Copyright © UnderstanDhine, 2014
''I'M tired, Darrell.''
Napasulyap ako sa kanina pa salita nang salita na si Catherine Nicole. I'm busy driving and I didn't bother hearing her 'sentiments'.
''Huh?''
Napairap na lamang siya na siguro ay napansin niyang ngayon ko lang siya nilingon. ''I said, I'm tired. This internship is killing me. Ugh! I can't talk to you tonight. I'm super stressed!''
She can't talk to me? Sigurado ba siya don? Kanina pa siya dada ng dada magmula nung sunduin ko siya sa airport kung saan siya intern.
''It's okay. I'm taking you home. Malapit na tayo.''
Nginitian niya ako. The simple smile unlike sa natural smiles niya na nang-aakit. Tinitigan niya lang ako. Matagal. Nailang naman ako. ''What?''
Lalo pa siyang napangiti kaya kumunot ang noo ko. ''I just wish I was your first. Yung unang pinakitaan mo ng concern. But, hey! Who am I kidding, right? You're you. The cold one.''
I don't know what reaction should I show. Diretso lang ang tingin ko sa daan bilang pag-iwas sa sinabi niya. ''We're here.''
Tinabi ko ang sasakyan ko sa tapat ng gate ng bahay nila. I'm waiting for her to move and leave my car. But she just stared at me.
''Darrell, I love you.''
Hindi ito ang first time na may magsabi sakin niyan. It doesn't affect me, anyway. ''Okay. Goodnight, Catherine.''
Imbis na lumabas siya ay tiningnan niya lang ako. I saw a sad smile flashed on her lips. Nagbaba siya ng tingin.
''Hey, you okay?''
Nung hahawakan ko siya ay nagulat ako nang nag-angat siya ng ulo at naging tiger mode. ''Of course, I'm okay! I will be busy tomorrow. Baka hindi na ko magpasundo but... Hey! If I knew you would be with some bitch, you know what I can do!''
Agad siyang lumabas. Naiwan akong tulala. She's really weird in a crazy way.
Nung nakilala ko siya sa bar, I found her attractive. Matangkad, maputi, perfect curves. The model type. Mas lalo akong naattract when I knew her name.
Pauwi na ako sa bahay but I decided to pass by the coffeeshop. Yung sa mommy ni Curriel. I said before na maganda talaga ang whole interior and exterior design ng coffeeshop.
I don't know but there is something in this coffeeshop na dapat kong balikan. Maybe their coffees.
Pumasok ako sa pintuan na binati ng guard. This is actually not my second time to be here. Nagpupunta ako dito after I jog in the morning o kaya pag kasama ko si Catherine Nicole pag sinusundo ko siya.
And everytime na magpupunta ako dito at night, I can sense something or someone weird. I don't know. Baka nasanay na ko sa weirdness ni Catherine Nicole.
Nagpunta na ako sa counter to order. I ordered my usual.
''Hey, are you listening? Nakuha mo ba order ko?'' Sita ko sa cashier na grabe kung makatitig sakin. Nakapusod siya at naka-hairnet na may kasama pang cap na mukhang kasama sa uniform nila.
Tumango-tango lang siya at yumuko. Agad niyang pinunch ang order ko. Here's another weird.
Nagtungo na ako sa favorite spot ko sa pinakadulong sulok na hindi masyadong inuukupahan.
While waiting for my order to come, nakatuon ang buong atensyon ko sa labas. Bulletproof transparent glass ang buong wall kaya kitang-kita ang mga sasakyang dumadaan pati ang makukulay na buildings. Malayo sa tahimik na probinsyang pinanggalingan ko.
I am really in the busiest city.
Nawiwili na ako sa pagmamasid sa labas. I heard footsteps. Habang palapit ng palapit ay lumalakas sa pandinig ko. Tahimik dito sa spot ko kaya malakas ang mga yabag.
Napako ang tingin ko sa black stilletos. Up to the above the knee dark grey pencil cut skirt. And up to the white short sleeves and dark pink neck tie. Kung paano ko napansin isa-isa ang mga ito ay hindi ko alam.
Lumapit pa siya hawak ang tray ng isang Macchiato. That is my order, I know.
Finally, I got to see her face. Long silky black hair. Glowing eyes na nakatitig sa akin and her smile that has the ability to attract attention.
She stopped infront of me. Bahagya siyang nagbaba ng ulo para mapantayan ako. Akala ko ay ilalagay na niya ang kape ko sa table. She just stood there with her charming smile.
Ilang sandali pa ay nilapag na rin niya ang order ko. I thought she's about to leave.
''Don't you remember me?''
I was struck dumb. Naiinis ako sa sarili ko dahil walang salitang lumalabas sa labi ko.
Mukhang hindi siya naapektuhan sa pagkunot ng noo ko. Ngumiti lang siya na may halong mahinang pagtawa.
Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
I was shocked.
''I'm Katherine.''