Copyright © UnderstanDhine, 2014
''W-WHAT... what happened?''
I felt uneasy. Hindi tatawag si Lori sa akin kung walang nangyari sa probinsya. ''Is everything... okay, Lori?'' May halong ma-awtoridad sa boses ko pero hindi siya sumagot.
''Lori--''
''Babalik na siya.''
I froze. I felt so numb. Napabitaw ako sa pagkakahawak kay Catherine Nicole. Walang ibang rumerehistro sa utak ko kundi ang sinabi lang ni Lori. ''Kuya, babalik na si Ate.'' My heart was beating so loud. Nakakabingi. Ang hirap sa pakiramdam.
''Darrell. Are you alright?'' Hinawakan ni Catherine Nicole ang kamay ko pero hindi ko siya nilingon.
Ano bang nangyayari sa akin? I felt so weak. Nanghihina yung tuhod ko na parang anytime babagsak ako. I hate this feeling.
''I-I'll be there.''
Dali-dali akong lumabas na hindi ko pinapansin ang pagtawag ni Catherine Nicole sa akin. I have to be there. I need to be there. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari sa Luciente.
Limang oras na byahe papunta sa probinsya namin. Alas onse na. Sobrang occupied ang utak ko na dapat makarating ako doon. Overtake kung overtake. Nakikiayon naman ang kalsada dahil walang masyadong traffic.
I have this feeling na nawawala na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Parang sa isang iglap, nawala na lahat ng lakas ng loob ko.
3pm. Nandito na ako sa Luciente. Sa street nila Lori na ako dumiretso. Habang palapit ako nang palapit ay kinakabahan ako para sa ibabalita ni Lori sa akin. I feel excited yet afraid.