Copyright © UnderstanDhine, 2014
WALA pa ring pinagbago ang lugar na ito. Tahimik at napaka-peaceful. Last year pa ng huli akong makapunta dito. Madalas ay sina Dad ang bumibisita sa akin sa syudad.
Kung hindi lang ako nangako kay Riehle na sasama ako ngayong Sunday sa kanila ay hindi ako aapak ulit dito. ''Kuya, you're so unfair. Do you play pa rin ba sa bahay mo?''
Kasalukuyan kaming naglalaro ng Xbox. Ito ang bonding namin dati pag Sunday. Si Daddy ay busy sa pagkumpuni ng sasakyan niya at si Mommy naman ang nagluluto. Yeah. Typical family.
''No, baby. Alam mo namang busy ako lagi sa school. Kuya has no time to play.''
''Eh bakit ang galing mo pa rin? I always play with daddy pero natatalo ko siya.'' Sabay kagat niya sa sandwich na ginawa ni Mommy para samin.
''You should be playing dolls and not this. Go on. Puntahan mo na playmates mo. I'll go help Dad.'' Kumaripas na siya ng takbo palabas. 8 years old at napakabibo.
''Darrell, anak. Bili ka ng cooking oil sa store, please?'' Sigaw ni mommy mula sa kusina.
''Yes, ma!''
Dali-dali na akong lumabas. Malapit lang naman ang unang store dito sa street namin. Pero dahil mabait ang pagkakataon, naubusan daw sila kaya kailangan ko pang pumunta sa susunod na store.
Una ay nagdadalawang-isip pa akong tumuloy. Una ay dahil nga malayo. Pangalawa, ayoko sa daan papunta doon.
''Darrell? Darrell Romano?''
Lumingon-lingon ako para hanapin yung tumawag sakin.
''Huy! Kumusta? Buti naisipan mo pang pumunta dito?''
''Lori? Wow! You've changed. Ang tangkad mo na.'' Si Lori. Taga-dito sa street na to. Kababata ko yan. Hindi nga lang kami madalas magkasama nung mga bata kami.
''Whatever, Darrell! Ngayon ka na nga lang pupunta dito, mang-aasar ka pa.'' Sabay irap niya at nag-crossed arms pa.
''Sus. Nagtatampo ang damulag.'' Sabay pisil ko sa ilong niya. Hinampas-hampas naman niya ako bilang ganti. Nagtawanan na lang kami sa simpleng asaran namin sa gitna ng kalsada.
''Ang laki din naman ng pinagbago mo. Laking impluwensya talaga ng syudad. Ano bang ginagawa mo dito sa street namin? The last time na nagpunta ka dito---''
''Inutusan ako ni mama. Naubusan kasi sa store malapit samin. Open pa ba yung dating store dito?'' Putol ko sa sasabihin niya. Tiningnan niya lang ako na parang di makapaniwala saka tumango. Inakbayan ko siya at ngumiti.
Mas bata sakin si Lori ng 5 years. Para ko siyang baby sister noon kapag nagpupunta ako dito sa street nila. ''Kuya, kumusta ka na? Okay na ba sayo yung---''
''Lori... Umm. Okay naman ako. Ikaw? Kumusta ang school? Baka may boyfriend ka na. Bawal pa sayo.''
''Duh. Malapit na kaya ako mag-18. Dalaga na ako. Pwede na! Kaya di mo na ako pwedeng akbayan.'' Umiirap na sabi niya at pilit tinatanggal yung braso ko sa balikat niya.
''Ikaw ha. Hindi ka tumutupad sa usapan. Yung promise mo sa amin noon ni Ate mo...'' Napatigil ako sa pagsasalita at napayuko. Tumingin ako kay Lori na nakayuko din at nakasimangot.
''Si... Ate mo, Lori---'' Bigla niyang binitiwan ang braso ko. Pareho kaming napatigil sa paglalakad.
Humakbang siya paharap at nanatiling nakatalikod sakin at nakayuko saka nagsalita, ''Yung wala dito, huwag na nating pag-usapan...''
''... They're not worth the talk.''