Copyright © UnderstanDhine, 2014
END of Third Quarter. 67-44. Fellion Knights lead. Wala na. Hirap na kaming makabawi sa fourth quarter. Iba ito sa lahat ng laban namin. Ngayon lang kami natambakan. This is the final game. Do or die, like they said.
Magaling talaga ang mga Knights. Lagi namin silang nakakaharap sa championship. Sila yung pinakapinaghahandaan namin pag finals. 2 in a row nang champion ang Martino Warriors. And we shouldn't let them steal it.
Buong laro ay lamang na lamang sila. Makakapuntos kami pero mas malaki pa rin yung diperensiya. Napaka-ingay dito sa loob ng gym. Andaming tao. Mga students ng iba't ibang universities at ilang outsiders na supporters din.
''Darrell, what's the matter with you?'' Tanong ni Coach sa akin. Nakaupo ako sa bench sa side namin at umiinom ng tubig. Tiningnan ko lang siya.
''This is the championship game, for pete's sake! Tinakasan mo na nga yung practice kahapon at hindi na ka bumalik. Tapos ganito magiging performance mo the entire game?''
Tama siya. Hindi na nga ako bumalik kahapon. My mood changed after what happened.. after what she said. I think, iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako confident sa buong game. Parang wala akong energy.
''Don't ever forget na pride ng school 'to. Huwag mong hayaang ikaw ang maging dahilan ng pagkatalo ng buong team. Don't chicken-out this time, Romano!'' Mahabang litanya ni Coach Ventre sa akin. I don't know what happened to me. I was one of the best players. Nang dahil lang sa babae ay maaaring maapektuhan lahat ng pinaghirapan ko.
Sumipol na ang referee. Hudyat na para sa fourth quarter ng laro. Bago ako pumasok sa court ay matamang tiningnan ako ni coach. I know it will be my fault kung matatalo kami. Pati mga teammates ko ay naiinis na rin sa kinikilos ko sa buong game.
I am the best 3-point shooter. Sabi yan ni Coach. But when I am in the 3-point line, naghehesitate ako magshoot kaya pinapasa ko sa teammate ko. Pag ipinasa naman sa akin ang bola ay naaagaw ng kalaban. Makakashoot ako pero mga free-throws at mga one point o two points lang.
The fourth quarter of the game started. Sunud-sunod na nakapuntos si Curriel. He has a good defense technique. Salitan na lang ang pagkakaroon ng puntos namin at ng kabilang team. Ipapasa nila sa akin ang bola pero ipapasa ko ulit sa iba.