Copyright © UnderstanDhine, 2014
''MANANG, nakita niyo ba yung blue notebook ko sa kwarto?''
Napalingon si Manang Milla sa direksyon ko. Pababa ako ng hagdan at si Manang ay kagagaling sa kusina. ''Hindi ko alam, hijo. Alam ko namang ayaw mong pinapagalaw ang mga gamit mo. Baka nasa drawer mo sa study table.''
I ran back to my room at pasigaw na nagpasalamat kay Manang. Alam na alam talaga niya ang mga ayaw at gusto ko. Sa tagal ba naman ng pag-aalaga niya sa amin ni Riehle.
Nang lumipat ako dito sa syudad para mag-aral ay si manang na ang lagi kong kasama. Ayaw naman nina Dad na mag-isa akong tumira dito sa bahay na pinatayo nila habang nag-aaral ako.
''Andito ka lang pala. Tss.'' Nasa drawer ko nga ang hinahanap ko. Maybe I put it there o baka si Manang. Ayaw niya din kasi ng makalat kaya inaayos pa rin niya ang gamit ko lalo na pag nakakalimutan ko.
I went out of my room and hurriedly ran down the stairs. Late na kasi ako sa first subject ko. ''Alis na po ako, Manang. Huwag niyo na po akong hintayin mamayang gabi. May practice po ako. I have my keys naman.''
Patakbong tinungo ko ang pintuan palabas ng bahay. ''Hindi ka ba muna kakain, anak?'' Sigaw ni Manang dahil nakalabas na ako ng pinto.
''Hindi na po.'' Sigaw ko din sa kanya. Nagmamadali talaga ako. Hindi ko alam kung aabot pa ako o hindi.
![](https://img.wattpad.com/cover/15410052-288-k340170.jpg)