Copyright © UnderstanDhine, 2014
''UGH! My head hurts like hell!'' Reklamo ni Curriel. Kasalanan niya rin naman. Nandito kami sa cafeteria sa loob ng campus. After the game last night ay pumunta pa rin kaming apat sa school.
Si Cody ay may ipinasang report. Si Ley, may tinapos na requirements at ganun din ako. Si Curriel naman, well, gusto niya ng atensyon. Alam niyang maraming babati sa kanya sa buong campus at kahit namimilipit siya sa sakit ng ulo niya ay kakayanin niya.
''Sino ba kasing nagsabing magpakalasing ka kagabi?''
''Wow! Nagsalita ang hindi nalasing.'' Sagot niya kay Ley. Nakayuko lang siya sa lamesa at nakaka-ilang kape na rin siya.
''Pasalamat na lang kayo sakin at hinatid ko pa kayo.'' Sabat naman ni Cody. After the game ay sumama sila ni Ley sa party ng team.
''Mas magpasalamat ka at hindi namin sinukahan yung kotse mo.''
Hindi ko mapigilang matawa sa pinag-uusapan nilang tatlo. I can imagine their faces when they got drunk.
''You still owe us an explanation kung bakit hindi ka na bumalik kagabi kaya wag kang tatawa-tawa dyan, Darrell.'' Baling sa akin ni Ley. Their eyes are on me already.
I stopped laughing and looked at each of them. ''What? Hey, I'm sorry kung hindi na ako nakabalik. Late na rin kasi kagabi.''
They looked amazed sa sinabi ko. Why? Tama naman ako. Late na natapos yung game. Kaya nga inumaga sila sa party.
''Why?''
''Dude, I understand na ikaw nagpanalo sa game. Pero hindi ko makakalimutan yung attitude mo sa laro kahapon. And now, you're laughing and smiling. Parang hindi ikaw.'' Napa-upo ng maayos si Curriel. Sinang-ayunan naman ni Ley ang sinabi niya.
''Been smoking pot, eh?''