Chapter 3 Name Your SEARCH

39 3 0
                                    

Copyright © UnderstanDhine, 2014

NAGMAMADALI akong tumungo sa office ni Mr. Collisimo. Pinagawa niya lang naman ako ng a thousand words essay kung anong natutunan ko so far sa klase niya. Binigyan niya lang ako ng 3 days para magawa.

Pati tuldok at kuwit ay dapat tama ang bilang. Punishment ko daw 'to sa pagtulog ko sa klase niya. Laking pasalamat ko na lang kina pareng Google at tropang Yahoo.

Pagkatapos ng ilang sermon niya, pinaalis niya din ako. Palabas na ko sa main gate nang may nakasabay ako sa paglalakad.

''Umm. Hi...''

''Catherine Mae ang pangalan ko, in case you forgot.''

Si Catherine Mae. Nerd. Seatmate ko siya sa College Algebra nung first year. Math yan. Kaya malaki ang natulong niya sakin para makapasa.

Wala pa ring nagbago sa kanya. Ang jologs niyang porma pero kumapal ata ng dalawang pulgada ang salamin niya. ''Kamusta ka na? Gumaganda ka.'' I smiled sweetly.

''Insulto ba yan o you're just flirting with me, again?'' Sabay irap niya sa akin.

Napakabitter naman nito. ''Of course not. Ngayon lang kita nakita after--''

''After you broke with me and be with Katherine Rose!''

Katherine Rose. Halos di ko na nga siya matandaan. Jogging buddy ko siya noon. I broke up with her dahil masyado niya kong sinasakal na para niya kong alagang aso.

''People always get what they deserve. You don't deserve to find happiness. One day, Darrell. Just wait for that one day.'' Sabay walk-out niya sa harapan ko.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Is that a curse?

1 message received.

Hartley Gibbens:

7 pm @ Jerry's.

Nagyaya na si Ley mag-bar. Stressed na siguro yon kakaaral.

To Hartley:

I'm on my way.

Hindi naman kalayuan sa village yung bar. In less than 10 minutes ay nandito na ko at nakita silang nakikipag-usap sa tatlong babae.

''Hey, baby. Hindi na kita natawagan. Did you miss me?'' Pinalupot niya ang kamay niya sa braso ko.

Si Catherine Nicole. Ang current girlfriend ko.

 Nagkwentuhan lang kami nina Curriel kahit na aware ako sa pagpapapansing ginagawa ni Catherine Nicole sakin.

''Baby, wanna go somewhere else?'' Bulong niya sa tenga ko.

I just smirked and said, ''No.''

''Tinatanggihan mo ko? How dare you! Am I not enough for you? Urrrggghhhh!'' Naghysterical siya at umalis. Finally!

''Anong ginawa mo dun?'' tanong ni Ley hawak ang isang bote ng beer.

Nagkibit-balikat na lang ako at ininom ang one shot ng vodka sa harap ko. Napatingin ako kay Curriel na halatang nag-eenjoy kasama ang dalawang babaeng nakilala niya lang dito sa bar. The flirt Curriel.

''Nga pala mga dude. May bagong open na coffeeshop yung mommy ko. Maybe we can pay a visit naman,'' super smiled na sabi ni Curriel na binalingan kami ni Ley.

Isa sa mga hobbies talaga namin ang magkape at kumain. Weird. For spare time lang namin nagagawa yun dahil may kanya-kanya din kaming pinagkakaabalahan.

''After prelims na lang siguro, Curriel,'' sagot ni Ley.

Oo nga, better. What should I expect from a good student?

Tuluy-tuloy lang ang inuman at kwentuhan namin. May mga lumalapit na girls and sino ba naman kami para tanggihan sila.

''Ang sasaya niyo yata.''

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Cody Figiel. Kaibigan ko na siya simula first year highschool. Siya yung pinakamatagal ko nang kakilala sa kanilang tatlo nina Ley na ngayong college ko lang nakilala.

''What's up, dude? Akala ko di ka na makakapunta.'' Biglang tayo ni Ley sabay hand shake kay Cody.

''Sorry, bro. Curly's giving me a hard time.'' Si Curly, ang  girlfriend niya 'daw'.

Kaming apat na lamang ang nasa table at nagtuloy sa kwentuhan. Ngayon na lang ulit namin nakasama si Cody. Schoolmates kaming lahat pero iba lang talaga schedule niya.

''So... Darrell. Kumusta?'' Tanong ni Cody sakin.

''Expect nothing from him, bro. Marami pa rin yang alaga.'' Pinandilatan ko si Curriel sa sinabi niya. Pero tinawanan niya lang ako.

''I-I have something to tell, Darrell.'' Seryosong tumingin sakin si Cody. Natahimik kaming lahat at naghihintay sa sasabihin niya.

Bigla akong kinabahan. Kung ano man ang sasabihin niya. This must be really important.

''I think... I know where she is.''

Name Your LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon