Chapter 12 Name Your COURAGE

55 2 0
                                    

Copyright © UnderstanDhine, 2014

''ANONG size ng paa mo?''

I looked at her. Kasalukuyan siyang nakatingin sa mga paa ko. Nakaupo kami pareho sa sanga ng puno ng mangga na color yellow. Ito yung puno na talagang pininturahan naming pareho na ikinagalit ni Daddy sa akin. Andito kami sa farm namin. Domestic animals ang meron dito.

Nagpagawa din si Daddy ng parang mini-park para kay Mommy malapit sa mismong farm namin para kapag papasyal kami ay may pagpapahingaan. May sakit ang Mommy. Leukemia. Pero hindi pa malala. Iyon ang sabi ni Daddy.

''Nine.'' I replied sa tanong niya. Tumango-tango lang siya. ''Eh ikaw?''

''Six.'' Sabi niya with hand gesture pa sa mga daliri niya. ''Ang laki naman ng paa mo. Panghigante.''

Natawa ako sa sinabi niya. ''Eh kasi, lalake ako. Tsaka malaki din naman kay Daddy.'' Nakatingin lang siya sa mga paa ko. Katatapos lang naming mag-bike kaya nagpapahinga kami.

Nagulat ako nung tumalon siya mula sa sangang kinauupuan namin. Mababa lang naman ang tinalunan niya dahil sa baba ng puno ay may color yellow din na bench. Pero mas nagulat ako nung kinuha niya yung kaliwang tsinelas ko.

''Hey! Yung tsinelas ko.'' Sigaw ko sa kanya. Bumaba kasi siya sa bench na pinagtungtungan niya. Sinuot niya yung tsinelas ko at iniwan naman yung right slipper niya. ''Ano bang laro na naman 'to?''

Name Your LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon