''Hey, why are you crying?'' Nagpatuloyparinsiyasapaghikbi.Nakauposiyasadamuhanatnakasandalsapunohabangnakayukoathawakniyaangmgatuhodniya.
''Da-Darrell...''
''What happened? Sabihin mo sakin.'' Hindi na ako mapakali. I hate to see her crying. Inangat ko ang ulo niya and held her hands. They were so cold.
Patuloy lang siya sa paghikbi at parang nahihirapang magsalita. ''Si-Si P-papa...''
''...aalis. Aalis s-siya, D-Darrell.''
Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. I could still hear her sobbing so I patted her back.
''It's okay. I am here. Tama na...'' I whispered to her ear. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito.
''A-Aalis si P-papa. I-iiwan niya s-si mama. Darrell...''
''Sasama ka ba?'' Out of nowhere ay naitanong ko. I wanted to know.
Nakayuko lang siya at patuloy pa rin sa paghikbi,''S-sorry. Malamig b-ba kamay k-ko? Ganito k-kasi pag u-umiiyak ako. A-ang init n-ng kamay m-mo. Pwede bang... pwede bang hawakan mo lang ako?''
Hinawakan ko siya ng mahigpit at inulit ang tanong ko,''S-sasama ka b-ba?''
Inangat niya ang ulo niya at nagtama ang tingin namin. Pinunasan niya ang luha niya at pilit na ngumiti.
''No. Hindi ako aalis.''
''Hey. Darrell. Andyan ka ba?''
Napamulat ako sa gulat. Damn it!
''Mauuna na kami. Di ka ba sasabay?'' Malamang ay isa ito sa mga team mates ko.
Napahigpit ang hawak ko sa handle ng shower. I closed my eyes in frustration. Kumatok pa siya sa pintuan. ''Just leave!''
Pagkalabas ko sa cubicle ay nagpunta ako sa locker ko at nagbihis. Wala ng ibang tao kundi ako lang. Malamang ay nakaalis na ang mga iyon.
Paglabas ko ng shower room ay wala na ring katao-tao. Maging si Catherine Nicole ay wala na rin.
Dumiretso na ako sa parking lot. Wala nang
gaanong tao maliban sa mga may night class.
Pinindot ko ang alarm ng Toyota Camry ko. Gift sakin 'to ng parents ko nung nagcollege ako. First car kaya todo ingat ako.
I reached home at binuksan naman ni manang Milla yung gate. ''Thank you po, manang.''
Nagdire-diretso ako sa loob ng bahay pagkatapos ko ipark ang sasakyan ko.
''Hindi ka ba muna kakain, hijo?'' Tanong ni manang Milla. Noon pa man ay malapit na talaga sakin si manang. Nung lumipat ako dito sa syudad para mag-aral ay siya na ang umaasikaso sakin.
''Hindi na ho, manang. Nagpapahinga na ako.''
Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Maaga na naman ang practice bukas.
Nakahiga na ako sa kama pero hindi naman ako makatulog. Napabangon ako nang naalala ko yung sinabi ni Cody kagabi.
Kinuha ko ang laptop ko. Nagpunta ako sa facebook. Since wala akong account doon, account ni Curriel ang ginamit ko.
Pagka-logged in ko ay tumambad sakin ang higit-kumulang na 500 friend requests at kung anu-ano pa. I scrolled down at natatawa na lang ako sa mga posts ng mga babae sa timeline niya.
Binilinan pa niya akong huwag papakeelaman ang account niya pero wala naman siyang sinabing huwag ako magbabasa. Iba na talaga ang chickboy!
Bago ko pa makalimutan ang pakay ko ay nagpunta na ako sa search bar. I typed what Cody told me. I took a deep breathe bago clinick ang search button.
Marami ang lumabas sa search results. I scrolled down. Inisa-isa kong tingan ang picture sa gilid ng pangalan.
Napako ang tingin ko sa isa sa mga nasa results. I clicked it. Parang nanunuyo ang lalamunan ko.
I am speechless.
I found her.