Copyright © UnderstanDhine, 2014
''COACH, sige na please?'' Pagmamakaawa ko kay Coach Ventre. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya para mas effective ang pagddrama ko dito. ''Babalik ako after lunch. I swear, Coach!''
Tiningnan niya lang ako. Yung walang emosyon. And said, ''No!'' At mas malala pa ay nagwalk-out siya sa harapan ko. ''Warm-up. 50 rounds. Now!''
Para akong nalugi sa pagtanggi ni Coach. I feel helpless. Ngayon kasi yung araw na magkikita kami ni Katherine. Simula kagabi ay todo paghahanda talaga ang ginawa ko. Ayoko namang hindi siya siputin kaya I've decided na isacrifice ang practice ko ngayon.
But apparently, ayaw nga akong payagan ni Coach. He's very strict. Ayaw niya ng may nawawala pag oras ng practice. Kaya very disciplined kaming players lalo na sa time management.
''Pare, ano bang nirerequest mo kay Coach? Huwag mo sabihing---''
''Ulol!'' Putol ko sa kalokohang sasabihin ni Curriel. Nagwawarm-up pa lang kami. ''I have to meet someone.''
''So you have someone other than your present one.'' He teased. Puro talaga kalokohan 'tong taong 'to.
''Stop it, Bro. You're making me blush!'' Sagot ko din sa kanya. Nagtawanan lang kami pareho.
''Romano! Damaggio! What's with the giggles, huh?'' So, eto na ang serious and furious tone ni Coach. We stopped laughing and just continue what we're doing.